13

1.7K 37 1
                                    

Thank you sa lahat ng sumusuporta sa story ko thank you all i appreciate it thank you guys labyah all❤❤😘😘

Chapter 13

"Kinakabahan ako" sabi ko kay Ashimori habang nag lalakad kami papunta sa hospital room ng papa nya.

"don't be, ok?" nakangiting sabi nya atsaka kinuha yung kamay ko at sabay kami nag lakad ulit.

"Tingin mo? Galit parin sya sakin? Pag makikita nya ko?" tanong ko sa kanya na kinatigil muna namin sa pag lalakad.

"Wag kang matakot andito ako di ako di kita iiwan" atsaka nya ginulo yung buhok ko.

After ko kasing madischarge sa hospital nung nakaraang araw di nya na muna ako pinapasok dito sa Hospital nya para mag trabaho kasi daw baka mapano ako. Ang oa man pero kinikilig ako ene be! HAHAHAHA.

Kumatok muna sya ng dalawang beses bago kami pumasok. Kinakabahan talaga ako di ko naman sya masisisi kung magagalit talaga sya sakin eh kasi kahit saan tignan anak padin ako ng taong kinasusuklaman nya.

"Pa? How do feel right now?" bungad nya sa Papa nya na nakaupo sa kama nito habang may ballpen na hawak at at may papel na sinusulatan.

"Oh andito kapala. Ok naman na ang pakiramdam ko kaya naman pwede mo na ba akong palabasin dito?" nakakalokong ngito nito kay Ashimori.

"Whatever" atsaka tumingin sakin si Ashimori.

"Pa? Nakapag usap naman na tayo right? Panahon naman para kayo ang mag usap" lapit sakin ni Ashimori atsaka ako hinila papunta sa Papa nya.

"Oh i forgot na meron pala akong meeting ngayon" tingin nya sakin atsaka sa Papa nya.

"Pa? Wala kang gagawin sa kanya ok? Kundi alam mo na" ngumisi lang yung Papa nya sa kanya.

"Kailangan ko na umalis dito ka muna kay Papa mag usap na muna kayo" sabi nya sakin atsaka ako kiniss sa noo. Pero bago sya makalayo sakin humawak agad ako sa braso nya.

"Ayoko. Sasama ako sayo pwede ko naman sya kausapin mamaya pag tapos ng meeting mo eh" nag mamakaawang sabi ko. Di ko kayang maiwan dito nu lalo pa ngayon na napatunayan na ang magulang ko talaga ang may mali dito.

"Shhh. Wag kang matakot ok? May CCTV dito mamomonitor kita. Atsaka nag usap na kami ng Papa di ka nya sasaktan ok?" labag man sa loob kong mag paiwan dito ginawa ko pa din. Nikiss nya muna ako sa noo ulit bago tumingin sa papa  nya na kinatango lang naman nito atsaka tingin ulit sakin tapos umalis na sya.

"Hali ka hija, maupo ka di kita sasaktan" tinuro nya yung upuan malapit sa kama nya.

Kinakabahan naman akong lumapit sa kanya. Nahihiyang tinignan ko sya sa mga mata nya parehas na parehas sila ni Ashimori ng mga mata nila actually para lang syang pinatandang Ashimori ngayon ko lang napansin kasi wala syang sumbrero ngayon.

"Sorry po" nakayukong sabi ko.

"Alam mo? Noon galit na galit talaga ako sayo hanggang ngayon pero dahil ikaw ang taong nakakapag pasaya sa anak ko isinantabi ko yun." tungon nya sakin.

"Hindi ko po kayo masisisi kung nagagalit kayo sakin dahil pag balikbaliktarin man ang mundo anak ako ng taong kinasusuklaman nyo" di ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Alam mo bang mahal na mahal ka talaga ng anak ko? Itinanong ko sa kanya bat ikaw pa? Na anak ng taong pumatay sa sarili nyang ina. Alam mo kung anong sinabi nya lang sakin?" tumigil muna sya atsaka ako tinignan at ngumiti.

"Simple lang ang sagot nya. Sinabi nyang mahal ka nya at kahit kanino kapang anak ikaw at ikaw lang ang mamahalin nya." Sabi nya sakin na nakangiti na ikinagiti ko na din.  Naalala ko kasi yung sinabi nya sakin na kaya di sya galit sakin dahil mahal nya ko.

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now