CHAPTER FIVE

0 0 0
                                    

That Voice.

"So let us introduce ourselves." wika ni Kaden.

Tinignan naman ni Redd ang katabi niya sa upuan na si Aris. "So bakit kailangang mangyari 'to?" mahinang sabi nito.

Hindi sya binalingan nang tingin ni Aris ngunit nagawa nitong sumagot sakanya nang hindi nagpapahalata. "Hindi ko din alam."

Aksidenteng mapadaan ang tingin ni Redd kay Draco na saktong nakatitig din sakanya at hindi man lang ito nagawang kumurap nang isang beses. Pakiramdam ni Redd ay natutunaw na ito sa malalim na titig nang binata.

'Emeged lerd kenen nye ne pe eke'

"My name is Kaden. Kaden Nicodemos."
hindi inalis ni Cally ang tingin nya sa binata. nananatili lang itong nakatutok sa kung ano ang mga susunod na gagawin pa nito.

nagulantang ito nang biglang may sumiko sakanya. "Hoy gaga ikaw na." bulong ni Aica . Nakaramdam naman nang hiya si Cally nang mapansing sakanya lahat nakatingin ang mga kasama.

"A..ay ako ..ako si C-Cally." nahihiyang sambit niya. tsaka bumaling nang tingin kay Kaden na nakangiti sakanya na lalong nagpapula nang mga pisngi nito.

"Hi girls,my name is Theodore but you can call me Theo for short." prenteng sabi nang lalaking may pagkachinito ang dating.

"Ako naman si Draco not Dracola." ani nito. kaya nagtawanan ang lahat.

"I like the prescence here." biglang sambit ni Kaden.

napangiti naman si Cally sakanya tsaka tuluyang umiwas na nang tingin.

"Hey its da most gwapong Hiro here!"

"Im Psalms." tipid na sambit nito.

"Sa lahat nang introduction niyo,i think si Psalms lang ang pinaka matino." wika ni Leana. "By the way i'm Leana."

Nagtaas naman nang kamay ang isa pang dalaga. "Aica Drio here."

"Redd Vastro."

Nakatingin naman ang lahat sa natitirang babae. "Aris Saavedra at your service."

Nagsimula nang kumain ang lahat nang puno nang ibat ibang topic syempre kasama na roon ang tawanan at mga kalokohan.

"So..dito ka pala nag aaral huh?" lakas loob na sambit ni Cally kay Kaden. Hindi maiwasang mahiya ni Cally kapag lagi syang tinitignan nang mga mata ni Kaden.
"Yeah. kita mo naman diba?"

Bahagyang napanganga si Cally sa naging sagot sakanya ni Kaden. "Aba attitude pala to." wika nya sa mahinang boses.

"Buti nalang nagkita natayo ulit." masayang sabi ni Draco kay Redd na kanina pang hindi mapakali sa inuupuan sapagkat hindi parin maalis alis ni Draco ang mga tingin nito sakanya. "H..Hahaha..oo nga eh."

"Aww!" inda ni Redd nang apakan ni Leana ang paa niya. binigyan naman sya nang masamang tingin ni Redd. "Bakit mo ginawa yun?" inirapan sya ni Leana. "Cuz you look stupid." nagulat si Redd sa sinabi nang kaibigan.

"Aris right?" wika ni Theodore.

Binalingan naman sya ni Aris at tinanguan.

'Now paano ba namin malalaman na sila talaga ang the chosen ones?'  wika ni Theodore sakanyang isipan.

"The chosen ones?" malakas na sambit ni Redd nang may halong pagtataka.

Gulat na napatingin ang Aztecs sakanya habang ang mga kababaihan naman ay nananatiling kalmado.

"A-Anong sabi mo?" wika ni Theodore.

tinignan naman sya ni Aris. "What's going on?" ani nito at tinignan din si Redd.

"Sabi ko anong meron sa the chosen ones?" paguulit pa ni Redd na ikinatataka na nang kanyang mga kaibigan.

Siniko naman sya ni Leana. "Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi mo ba narinig? Theo said pano daw nila malalaman na tayo ang the chosen ones?" tinignan naman ni Kaden si Theodore at bakas sa mukha nila pareho na naguguluhan.

"Huh? wala naman akong narinig,hindi nga nagsasalita si Theo eh." rinig na sambit ni Aris na nasa tabi ni Theodore.

Napakunot naman nang kilay si Redd sa mga sinasabi nang kanyang mga kasamahan.

'I swear,i heard it.'  sambit ni Redd sakanyang isipan.

Naunang tumayo si Psalms. "I guess we need to go." ngunit walang tumatayo.

"Right boys?" may halong pagdidiin na sambit niya.

Agad naman nagsitayuan ang kalalakihan at nagpaalam na sa mga babae.

Pagkaalis nang mga binata ay hinarap agad ni Redd ang mga kaibigan. "Hindi niyo ba narinig?! i swear sinabi ni Theodore yun!"

Umiling naman silang lahat. "Nah,Redd. We haven't."

----
Napatukod naman si Redd sakanyang kama. "No im not crazy. Narinig ko talaga si Theodore." bulong nito sakanyang sarili.

'Bakit hindi nila narinig yun?'

Napatayo si Redd at napabaling sakanyang salamin. "I SWEAR I HEARD THAT VOICE."

THAT ENCHANTED SILENCE (ON-GOING)Where stories live. Discover now