-
•
-"Okay class, isa-isa akong tatawag sa inyo para magpakilala sa harap..." hayysss, etoh pa naman ang pinaka-ayaw ko, ang magpakilala sa harap ng mga kaklase tuwing first day ng eskuwelahan. At ayun na nga iba-ibang mga mukha ang isa-isang ngapakilala sa harap, mapa-familiar man o hindi o sadyang baguhan lang talaga ang ibang mga kapwa istudiyante ko dito ang iba naman matagal na, well mas marami pa rin talaga actually yung mga bago kesa sa mga luma na katulad namin nila Sejun.
Nagpatuloy ang pgpapakilala ng mga iba naming bagong kaklase hanggang sa merong isang lalaki na nagpakilala sa harap na napansin ko, siya lang talaga yung napnsin ko ng lubos kesa sa ibang mga nagpakilala, di mawari kung bakit kapansin-pansin siya sa mga mata ko, basta merong kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan... "Hello guys, I am Josh Cullen Santos, 18 yrs. old at alam ko po na napapansin niyo po sa akin ay ang height ko na maliit." Nagtawanan ng mahina ang iba naming mga kaklase, tsk. siguro nga kaya ko siya napansin nandahil sa height niya, pagkaliit nga naman niya, di hamak na sobrang tangkad ko lalo siguro nito kapag nakaharap ko siya... "Last year po, nasa building po ako ng music, kung saan marunong akong kumanta, pati sumayaw at maggitara." Wait... ehhh? Talaga? Same school ko lang pala siya back then, pero bakit di ko siya nakikita, for short di siya familiar sa akin, sabagay siguro nagtutuon lang toh sa pagtugtog, *abah! ano na Justin?! Nagawa mo pa siyang i-analyze!* I cursed to myself at kasabay nito ang paghampas ko sa ulo ko gamit ang sarili kong kamay. "Grabe ang good looking niya kahit maliit." "At talented pa, maygad nasa kaniya na ang lahat." Eto ang aking narinig sa dalawang istudiyanteng babae na nagbubulungan sa tabi ko, infernes may point sila, pero mali sila sa nasa kaniya na ang lahat dahil wala parin sa kaniya ang pagkatangkad. "Yun lang naman and sana magkasundo tayo sa lahat ng bagay bilang magkaklase, have a good day ahead sa inyo." Kasunod netong sabi. Nagpalakpakan naman ang iba naming mga kaklase pagkatapos netong magpakilala sa harap.
"Pabili po." Tugon ni sejun sa tindera na nasa harap namin. "Ano sayo?" Tanong naman ng tindera kay Sejun. "Pabili nga po ng hotdog, limam piraso po, uyy Jah ikaw naman, lalim ng iniisip mo ahhh, bilisan mo nah eh eh eh, anong oras na oh." Tugon netoh sa akin. "Oo na eto nah, masyado namang nagmamadali toh, kala mo naman mag-a-alas diyes nah, ulul ka-a-alas nwebe palang..." sagot ko naman dito. "Ihhs, palibhasa mahaba lang mga ninti mo eh." Sagot neto sa akin. "So? Tsk." Maarte ko namang saad kay Sejun sabay kamot ko sa ulo ko nang ako'y humarap na sa tindera. Oo nga naman, tama nga naman si Sejun, sadiya nga namang may iniisip ako kanina, actually hanggang ngayon nga hindi ito mawala-wala sa isipan ko, haysss di ko talaga malaman kung bakit ko naiisip yung maliit nayon, ayt bahala na basta merong kakaiba sa kaniya na di ko mawari kung bakit kailangan ko siyang maisip all of a sudden. "Ateh, burger nga po sakin tsaka po magnolia juice drink, ikaw Sej? Bat di ka bumili ng inumin mo?" Tanong ko dito ng makita ko itong tila sarap na sarap sa pagkagat na hotdog na binili niya kay ateng tindera kanina." Sagot neto sa akin. "Edi tara na pala kung ganon." Sumang-ayon naman si Sejun sa sinabi ko at kaagad na kaming umalis sa canteen.
Habang naglalakad kami ni Sejun ay naisipan naming dumaan sa court kung saan naaaninagan naming may mga nagbabasketball. Nang makarating na kami sa court, nagpahinga muna kami sa isan' tabi habang nanonood ng basketball game. Nakaupo naman kami sa may dalawang upuan na monoblock na nasa tabi ng referee. Habang ninanam-nam pa ni Sejun ang hotdog niyang kay tagal maubos, inisa-isa kong tingnan ang mga players hanggang sa napansin ko yung isang player at tinitigan ko pa ito, tintitgan ko siya kasi di ko maliwanagan yung mukha kung sino siya, ang bilis niyang gumalaw at-. "MARRY ME NUMBER 22!!!" "AHHHHH!!!" Sigaw ng ibang mga babaeng istudiyante, whatta? Number 22? Hinanap ng mata ko ang number 22 nayon at biglang may sumigaw pa ulit na mga babae. "JOSH CULLEN SANTOS!!! PLISSS PAKASALAN MOKO!!!" "AHHHH!!!" Malakas na sigawan nila. Wait... Josh Cullen Santos? Dibah kaklase namen yon? Tas number 22? At siya rin pala yung kanina ko pang tini-titigan. *Takteh* kinasusuklaman kong sabi sa aking isip. Hanggang ngayon ay tini-titigan ko parin siya, halos hindi na ako makagalaw at tila ang aking mga mata ay naka-kandado sa kaniya at di ako makawala, na-a-admire ko ang mga kilos niya, simula sa pagdidribol, sa pag-ikot-ikot niya, hanggang sa pagtalon niya at pagshoot niya ng bola sa ring, ramdam ko sa mukha ko ang pagnga-nga ng bunganga ko pero di ko mapigilan kasi di ako makagalaw sa pwesto ko at prang nilagay sa freezer ang buong katawan ko o di kaya siguro sinemento kasi di naman malamig kung sasabihin nateng sa freezer ako nilagay, lol. "Oyy Jah, Jah... JAH!" I came back to my senses after I realize that I was spending my time in the dreamland, and ayun... "Hah? Anuyon?" Questionable kong tanong ng mapnsin ko itong nagtataka. "Anong anuyon ka diyan, kanina pa ako tawg ng tawag sayo kulang nalang gumamit ako ng mic para marinig moko, anglapit lapit ko sayo pero di moko naririnig tas nakatulala pa, ano bang tinititigan mo? Sino bayun? Share mo naman sakin, pero mas maganda kung mamaya mo na sabihin sa akin kasi kanina png binabanggit sa sirena yung pangalan mo, di mo ba talaga nadidinig? Pinapapunta ka na sa office ng school councilor oh." Biglang nangunot ng kaunti ang aking kilay sa narinig ko at may gulat sa aking mga mata. "Ano? Pinapapunta ako sa office? Ng school councilor? Bakit?" Tanong ko kay Sejun, ang dami talagang tanong ang pumasok sa isip ko dahil wala naman akong ginawa pero bakit kinakailangan akong papuntahin sa office ng school councilor. "Di ko din alam kung bakit, tara na ihahatid na kita don tapos dederetsiyo na ako sa room naten." Tinunguan ko naman ito at pumaroon na kami sa office.
Habang papalapit na kami sa office, nagpaalam na si Sejun sa akin na siya ay babalik na ng classroom, tumango naman ako at dumeretsiyo naren ako sa office, hinawakan ko yung doorknob at iikutin ko na sana to ng bigla kong naalala ang sinabi ng adviser namin nah 'pag ibahin ng dorm yung iba at ipalit ng bago' nanlaki ang mga mata ko ng maalala yon at marami ang kaagad na naglabasan sa isipan ko, ililipat kaya ako? Bakit kaya ako ang napili? Kanino? Pero hindi ko dapat pangunahan ang magaganap, pero kung yun talaga ang magaganap... *ayysss bahala na nga* inikot ko na yubg doorknob at pumasok sa office, binati ko ng magandang umaga ang school councilor namin na si Ms. Agoncillo, "Magandang umaga den sayo iho, maupo ka." Tumango naman ako at inupuan ang upuan, tumahimik ng kaunti at dahil nagmamadali narin ako dahil gusto ki makahqbol sa lessons namin kaya nagvoluntirya na akong pangunahan si Ms. Agoncillo. "Ahm, mam? Ano po bang pag-uusapan naten?" Tanong ko sa kaniya. "Ah oo nga pala psensiya ka na iho, may inaantay pa tayong isa na makakaharap natin ngayon sa pag-uusap mediyo antayin pa natin, ayos lang ba sayo iho?" Sabi neto sa akin. "Ah opo mam, ayos lang naman po." Kung pwede lang humindi ihhh... teacher kasi ehh, lol. "Ahh mam, pwede ko po bang malaman king sino po yung inaantay naten?" Tanong ko sa kaniya. "Ahh, ganun ba iho, mamaya mo malalaman pagdating niya dito." Sagot nito sa tanong ko. "Ahh sigeh po mam." Tango ko naman ditoh. Sino kaya yun, I wonder kung sino yun at ano ang pag-uusapan namin, nakaka-curious lang talaga sa totoo lang, well... maya-maya lang ay may bumukas ng pinto at...
"Hello po mam, good morning po."
All rights reserved'
BINABASA MO ANG
Here between us •||• Josh_tin💕
Hayran KurguA joshtin fanfiction story💕 -when you are about to read it, don't forget to vote💫