TWENTY-NINE ♧ BENEDICT'S PLAN ♧

131 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

BENEDICT

"Okay, team. Magpahinga muna kayo ngayon, especially you, Benedict. Kailangan ng ng mahaba at masarap na pahinga for tomorrow's run. Kaya for now, dismissed." Sabi ni coach sa amin. Bukas na kasi ang laban namin. After a month na halos walang humpay na practice, finally, pahinga na ulit.

"Bro, are you ready?" Tanong sakin ni Kite. Tumingin naman ako sa kanya and I smiled.

"Of course, bro. E ikaw ba? Kung lalaban ka bukas, ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya and he crossed his arms.

"Bro, kahit di ako lalaban bukas, alam kong nasa kundisyon ako." Sabi ni Kite. I nodded and tapped his shoulders.

"Sinabi mo yan, bro, ha. Ready ka." Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya kaya umiling na lang ako.

"Anyways, paano bukas? Edi magcocommute sila Cassidy?" Tanong sakin ni Justine. Oo nga pala. Paano nga pala bukas? Hindi naman pwedeng magcommute sila.

"Itatanong ko kay Coach kung pwedeng sumama sa service sila Cassidy. Pero baka magdala na lang ako ng kotse bukas." Sabi ko sa kanila. Hindi ko pwedeng iwanan na lang si Cassidy. Baka may tumeknik sa kanya habang wala ako. Mahirap na.

Pagkatapos naming magpalit, dumeretso na agad kami sa department nila Cassidy pero akala ko naman, matutuwa ako pag nakita ko si Cassidy. Pero hindi. Kasama nanaman niya yung Markus na yon.

Lumapit ako kela Cassidy. Kasalukuyan silang nag-uusap and parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

"Love, ang aga mo naman ata?" Gulat na tanong sakin ni Cassidy. Hindi ako sumagot sa kanya. Instead, tiningnan ko si Markus.

"Ah, love. May activity ulit kami sa physics and siya ulit yung ka-pair ko." Pag-eexplain ni Cassidy. I sighed and look straightly in Markus' eyes.

"Bro, wala ka na bang ibang pwedeng kuning partner? Ikaw nanaman kasama niya rito." Sabi ko. Napahawak naman si Cassidy sa kamay ko nang mahigpit. Tiningnan ko siya and umiiling-iling siya sakin. Hindi ako nagpadala kay Cassidy. Instead, tiningnan ko ulit si Markus.

"Pasensya na, bro. Kami lang kasi ni Cassidy ang magkakilala sa physics kaya----"

"Kaya kinukuha mo yung opportunity na yon para makalapit sa girlfriend ko?" Matigas na sabi ko sa Markus na yon. Hindi naman siya nakapagsalita. Napatingin siya kay Cassidy na para bang humihingi nag tulong.

"Love, hindi na----"

"Cassidy, yung kaklase mo tinatanong ko." Matigas kong sabi. Tumingin ulit ako sa Markus na yon at hindi na maipinta ang mukha niya.

"Ganito na lang. Ako na lang ulit ang gagawa ng pinapagawa sa inyo. Ano bang pinapagawa?" Sabi ko sa kanila. Napatingin naman sakin si Cassidy.

"Benedict, ano ba?" Sabi ni Cassidy at tiningnan ko siya.

"Para tapos na agad. Para hindi niyo na kailangang magkita ulit. Bro, pasensya na. I'm just being very protective dahil nandito na ulit yang kaibigan mo. And for sure, alam mo ang ginagawa ng kaibigan mo sa girlfriend ko. Kaya sorry. Hindi ko kayo pwedeng hayaan na lang. Kaya kung ano man yung kailangan niyong gawin, ako na ang gagawa ulit." Sabi ko sa Markus na yon. He sighed deeply and tumango sa akin. May kinuha siya sa bag niya and iniabot niya sakin iyon.

"Ako na ang bibili ng materials. Pero, Benedict, gusto ko lang sabihin sayo na, oo magkaibigan kami ni Marco. Pero it doesn't mean na I'm tolerating his wrong deeds. In fact, ako ang pumipigil sa kanya na lapitan si Cassidy at guluhin." Sabi niya sakin at umalis na. Nagpaalam muna siya kay Cassidy at saka dumeretso na.

CassidyWhere stories live. Discover now