Chapter 4

6 1 0
                                    

Dalliah's POV

Dios ko! pangako magpaakabait napo ako, magiging masunurin, mapagmahal, maalaga, maalalahanin, matapat at mapagbigay na mamamayan ng pilipinas peksman mamatay man si Tyler.

Gusto ko pa pong maging isang Doctor. Gusto ko pang ipatikim sa mga magulang ko ang makamit kong tagumpay. Wag niyo naman po akong patayin ngayon.

Gusto ko pa pong magka jowa. Gusto ko pa pong maranasan ang sakit bago ang sarap este gusto ko munang malampasan ang mga pasakit sa buhay ko bago makamit ang sarap ng tagumpay. Ano bato nahahawaan na ako sa pagiging manyakis ni Jane eh.

"It's the movement of big particles towards the interior of the cell using energy. The cell enclose particles or liquids"

Jusme! Dumudugo na yata ang utak ko nito. Hayy sana lang matupad ko ang pangarap kong maging doctor.

"Form in which the cell introduces liquids"

Ang hirap naman kasi ng mga tanong. Hindi kinakaya ng mga braincells ko! Kaasar!

"Way of eating the cells. It feeds in this case of big particles or entire microorganism"

Pinagpapawisan na ako kahit aircon naman itong room namin. Halos isubsub ko na nga ang mukha ko sa mesa maka sagot lang.

"Movement of materials out of the cell with the use of energy. It throws waste materials"

Dios ko! kailan ba matatapos tong paghihirap ko.

" The cytoplasm fluid of the interior of the celks is the same that the outer"

Halos magkanda duling-duling ako sa pagsagot ng mga tanong.

"He postuled for the first time the term cell"

Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ang test nato ay sana kinain ko nalang ang libro. Nakakaasar na ha!

"Their genetic material is not enclosed by a membrane"

Sige pahirapan niyo pa ako kung ikasasaya niyo yan, sige push lang!

"Their genetic material is contained inside the nucleus closed by a membrane"

I can see myself ten years from now, wearing a white hostpital gown.

In a mental hospital.......

"Pass all your papers" Sabi ni Sir Anton kaya parang pumalakpak ang tainga ko pagkarinig ko non.

"Di naman gaanong mahirap ano?" Pang aasar ni Elena palibhasa napakatalino nito.

"Yabang" Tumatawang sabi ni Sabina.
"Pucha! parang kinakatkat na yata yung utak ko don ah" Sabi naman ni Jane.

"That's all for today, class dismiss" Pumalakpak ang tainga ko pagkarinig ko sa linyang yon. Lumabas naman agad si Sir Anton.

-----------------------------

"Mga bes, birthday party daw ni Naomi sa friday, saka iniimbitahan tayo" Sabi ni Jane sakin. "Saan naman daw?" Tanong ni Sabina.

"Doon daw sa isang sikat na bar eh" Sabi nito. "Sa bar? Diba di pa tayo pwede doon dahil minor pa tayo" Savi ko sakanila. "Oo nga saka, diba delikado doon?" Dagdag ni Elena.

"Oo nga baka kung ano pa ang mang yari satin" Sabi ni Sabina na sinang ayunan namin ni Elena.

"Hoy! alam kong takot lang kayu mag paalam sa mga magulang niyo. Sige na ngayon lang naman to eh. Isa pa hindi naman tayo magpapagabi eh" Sabi ni Jane.

"Susubukan kong mag paalam" Sabi ni Elena. "Oo nga magpa-paalam din ako kina Nanay at Tatay baka sakaling papayag sila" Sabi ko naman.

" Ako kay ate magpa-paalam pa ako" Sabi ni Sabuna, wala na kasi ang magulang nila kaya silang magkakapatid nalang ang mag kasama.

Fatal Obsession: MAD LOVEWhere stories live. Discover now