MARK 07: Speechless

423 71 44
                                    


MARK 07

Speechless

[Camille]

Hindi ko alam kung para saan yung mga titig ng ibang studyante na madadaanan namin. May ibang kinikilig dahil naglalakad ang anim na miyembro ng SSC at yung iba naman gulat ang naging reaksyon ng makita nila akong kasabay maglakad ng hinahangaan nila.

Bakit ba ako na lang palagi binibigyan ng masamang atensyon dito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Naka-yuko lang ako na sumusunod sa likuran nila.

Lakad lang kami ng lakad, inangat ko kaunti yung ulo ko para makita yung nilalakaran ko, ng biglang tumigil si Prince. Tumigil din sa pag-lalakad itong mga kasama niya pati na rin ako.

"Since we arrived here already, Miss Martinez bakit hindi mo tingnan yung lilinisan mo?" gulat akong tumingin sa kanya, so basically ako lang ang mag-isa na maglilinis dito sa music room?

Nakita ko na medyo nagulat itong mga kasama niya, dahil yung bibig nila nag form ng "O" na naka-tingin kay Prince.

Binuksan niya ang pintuan ng music room at tinuro niya ako na lumapit sa kanya.

Nasa harapan na ako ng pinto pero biglang hinawakan ni Prince ang mag-kabilang balikat ko at tinulak konti para maka-pasok ako sa loob.

Pumasok rin silang anim at ang isang kaibigan niya nagawang isarado yung pinto. Now what? Baka kung ano pa ang isipin ng mga ususiro sa labas.

Dahil sa pagkaka-alam ko ang sama ng tingin nila sakin lalo na yung mga babaeng studyante.

Umupo sila sa mga upuan na may kalayuan sakin.

"Wag mo na lang muna silang pansinin. Camille, right? Yung mga gamit pala na panglinis nandoon sa isang malaking cabinet. Kunin mo na lang." biglang singit ni Prince.

"A-Ah? Okay seniorito, maglilinis na po ako." yukong sabi ko dahil hindi ako maka-tingin sa kanya.

Nilapitan niya ulit ang mga kaibigan niya na hindi ko alam ang mga pangalan.

Pinabayaan ko muna sila sa kung anong pinag-uusapan at ginagawa nila.

Sinuyod ko ang tingin sa buong kwarto at ang daming mga music intstrument ang nandito.

Merong piano, organ, guitar, flute, drums at marami pang iba.

Naglakad ako sa cabinet na tinutukoy ni Prince. Lumapit ako doon at binuksan ko kung may laman. Meron ngang panglinis. Walis tambo, dustpan, etc. Paano ba ito? Saan ako magsisimula? Dito na lang muna sa mini table nila.

Niligpit ko muna yung mga kalat sa mesa na maraming naiwan na balat ng junkfoods.

Sunod akong nagwalis, pagkatapos nun. Nilinis ko din yung mga bintana ng mapa-tingin ako sa piano.

Nang bata ako mayroong piano noon sa Center na palagi kong pinapa-tugtug. I played it everyday but the thing is, that piano was gone at naalala ko yung batang lalaki na nakilala ko noon na tinugtug ko ang kantang 'your love' sa kanya.

Tumingin ako sa kanila at mukhang seryoso silang nag-uusap kung saan hindi nila ako masyadong pina-pansin.

Dahan-dahan akong lumapit at binitawan ko saglit ang walis tambo sa isang gilid.

Umupo ako at kahit kinakabahan konti na baka mapansin nila ako na tumutugtug ng piano.

I played the piano and start singing to my favorite song. "Speechless."

Tinapos ko ang pagtugtug na naka-pikit pero pagdilat ko, hindi naman masyadong malayo pero kita ko yung gulat na tingin nilang anim sa akin.

Nagka-tinginan ang magka-kaibigan at halatang nagulat dahil sa pagtugtug ko na wala man lang permiso sa kanila. Naghari ang konting katahimikan bago ulit sila nakapag-react man lang.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon