07

1.6K 38 1
                                    

Hindi ko alam kung nasan ako basta pag mulat ng mga mata ko natagpuan ko nalang yung sarili kong pinapanuod yung masayang pamilya sa di kalayuan.

Sobrang saya nilang nag kukuwentuhan at nag tatawanan yung babae kumakanta at yung lalaki naman nag gigitara sa mantalang yung anak nilang lalaki na sa tingin ko ay 4 palang ang laki ng ngiti sa labi habang pinag mamadas yung dalawang taong nag bigay buhay sa kanya.

Sa gitna ng kasiyahan nila may dumating ding isa pang pamilya. Nagulat ako kasi sila mama at papa yun at di ako pwede mag kamali na yung kasama nilang batang babae ay ako.

Gusto kong lumapit sa kanila at yakapin sila kasi sobrang miss na miss ko na sila pero di ko maigalaw ang mga paa ko nanatili akong nakatayo malayo sa kanila.

Masaya silang nagkukuwentuhan na at nagkakantahan nang mapansin kong umalis sa kinauupuan yunh batang lalaki at lumapit kay mama at papa atsaka bumulong tumango naman sila mama at papa atsaka bumaling sakin at may sinabi maya maya pa umalis ako kasama yung, teka di ako pwedeng mag kamali yung batang lalaki sya yun sya yung may ari ng bracelet at sya din yung lalaking tumulong sakin kaya buhay pa ko anong koneksyon ko sa kanya bakit sya andito at ang pinag tataka ko bat ako andito?

Maya maya pa saktong pag alis ko na batang babae kasama yung batang lalaking may ari ng bracelet may mga pumasok na mga naka tuxedo at walang ano ano tinutukan sila ng baril.

At biglang may lumitaw na lalaking kasing edad lang nila papa at nung papa nung batang lalaki. Nag uusap sila pero hindi ko madinig kung ano ba ang kanilang pinag uusapan.

Nang lumingon ang lalaking namumuno sa pag tutok ng baril sa gawi ko nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko at nanlalambot ang mga tuhod ko.

Hindi hindi toh totoo bakit sya andito at bakit sya lumingon sakin nakikita nya kaya ako. Binawi nya ang tingin sakin atsaka kinuha yung nanay ng batang lalaki at may mga sinabi pa sya sa mga iniwan atsaka pinaputukan isa isa para siguraduhing hindi sila makakahabol o para makalaban.

Sandaling lumingon ulit sakin yung lalaki atsaka ako nginitian. Hindi hindi ako makapaniwala ang lalaking yun na syang pumatay sa mga magulang ko na syang sinubukan din akong patayin ng araw na yun di ako pwedeng mag kamali syang sya yun ang lalaki yun sya nga.

Nang hihinang napaupo ako at pumikit sa pag dilat muli ng mga mata ko nasa madilim na kagubatan na ako kung saan alam na alam ko na pinag patayan sa mga magulang ko.

Napatayo ako ng makita ko si, bakit sya andito? Bakit ka andito Ashimori? Lumapit sya sakin atsaka ako niyakap ng mahigpit.

Maya maya pa may mga naka tuxedos ulit akong nakita atsaka kami pinalibutan hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako natatakot ako hindi para sa sarili ko natatakot ako kundi para kay Ashimori.

Napalayo ako kay Ashimori ng may humila sakin palayo sa kanya nakita ko naman sa mukha nya ang takot at pangambang baka may mangyari saking masama.

Maya maya pa may isang lalaking dumating nanakasumbrero at nakasalamin kahit madilim sa parteng kinatatayuan nya malakas ang kutob kong sya yung lalaking nakabanga ko noon sa hospital.

Galit na galit na itinutok ni Ashimori ang baril nya sa lalaking yun at walang ano ano naman ang mga naka tuxedo itinutok sakin ang kanilang baril lahat sila nakatutok sakin ang mga baril.

Nang hihinang napaupo si Ashimori sa tapat ng lalaki atsaka sya tinutukan ng baril at walang ano ano pinaputukan nya ito.

"WAGGGGGG!" sigaw ko at napabangon sa kinahihigaan ko. Habol hininga ang ginawa ko at pinunasan yung pisngi ko na nabasa dahil sa pag iyak ko, umiyak ako?

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now