Ito na ba na yun.
Game over na ba.
Tapos na.Ang daming tanung ang naglalakbay sa utak ko ngayon. Ang daming bakit na hindi ko mahanapan ng sagot.
Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung bakit? Bakit nangyayare lahat ito? Ang hirap. Hindi ako sanay.
Hindi ako sanay na walang good morning galing sa kanya.
Walang tawag.Dati ang galing kong magadvise sa mga kaibigan ko na dapat ganto. Dapat ganyan. Pero bakit ang hirap gawin.
Akala ko ba ako lang. Ako na yung huli. Ako na yung babaeng ihaharap niya sa altar. Nangako siya. Nangako siya sa harap ng mga kaibigan namin at pamilya niya. Pati pamilya ko. Planado na lahat. Okay na e. 2 months. Takte 2 months nalang.
"Chel tulala ka na naman. 30 mins nalang" sabi ni Nica habang kinalabit ako. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.
Shit. Focus Casssandra. Focus.
Kasalukuyan kaming nageexam. Last
Subject na to for this school semester. Yes patapos na ang klase at since graduating student kami nauuna kaming magexam sa iba.Shit. Wait lang. 30 mins nalang. Kailangan ko munang matapos to.
Solve.
Compute.
Analyze.
Solve.
Compute.After 30 mins.
"Okay everybody time's up. Ballpen's down. Collectors kindly collect all the test questionnaires together with the answet sheet and put it on the teachers table by column" si Ms. Hernandez. Siya yung Calculus II teacher namin.
"Okay. Everybody kindly fix your things. Class Dismissed. See you all on the graduation ceremony if ever" nangiting sabi ni Ms at umalis na ng classroom.
Pagkalabas ni Ms kinuha ko na yung bag ko kasi kanina pa naman siya nakaayos at ganun din si Nica at sabay na kaming lumabas ng classroom.
"Chel tuloy ka ba bukas sa Concordia?" tanung ni Nica nung nakalabas na kami ng classroom.
Kring kring Kring
*honey calling*"Yes" wala sa mood kong sagot sa tawag ni Hon. Hindi siya yung tinutukoy kong boyfriend. Ex boyfriend. Kaibigan ko lang yan. Kaibigan namin.
"Nasan ka na po mahal na prinsesa nakakahiya naman samin ikaw nalang ang hinihintay" sarcastic na sabi ni Karl. Ni Hon.
shit. Shit. Nakalimutan ko. Friday nga pala ngayon at when we say Friday its Barkada Day.
"Papunta na. Chill ka lang" alangan na sabi ko pero nakatingin ako kay Nica. May usapan kasi kami ni Nica na sasamahan ko siyang mamili ng dress for the mass.
"Sorry." paghihingi ko ng paumahin. Ang dami ko kasing iniisip nawala sa isip ko yung lakad namin magbabarkada. Tumango naman si Nica tanda na pumayag siya.
Tumakbo na ko papuntang sakayan pero napahinto ako at muling tumingin kay Nica, " Nics sorry talaga bawi ako". Ngumite lang siya at sinenyasan ako na umalis na.
After 1hr and 30 mins andito na ko sa labas ng bahay nila John. Dito kasi napagkasunduan na magdidinner dahil may kalokohan na naman na ginawa si John at dahil dun grounded siya. Tsk tsk. Kawawang bata.
"Papasok ka ba o maghihintay pa kami" inis na sabi ni Trix siya kasi yung unang nakakita sakin.
Naglakad na ko at diretso sa sala nila John para ibaba ang bag ko. Tas pinuntahan ko na sila sa kusina para makakain na. Gutom na rin kasi ako.
"Bakit ang tagal mo naman?" tanung ni John. Nagsimula na kaming magsikainan. Wag na kayong magtaka. Hindi namin kayang kumain ng hindi nagdadaldalan.
"Late kasing nakarating si Ms. Hernandez may faculty meeting daw kaya late kami nakapagexam" paliwanag ko.
"May problema ka ba?" bulong sakin ni Mark siya kasi yung katabi ko.
"Wala aa.. Anu naman magiging problema ko?" pinasaya ko yung boses ko kahit kinakabahan na ko. Shit. Umayos ka Cass. Ang galing pa naman ng instinct nitong si Mark. Mabilis siyang makaramdam e. At mahirap siyang makumbinse.
"Si Cass may problema?" patawang tanung ni John.
"Potek. Si Cassandra Cielo Panganiban? I dont think so" dagdag pa ni Karl.
Shit buti nalang kundi mahihirapan akong magexplain dito sa katabi ko. Tinuloy ko nalang yung pagkain at pinasigla ko yung sarili ko.
2 weeks. 2 weeks na kaming break at alam kong alam na yun ng barkada. Imposible namang hindi kasi nasa iisang circle of friends lang kami kaya panigurado na malalaman nila. Wala pa naman siya ngayon dito. Baka kasama niya si Migs at Ken kasi wala rin sila dito.
Nang matapos kumain. Nilabas na ni John yung dessert.
"Ohhh Ice Cream nakakahiya naman sa inyo" mayabang na sabi ni John
Kumuha na kami ng baso namin at nagsikuhanan na ng ice cream.
Nung makakuha na ko lumabas ako saglit para makahinga sa pagpapanggap.
Si John at Zel naghuhugas ng pinggan habang yung iba ayun nasa basketball na. Start na kasi ang WWE. Well mga sadista kasi yung mga kaibigan ko.
"At bakit ka nandito?" ayan na naman si Mark. Akala ko pa naman nakaligtas na ko.
"Nagpapahangin" nakangiting sabi ko sabay subo ng ice cream.
"Cass okay lang maging hindi okay aa" sabi ni Mark. Halata naman na concern siya sakin.
"Ayos lang ako. Dont worry" pagbibigay ko ng assurance sa kanya.
Lumapit siya sabay yakap sakin ng mahigpit. Hindi na ko umarte alam kong alam niya na kailangan ko to. Minsan okay na yung isang yakap para kahit papaano maalis yung bigat na nararamdaman mo. Naluha ako pero mabilis ko itong pinahid ng hindi nagpapahalata sa kanya.
Umalis na siya sa pagyayakap namin "tuloy ka ba bukas?" tanung niya. Tumango lang ako at tumango na siya sabay pasok ulet sa loob ng bahay.
Pagkatapos kong ubusin yung ice cream ko pumasok na rin ako at nakigulo na sa kanila para hindi sila makahalata. Hangga't maari ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa problema ko.
------
PS. Enjoy reading and give me your feedback thru comment. Keep safe everyone and stay at home
YOU ARE READING
STITCHES
General FictionNagmahal ng sobra pero ang nakuha ay Tira Tira. its a moving on and letting go journey of Cassandra Cielo Panganiban. Can she cope up with the pain?