Chapter 8

5 1 0
                                    

Dalliah's POV

"Anak! Gumising kana!" Sigaw ni Nanay sa labas ng kwarto. "Opo nay!" Sigaw ko pabalik.

Bumangon ako at inayos ang kinahihigaan ko. Hindi naman talaga ako nakatulog eh. Umiiyak lang ako hanggang sa mag umaga na. Iika ika akong naglakad patungo sa banyo.

Habang naliligo ay di mapigilang tumulo ang masaganang luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig at impit doong umiyak.

Akala ko mabait siya yun pala kapatid siya ni satanas. Kinuskus ko ng marin ang balat ko at nagsabon ng maraming beses.

"Anak umiyak kaba kagabi namumugto kasi ang mata mo eh" Sabi ni Nanay sakin. "A-Ah may p-pinanood kasi akong m-movie kagabi nay tapos n-nakakaiyak" Kinakabahang sagot ko.

"Ahh akala ko hiniwalayan ka ng boypren mo eh" Tumatawang sabi ni tatay. "Tay!" Angal ko na tinawanan lang nila.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong hinatid ni tatay sa school. "Tay ingat ka ah" Sabi ko sa kaniya pagkababa ko. "Oo naman" Nakangiting sabi ni tatay sakin at umalis na.

Kinakabahang naglalakad ako patungo sa room namin ng buksan ko ito ay wala pang tao. Agad akong umupo sa upuan ko. Inilabas ko ang librong babasahin ko at nagsimula ng magbasa.

Hindi nagtagal ay dumating narin ang ibang kaklase ko. "Hi bes!" Bati ni sJane sakin pagkarating niya. "Hi" Simpleng tugon ko at ibinalik ang atensyon sa binabasa ko.

Hindi nagtagal ay dumating narin sina Elena at Sabina. "Hi bessy!" Bati ni Sabina samin. "Bes anong oras ka naka uwi kagabi?" Tanong ni Elena sakin ng maka upo na siya.

"Mag aalas otso na ako nakauwi kagabi kasi napasarap ang pagbabasa ko eh" Sagot ko sakaniya ng hindi siya tinitignan sa mga mata.

"Bes ano yang nasa leeg mo!? Bakit may kiss mark ka!?" Histirikal na tanong ni Jane. Hinawakan ko ang leeg ko.

"A-Ahhh a-ano to k-kagat lang to ng l-langgam pumula lang ng ganito k-kasi kinamot ko ng k-kinamot" Nauutal kong sagot sakaniya. Nakita ko namang nakatingin sa leeg ko sina Elena at Sabina kaya palihim ko itong tinakpan ng isa kong kamay.

"Magsabi ka nga samin ng totoo, hindi ka sa library nagpunta noh!?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Jane sakin.

"Siguro may tinatago ka saming boyfriend ano?" Tanong ni Jane sakin. "Wala akong tinatago sa inyo, totoong nagpunta ako sa library at higit sa lahat wala akong boyfriend" Mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Eh saan mo nakuha ang kiss mark nayan! Sigurado akong kiss mark yan dahil iba ang kagat ng langgam" Asik niya. Kinakabahan na ako.

"Bes wag na nating pilitin si Dalliah, hayaan nating siya ang magsabi satin sa tamang oras" Sabi ni Elena na nagpatigil kay Jane.

Napatigil kami sa pag uusap ng dumating na si Ms. Stella. Pagpasok nito ay masamang tingin na agad ang ipinukol sakin.

"Tingnan mo bes! ang sama na naman ng tingin sayo ng bruhilda nayan!" Bulong ni Jane sakin. Tinignan ko naman si Ms. Stella na nakatingin din pala sakin ng masama.

Nakita kong inirapan pa ako ng bruha.

Tusukin ko tang mata mo eh!

Habang nagkaklase siya ay panay ang pag iirap nito sakin. Minsan ay tinatawag ako nito para sagutin ang tanong niya. Kung masasagot ko ang tanong nito ay pinapahiya parin ako.

Sumasakit na nga ang ulo ko eh. Buti nalang at malapit ng matapos ang klase niya.

Kunting tiis nalang Dalliah lalabas narin siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fatal Obsession: MAD LOVEWhere stories live. Discover now