CHAPTER 2

39 18 0
                                    

MAAGANG nagising si Pearl dahil na e-excite siya para sa final interview niya maya-maya lamang.

Wala siyang sinayang na oras, nagmadali siya naligo at nagbihis.

Isinuot niya ang kulay itim na pencil cut niyang palda na hanggang taas tuhod ang haba. At pinarehasan niya ito ng Spaghetti na kulay puti at pinatongan ng blusang mahaba ang sleeve na kulay Itim.

Humarap mona siya sa salamin na naroroon sa silid niya at pinalibutan naman ang kanyang katawan ng tingin.

Hindi niya maiwasang mapangiti ng mapagmasdan ang kanyang katawan na makikita mo ang hubog nito.

Ang makorba niyang katawan na siyang mas nagpapabigay ganda sa kanya.

Nagpulbos siya at nagpahid ng manipis na liptint sa mga labi.

Ng matapos ang ginagawa ay kinuha na niya ang kaniyang shoulder bag na nakapatung sa kama niya.

Isinuot na niya ang kanyang doll shoes na kulay itim.

Mabilis siyang lumabas ng silid at nakita naman niya ang ina niyang nakaupo habang sumisimsim ng kape.

"Nay?!" Tawag pansin pa niya dito.

Tinaponan lang siya rito ng blangkong tingin, at bumalik na naman sa kape ang mata nito.

"Hmm nay?! Aalis napo ako" paalam niya rito at lumapit siya kasabay ang pag-abot niya sa kanang kamay niya para makapagmano.

Ng Hindi parin siya pinapansin ng ina ay naglakad na siya papuntang sa pinto.

Pinihit na niya ang doorknob ng magsalita ang ina.

"Ingat" tipid at walang emosyong ani pa ng INA nito pero sapat na upang mapangiti siya.

At ng makalabas na siya ay bitbit parin niya ang ngiti sa mga labi.

Habang naglalakad bigla siyang makatanggap ng mensahe.

From; 0919+

Goodmorning Ms. Sarmiento this is Mr. Gellier's secretary from Geller's real Estate. Sorry but you can't have your interview for today because the CEO is not here. We just inform you when is the interview. Thank You! :>

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Pearl. Napabagsak siya ng balikat at nanlulumong ibinaba ang cellphone pagkatapos basahin ang mensahe.

Nawalan siya ng lakas at pag-asa. Dahil iyon na nga lang ang pag-asa niyang makapasok sa trabahu Hindi pa matutuloy. Bagaman wala mang sinabi ang secretarya nito na Hindi matutuloy pero kailan? Kailan kung wala na siyang makain?

Wala na sa mode si Pearl na ibinalik sa bag ang cellphone niya.

Akmang babalik na siya sa bahay nila ng narinig na nagring ang cellphone niya.

Gellier's Real Estate calling

Hindi niya inaasahan ang tawag na matatanggap mula dito. I-senave kase niya ang numero nito matapos ang telebabad kahapon.

"Hello?" Pormal na sagot pa niya rito.

"Ahmm This is Kyderson Spoon Gellier I'm Kyderson Blade Gelliers brother. Sorry because his not present for your interview. Well, I'm here I'm the one who well interview you. So be I'll give you 30 minutes to be here. Thank you"

GELLIER'S SERIES 1- Kyderson Spoon Gellier  |Completed|Where stories live. Discover now