CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

Oceanic blue eyes.

"HAHAHA kung alam niyo lang girls nakoo!" kinikilig na tsimis nanaman ni Redd habang nasa video call silang magkakatropa.

"Oh my gee,Pula. inlababo kananaman tapos mamaya iiyak kananaman." tsaka nagtawanan ang buong barkada. Agad naman nag pakita ng bad finger si Redd sa camera niya.

Naunang mag offline si Aris dahil may lakad daw sya gayong buryong buryo nasya sa bahay nila dahil walang pasok sa darating na limang araw.

Magkakaroon ng paghahanda ang paaralan nang Louviere Academy para sa parating na foundation day nila.

bumaba nang hagdanan si Cally at naabutan nya ang kaniyang kapatid na naglalaro nang video games kasama ang ama nila.

"Ate! tawag ka ni Mama nandon sya sa may kusina." di na inalintala nitong bunso ang
lumingon pa sa nakatatandang kapatid dahil busy ito sakanyang paglalaro.

"Ma bakit?"

napatigil naman sa paghihiwa ng gulay ang ina ni Cally nang tawagin sya nito.
"Pwede bang mautusan kita? saglit lang naman." nakangiti pa ito ng pilit halatang nagpapa-cute sakanyang unica ija.

lumapit si Cally sakanyang ina at niyakap ito mula sa likuran. "Okay lang naman ma,"
naramdaman ni Cally na hindi nagsalita ang kanyang Ina. "May problema ba ma?" napailing ang Ina ni Cally . Napakunot nang noo ang dalaga sapagkat nasa isip nito na parang may tinatago ang kanyang Ina sakanya.

"Manong para po!" bahagyang inabot ni Cally ang kanyang bayad sa nasakyang sidecar. 'okay welcome again to japalengke,Cally'

Nagsimula na itong mag ikot ikot upang makumpleto ang listahan nang kanyang kelangan maibili na ginawa nang kanyang Ina.

"Hmm...patatas..patatas.." mahinang bulong ni Cally habang matiyagang nagmamatiyag sa bawat display na gulay na nakabalandra.

"Aha!" mabilis na naglakad si Cally patungo sa Aleng' may tindang patatas. Kukunin niya na sa ito nang biglang may humawak sa kamay niya. "Thats mine." napatingin naman si Cally sa pinagmulan nang boses na iyon. Bahagyang napalunok ng laway si Cally nang makita ang malalalim at nakakaakit na asul na mga mata nang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Excuse me?" masungit na wika nito. Agad naman tinanggal ni Cally ang kanyang kamay sa patatas. "S..sorry." napayuko si Cally dahil sa hiyang naramdaman. 'seryoso ba'yon? foreigner? namamalengke?'

tinignan ni Cally ang buong pangangatawan nang lalaking may asul na mga mata. malaki ang pangangatawan nito at halatang alagang alaga nang kung sino man ang mga magulang nito. Tinignan din ni Cally kung paano naglakad paalis ang binata. "Aba hindut na pwet sanaol."

"Ija? bibili kaba?" biglang singit nang Ale na nagtitinda. tumango si Cally, "May patatas pa po ba kayo?" magalang na sambit nito.
tumalikod ang Ale sandali at humarap muli kay Cally. "Pasensya na ija,ang huling patatas na aking tinda ay yung nakuha nang foreigner kanina."

Umuwing pagod si Cally sakanilang bahay agad naman syang pinuntahan nang kanyang Ina. "Oh? asan ang patatas Cally,anak?" napatungo si Cally. "Ma,wala nang patatas sa mga tindahan maliban lang dun sa kanina kaso ngalang.." napahinto sa pagsasalita si Cally nang maalala nanaman nya ang lalaking may mga asul na mata.

"SUNOG!!" panggugulat ng bunsong kapatid ni Cally na si Ken.

"Epal ka talaga." umakyat nalang si Cally sakanyang silid at iniwang tumatawa ang bunso kasama ang kanyang Ina na umiiling iling nalang dahil sa kalokohan nang kanyang anak.

10:25 PM

"Ang bilis naman nang oras." wika ni Cally pagtingin nya rito.  Itinuon nya nalamang ang kanyang atensyon sa kanyang mga kaibigan na mga naka video call ngayon.

"So ano Cally game kaba?"

"Ha? ano saan?" nagtatakang sambit ni Cally nang mabalik sa huwisyo.

"Alam mo Cal,sasapukin na talaga kita kanina pako nagpapaliwanag dito." iritableng sabi ni Redd habang nakakunot ang noo.

"Yeah,kanina panga si Cally lutang."

"Have we missed something?" nanunuksong ngiti ni Aica.

"Ahe! Ahe! nangangamoy tsimis nanaman." natatawang sabi ni Leana.

Dinuro ni Cally ang mga kaibigan niya. "Hoy magsitigil kayo. wala akong machihicka walang ganap sakin ngayon 'noh."

Napakibit balikat naman ang lahat.
"Okay sabi mo eh." ani ni Aris.

"Alright this is enough. Matutulog nako guys maaga patayo bukas,time to sleep na." paalam ni Leana.

"Bye."

"Sige bye nadin!"

"Goodnight!"

Tsaka pinatay na ni Cally ang call sa pamamagitan nang kanyang cellphone.
akmang magl-log out na si Cally nang biglang mamataan nya ang isang lalaking may mga asul na mata. di sya nagdalawang isip na i-click ang profile nito at ini-stalk.

"Hmmm..Kaden Nicodemos.."

THAT ENCHANTED SILENCE (ON-GOING)Where stories live. Discover now