Prologue

25 1 0
                                    

Dalliah's POV

"Dalliah gumising kana!....baka malate ka!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni mama.

"Haayyyyy" Nagunat-unat muna ako bago tumayo at inayos ang kama ko saka pumasok sa cr para maligo.

Ako nga po pala si Dalliah Jimenez, 16 years old kasalukuyang nag-aaral sa Dela Fuerte University. Ito ang pinaka sikat na paaralan sa Asya, mga mayayaman lang ang nakakapag aral  dito. Sa awa ng Diyos ay nakapasa ako bilang scholar dito.

Matapos mag ayos ay bumaba agad ako para makapag almusal nadatnan ko doon sina Nanay at Tatay na nagka-kape.

" Goodmorning Nay, Tay" Bati ko sa kanila. "Goodmorning din Nak" Bati nila sakin pabalik.

"Kumain kana Dalliah" Sabi sakin ni mama. Umupo na ako at nag simulang kumain.

" Nay pupunta kaba ngayon sa palengke?" Tanong ko kay Nanay na kumakain. " Oo nak sasabay ako sa inyu ng tatay mo" Sagot sakin ni Nanay.

Pagkatapos naming kumain ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay.

Sumakay na kami sa mamahaling sasakyan este sa jeep ni Tatay para maihatid niya ako sa school.

Hindi kami mayaman sakto lang na makakain kami sa loob ng isang araw ng tatlong beses. Si Tatay ay isang jeepney driver si Nanay naman ay nagti-tinda sa palengke ng gulay at ipinagmamalaki ko iyon. Hindi man kami mayaman sa pera mayaman naman kami sa pagmamahal.

"Anak baka gusto mong bumaba. Fell na fell mo ang pagsakay sa jeep ah" Sabi sakin ni Tatay na nagpabalik ng wisyo ko. Tsaka diba feel na feel yun hindi fell na fell.

"Eto bababa na po at saka Tay fell na fell este feel na feel yun" Sabi ko saka bumaba. " Ah basta pareho narin yun magkatunog eh" Kumakamot ilong na sabi niya. "Sige na nak pumasok kana, ingat ahhh I lab you" Sabi ni Nanay sakin. " I love you din po. Sige po una na ako, ingat din po kayo" Sabi ko at naglakad na papasok sa gate.

---------------------------

Nandito nako sa harap ng room. Pagbukas ko ng pinto.

"Hi Dalliah, Goodmorning" Muntik ko ng maibalibag ang pinto sa pagmumukha ni Tyler. Nakatayo pala siya sa may pinto. Tirik na tirik ang dilaw nitong buhok na para bang pwede itong paputukan ng balloon.

"Anong maganda sa umaga kong ikaw agad ang nabungaran ko dito" Mahinang sabi ko. "Ano yun Dalliah?" Tanong ng kulugo sa akin.

"Ahh sabi ko masamang umaga este magandang umaga pala" Nakangiwing sagot ko. Ngumiti naman siya ng malapad kaya nag mukha tuloy siyang unggoy. "Akin na ang mga gamit mo" Sabi nito sakin. Hindi paman ako nakakasagot ay kinuha na niya ito. Hinatid pako sa upuan ko.

"Hindi mo na sana ako hinatid baka mapagod kalang. Nakakahiya naman sayo" Nakangiting sabi ko pero deep inside gusto ko na siyang sakmalin.
"Don't worry malapit lang naman" Nakangiting sabi nito sakin.

Eh yun naman pala eh! malapit lang naman. Hinatid-hatid mo pa akong tipaklong ka!

Napatingin ako sa ngipin niya napangiwi nalang ako.

"Favorite color mo pala yung yellow noh" Nakangiting sabi ko. Aba't ang gago ngumiti ng pagkalapad lapad.
"Sabi ko na eh may gusto ka sakin. Pati favorite color ko alam mo" Nakangiting sabi niya.

"Napaghalataan ko kasi na dilaw ang favorite mo. Kasi yung buhok mo dilaw, kilay mo dilaw din pati nga ngipin mo dilaw din" Sabi ko.

"Ahhh sige, upo nako ah" Sabi ko nalang at umupo na. Akala ko ay lulubayan nako ng hinayupak nato pero umupo rin sa tabi ko.

Fatal Obsession: MAD LOVEWhere stories live. Discover now