MARK 21: Sudden Confession

287 47 14
                                    


MARK 21

Sudden Confession

[Camille]

(Clock Ring, five thirty am)

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock at kahit inaantok pa, pilit kong dinilat ang mga mata para tiningnan ang oras, five thirty am pa pala. Bumangon na ako at inayos ko muna ang higaan bago naglakad patungo sa banyo, having my morning rituals. Nag-tooth brush muna pagkatapos ay naligo na ako.

Mga ilang minuto lang din ay natapos ako at pumuntang walk-in closet pagkatapos ay sinuot ang uniform ko. Lumabas ulit ako ng matapos at pinatuyo ang aking buhok sa harapan ng salamin. Nakita ko sa ibabaw nun ang cat hairpin na bigay sakin ni Prince.

Sinuot ko yun at hindi naman napansin ni bubble puppy dahil tulog pa ito. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa ulo niya. Nag-ayos ako saglit at agad na akong lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko nadatnan kong naghahanda na ng almusal sina Manang. Tumingin si ate Jane sakin at ngumiti.

"Good morning young lady, Camille! Birthday niyo po pala kahapon...Happy birthday po!" nakangiting sabi niya nung lumapit sakin at iginaya ako sa pag-upo na lagi kong inuupuan.

"Salamat ate Jane, may konting cake pa po doon sa fridge baka gusto niyo pong kumain nun?" ngumiti ako sa kanya bago tumingin sa mga niluto nila ni Manang Dina dahil kanina pa pala sila naging abala...Nakita ko naman ang ibang mga katulong na kahit maaga pa ay naging abala sa mga gawain nila.

"Naku! Wag na po young lady, Camille...eh kasi nagda-diet po ako, medyo tumataba na ako ng konti eh." naka-ngusong sabi niya sakin, ang cute niya promise!

"Ah? Ganun po ba, sige po hehehe..." yun na lang ang nasabi ko at nagsimula nang kumain ng agahan.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang mga pinagkainan at huhugasan ko na sana ng may isang katulong ang umagaw sakin nun sa kamay ko. Nagulat ako pero nakabawi naman nung yumuko siya at nag-sorry sakin.

"Okay lang po...Siguro nasanay po kasi ako sa kinalakihan ko na may ginagawa sa center kaya hindi ko po napansin na nanjan kayo." ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin yun.

Tumango lang siya sakin, without looking at me.

"Sorry po ulit young lady, Camille. Eh kasi trabaho po namin ang gawaing bahay eh...Sinabihan po kasi kami ni Manang na hindi po kayo ma-stress kaya ako na po nito." ah, akala ko kung ano na.

"Wala lang yun sige po, punta lang po ako sa living room." paalam ko at tumango lang ulit siya.

Naglakad ako papuntang living room nang may narinig akong yapak ng kung sinong pababa at sina Mom at Dad lang pala na kakagising lang.

"Good morning Mom, Dad! Aakyat po sana ako sa kwarto niyo para magpaalam pero nandito na po kayo." masiglang sabi ko. Nakangiti lang sila pareho at lumapit sakin nang makababa.

They kissed me on both of my cheecks and i felt like they want squeeze me kaya natawa ako sa kanila.

"Good morning too, sweetie...Tapos ka na bang kumain ng breakfast?" sabi ni Mommy na hinawakan pa ako sa aking beywang while Dad looking at us intently.

"Magkamukhang-magkamukha talaga kayong dalawa, no doubt that you're our daughter, Camille...So you're going to school already? Ang aga pa ah?" hindi parin nawawala ang ngiti ni Dad samin ni Mom. Tumango lang ako at kinuha ko ang mga gamit pati yung bag ko na kinuha ni Ate Jane kanina mula sakin at nilapag niya lang muna dito sa living room.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon