Chapter 7

2 1 0
                                    

Dalliah's POV

Simula ng mangyari yun kay Thomas ay nagkasunod sunod na ang kamalasan ng mga kaibigan niya. Yung isa ay nasagasaan ng sasakyan at critical ang lagay nito.

Yung isa naman ay binaril ng tatlong beses at critical din ang lagay. Yung isa naman ay na aksidente dahil nawalan ng preno ang sasakyan nito. Yung isa naman ay natambagan ng isang grupo at nabugbug at comatose ngayon.

Yung panghuli naman ay nakita ito sa bakanteng lote na tadtad ng saksak. Sa awa ng diyos ay buhay pa ito pero nasa critical ang kalagayan nito ngayon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Gumalaw ako sa kinahihigaan ko dahil feeling ko may humahalik sa leeg ko at may humihimas sa sa binti ko.

You're mine Dalliah, gagawin ko lahat mapasakin kalang kahit ang pumatay gagawin ko.

May naririnig akong boses pero binaliwala ko lang. Naramdaman ko na namang may humahalik sa leeg ko.

Bigla akong napadilat ng lumundag ang kama ko. Dali dali kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto pero wala namang tao eh. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang leeg ko at naramdaman kong may kaunting basa doon.

Naramdaman kong may malakas na hangin ang umihip kaya tinignan ko ang bintana ko at ganoon nalang ang pagkaramdam ko ng kaba at takot ng makita kong bukas ito.

Dali dali ko itong linapitan para isara pero napahinto ako ng makita ang itim na kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin.

Dahil sa takot ay dali dali kong isinara ang bintana ko at bumalik sa pagkakahiga. Nagtalukbong agad ako ng kumot.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa takot.

Paggising ko kinaumagahan ay may message sa cellphone ko galing doon sa lalaking yon.

You'll be mine soon Dalliah

Ano ba talagang kailangan niya sakin?
Ibinalik ko nalang sa lamesa ang cellphone ko

Pagpasok ko sa cr ay naligo kaagad ako saka nag sepilyo. Habang nagsesepilyo ako ay tinignan ko ang leeg ko sa salamin at nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong mga marka doon.

Napalunok ako sa kaba. Ibig bang sabihin nito ay hindi iyon panaginip at totoong may nakapasok sa kwarto ko?

"Dalliah bilisan mo anak!" Sigaw ni Nanay sa labas kaya muntik ko ng malunok ang toothbrush ko dahil sa gulat.

Dali dali kong tinapos ang pagsesepilyo ko at bumaba na para mag almusal. Hinatid naman ako ni Tatay sa school.

"Tay mukhang matatagalan po ako ng uwi mamaya kaya wag niyo nalang po akong sunduin" Paalam ko dito ng makarating kami sa harap ng school.

"Bakit may pupuntahan kaba anak?" Tanong nito sakin. "May tatapusin po kasi ako sa library tay" Sagot ko dito.
"Sige basta wag kang magpapagabi ah" Paalala nito sakin. "Opo, bye tay ingat po kayo" Sabi ko at hinalikan ko muna siya sa pisngi bago lumabas ng jeep.

Wala naman gaanong ginawa buong klase pero pinapahiya parin ako ni Ms. Stella sa klase niya. Sinisigawan pa ako nito, kung tama naman ang sagot ko ay iniirapan ako.

"Bes ba't palala ng palala ang pang papahiya sayo ni Ms. Stella" Sabi ni Jane sakin. "Oo nga eh pansin ko na parang may galit talaga siya sayo" Sabi sakin ni Sabina.

"Hindi parang may galit Sabina, galit talaga siya kay Dalliah" Sabi ni Jane. "Wala naman akong nagawang mali sa kaniya eh" Sabi ko sakanila.

"Bes wag mo ng pansinin yun" Sabi sakin ni Elena. "Laban lang" Dagdag nito na nginitian ko lang.

Fatal Obsession: MAD LOVEWhere stories live. Discover now