ONE ♧ CASSIDY DELAVIN ♧

919 19 1
                                    

CHAPTER ONE

BENEDICT

"Bro, sumama ka na kasi. Mabilis lang tayo, promise." Pangungulit sakin ng kaibigan/teammate kong si Red.

"Bro, kayo na nga lang. I'm good here. Magpapahinga rin ako." I said.

"Bro, I swear mag-eenjoy ka. Maraming chix na pianist." Sabi ng isa ko pang kaibigan/teammate na si Kite.

"Bro, magpapahinga na lang ako kesa sa sumama sa inyo." Sabi ko pero bigla nila akong hinigit patayo and kinaladkad palabas ng gym.

"Bro, masyado ka namang loner. Ikaw na nga tong binibigyan ng fun e." Sabi ni Justine na kaibigan/teammate ko rin.

"Ewan ko sa inyo. At paano naman nagka-fun sa gagawin niyo? E maghahanap lang kayo ng chix e." Sabi ko sa kanila. Aakma na sana akong babalik sa gym pero binuhat nila ako until makarating kami sa Pianist Colleges dito sa University namin. Halos lahat kasi ng Pianist babae kaya dito nila gustong maghanap.

"Sakto, may photoshoot sila." Sabi ni Red kaya ako naman, nakitingin na. Pagkatingin ko, na-stun ako sa nakita kong babae. Ang ganda niya. Sobrang maganda.

"Ang ganda talaga ni Cassidy, no?" Sabi ni Justine. Napatingin naman ako.

"Cassidy." Pagbigkas ko ng name niya. Ang ganda ng name niya. Kasing ganda ng mukha niya. And she looks really elegant.

"Oo, bro. Ang ganda, no? Her name's Cassidy Delavin. Sikat yan dito sa University kasi siya ang face of Pianist College." Sabi ni Red. Face of Pianist College? But Face of Wellness University suits her more.

"No doubt, sikat siya." Sabi ko and tiningnan naman ako bigla ng mga kaibigan ko.

"Di mo siya kilala?" Tanong sakin ni Kite. Nagtataka naman ako.

"Bakit? Porket ba face of Pianist College siya e required na kilalanin ko siya?" I asked. Napatawa naman sila pero ako, clueless. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Bro, lumabas ka rin kasi paminsan minsan. Masyado kang focused sa sport natin e. Yan tuloy, nahuhuli ka sa balita." Sabi ni Red. Medyo hindi ata nagsink in sakin. Anong balita?

"Ha? E alam ko na ah. Face of Pianist College siya." Sabi ko and mas lalo silang nagtawanan. Nagpoker face na lang ako.

"Alam mo, Benedict, you're unbelievable." Sabi sakin ni Red. Tiningnan ko naman siya na nagtataka.

"Cassidy Delavin is one of the most popular kolehiyala dito sa University. Wanna know why? Oo, given na maganda siya and face siya ng Pianist College pero, man, hindi mo ba nakita yung nagviral na video niya?" Sabi ni Red and nagulat naman ako. Anong video?

"What? May scandal yan? E mukhang hindi makabasag pinggan yan e." Sabi ko sa kanila and umiling naman sila.

"Bro, hindi. Hindi siya scandal in a sensual way. Ang scandal niya, akala niya, magpopropose yung long-time boyfriend niya sa kanya sa gitna ng park kasi may pagluhod pa yung boyfriend niya sa kanya. Yun pala, makikipagbreak lang sa kanya." Continuation ni Red. Nagulat naman ako sa sinabi niya and napatingin kay Cassidy. Yang gandang yan, iniwan pa? Ambobo naman pala ng boyfriend niya.

"Kaya maganda man siya from the outside, broken naman siya inside. At hindi lang yon, tahimik lang siya lagi and ayaw makipag-usap kahit kanino." Sabi ni Kite. Napatawa naman ako.

"Kalalaki niyong tao, ang chichismoso niyo!" Hiyaw ko sa kanila and bigla naman kaming pinagtinginan sa photoshoot. Lahat nakatingin samin and laking gulat ko na pati si Cassidy, nakatingin sakin. I looked away and lumabas na agad ako kasunod ang friends ko.

CassidyWhere stories live. Discover now