LOCKER SURPRISE.
"Cally? ...ah..oo ..sige wait .." ibinaba na ni Leana ang cellphone nya nang tawagan sya ni Cally dahil pinaalalahanan sya nito na aantayin sya nang dalaga sa waiting shed gaya nang nakagawian.
Habang naglalakad may nakitang isang pamilya na halatang nagkakasiyahan sa isang parke. hindi maiwasang makaramdam ng inggit si Leana sapagkat lumaki syang hindi man lang naramdaman ang pagmamahal nang isang ama't ina.
Tumulo ang luha ni Leana nang di man lang nararamdaman. Isang panyo ang bumungad sakanyang harapan , bigay nang isang lalaking nakasalamin na nakangiti sakanya. "Kunin mo na," tila isang musika ang boses nang ginoong ito para sakanya.
Agad naman nya itong kinuha. "S-Salamat.." napatingin naman sya sa malayo at pinunasan ang kanyang mga luha.Ibabalik niya pa sana ito nang di na tanggapin muli nang lalaki. "Tsaka mo nalang ibalik saakin yan kapag nagkita na tayo ulit." ngumiti nanaman ito at tinapik ang balikat ni Leana. Nananatiling nakatulala si Leana habang patungo sa waiting shed,nagulat nalamang sya nang biglang may naghampas sakanya nang libro.
"Anak ng tipaklong naman,Leana Gavin! ang tagal mo anong oras na at mahuhuli nanaman tayo sa klase ni Sir Julius."
Napailing nalang si Leana sa inasta nang kaibigang si Cally tsaka sinundan ito.
"Looks like nandito nanaman ang mga labanderas of the month." pang iinsulto nanaman ni Astley ang laging pasimuno sa pang aasar sa magkakaibigan.
"Ano nanaman bang kailangan niyo? hindi bakayo napapagod?" iritableng sambit ni Cally. humagikgik naman si Astley pati ang kaibigan nitong si Eriel. "Hindi,Cally. hindi---" napatigil sa pagsasalita si Astley nang biglang may bumuhos sakanya nang orange juice . "Oops! sorry nakaharang ka kasi sa daraanan eh." nang aasar na tawa pa ni Aica. "Argh! Look what you've done!"
habang nasa klase di parin malimutan ni Leana ang lalaking nagmagandang loob sakanya kanina. kelan pa kaya kami muling magkikita? wika niya sakanyang isipan.
"Earth to Miss Leana?!" sarkastikong sambit nang prof nang kanilang klase.
"Y-yes..miss?" nahihiyang sagot ni Leana dahil nakatingin na ngayon sakanya ang kanyang mga kaklase."Huy Ley! anyare sayo ba? HAHAHA." pangungulit ni Cally pagkatapos nang klase nila. tinignan lamang sya ng masama ni Leana. "Oo nga Leana,daig mo pa nasa cloud nine kanina." asik pa ni Aris. natigil ang usapan nang biglang dumating sina Redd at Aica upang ipamahagi sakanila ang mga pagkain na inorder nila mula sa canteen. "Woooww libre bato?" gulantang na sabi ni Cally. "Anong libre? may bayad yan!" masungit na sabi ni Redd na nakataas pa ang kilay. Agad naman nanlumo si Cally tsaka inabot ang bayad nya kay Redd. Natawa nalang ang buong barkada sa pangyayaring yon.
"So ano? may sasama ba sakin?" wika ni Aica. pupunta kasi si Aica para ilagay ang ibang kagamitan niya sa locker . nag taas naman nang kamay si Leana. "Ako sasama ako,"
Hawak ni Leana ang dalawang libro nya sa matematika at history upang ilagay yun sakanyang locker. dalawang locker lang ang pagitan nina Aica at Leana pareho silang nagbubukas na nang pintuan nang locker nang biglang may bumuhos na likido sa ulo ni Leana na ikinagulat nya. Napatingin naman si Aica sa kaibigan, "Ley! anong nangyari!?" napatingin si Aica sa sulat na nakadikit pinto ng locker ni Leana WATCH OUT. 'paniguradong sila nanaman may pakana nito.' wika ni Aica sakanyang isipan.
"Hay nakersh' Leana mabuti nalang at girl scout ako,oh ito oh gamitin mo muna." abot ni Aris kay Leana nang isang extrang blusa na galing sakanyang locker.
nakasandal naman sa dingding si Aica habang nakatingin sa lapag. "Malapit na talaga ako mapuno sa mga yan eh'." nilapitan naman sya ni Cally. "Aica,wag mo ipamuo ang poot at galit mo makakasama lang sayo 'yan." huminga nang malalim si Aica at niyakap nalang ang kaibigan.
"Hoy di ba kami kasali jan?" natatawang sabi ni Redd. Nag group hug ang magkakabarkada nang makarinig sila nang halakhak."Tignan mo nga naman nagyayakapan ang mga talunan." natatawang sambit ni Katarina,isa sa mga kaibigan ni Astley.
"Ano Leana? nagustuhan mo ba ang mini surprise namin sayo?" maarteng sabi ni Belle, parte nang barkada nila."Alam niyo, hindi namin alam kung bakit ba laging mainit ang ulo niyo saamin,kahit wala naman kaming ginagawa." sabi naman ni Aris.
"Hindi niyo alam? " tumawa nanaman si Katarina. "Tumingin kayo sa salamin at makikita niyo kung ano ang kinasisira nang araw namin." huling sambit ni Katarina tsaka umalis .
'Hindi niyo kilala kung sino ang binabangga niyo.' sambit ni Cally sakanyang isipan.
YOU ARE READING
THAT ENCHANTED SILENCE (ON-GOING)
FantasyAris,Cally,Leana,Aica and Redd are very special girls they we're once called "The Chosen Ones". A group called Aztecs under Aztecenia was sent by their Master to find those Chosen Ones before the evil griffins caught them. The Chosen Ones doesnt ev...