ZAIMIN’S POV
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng huli kong makita si Black pati na rin ang kapatid niya. Saka hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng school na lilipatan ko.
Ito pa ang pinagtatakahan ko dahil bakit parang tinatanggihan nila ako? P’wede ko silang ireklamo ah!
Saka maganda naman mga grades ko. Napaupo na lang ako at napabuntong hininga. Kinuha ko ‘yong phone ko saka ko tinawagan ‘yong driver namin. Nag-commute lang kasi ako at wala si Kyline kasi may date daw siya. Napahawak ako sa t’yan ko dahil ramdam ko na din ang gutom. Siguro kailangan ko na lang din magt’yaga sa school na ‘yon dahil baka kakahanap ko ng school na bagong papasukan ay hindi ko na mahabol ang ibang lessons.
Pumunta ako sa isang pinakamalapit na Jollibee and nagorder ako ng pagkain. Matapos kong kumain sakto naman na dumating ang driver namin at sumakay na ako para makapagpahinga na. Hindi na rin kasi ako naka-attend ng klase ng dalawang araw dahil sa kahahanap ng school na papasukan. Pagpasok ng kotse ay bigla akong nanibago sa driver namin. Hindi nagsusuot ng black shirt ‘yon.
Nakapagtataka naman?
“Are you going to move?” Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ‘yon.
Dalawang araw mo lang ako pinagpahinga sa presensiya mo bakit ka na naman nandito?
Hindi ko tuloy alam kung ano’ng gagawin ko. Dumadagundong ang puso ko sa kaba. “Ahh . . . k-kasi.”
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong niya at napasinghap ako dahil muli kong narinig ang pagtatagalog niya.
Hindi ako nakapagsalita at alam kong nakatingin siya sa may salamin at sinisipat ako ng tingin. Nilalaro ko aking kamay na parang bata at napakagat ako ng labi ko. Naramdaman ko ang ngisi mula sa kaniya. “You’re wasting your time, idiot. Move here,” utos niya na sinunod ko naman.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makatanggi sa kaniya. Utos niya ay napapasunod ako sa hindi ko malamang dahilan. Pinaandar na niya ang sasak’yan at pinasok iyon sa garahe namin. Matapos ‘yon ay pumasok na ako sa bahay pero sumunod siya. Napahinto ako nang makita ko ang mga bagahe sa sala. Agad na iginala ko ang tingin ko at doon sa kusina ay nakita ko sina Mommy and Daddy na kumakain.
“Mommy!” Agad na niyakap ko si Mommy saka pinagki-kiss ang pisngi niya.
“I missed you!”
“We missed you too!” sagot nito.
“So, how’s your school?” tanong ni Daddy.
“Masaya naman po, Dad. Kahit na may kaunting inis,” sagot ko naman.
“With what?” kunot-noo niyang tanong.
“With me.” Napatayo ako sa gulat at bigla kong naalala si Black na kasama ko pala.
“Akala ko umalis ka na,” takang sabi ko.
“Tsk,” sabi nito at saka siya pumasok, nagmano, at nakipagbeso sa mga magulang ko.
“Black Mendez. How are you, ijo?” Pinag-cross niya ang mga braso niya at saka tumingin sa ‘kin at binaling ulit kay Daddy.
“I’m fine. How was your business trip?” tanong nito kay Daddy.
“Fine also. Have a sit,” sabi naman nito at saka ako napanguso.
Hindi ko inaasahan na kilala nila ang lalaking kinatatakutan at kinaiinisan ko. Ang lalaking pilit akong inaangkin sa maling bagay. Nakapagtataka dahil parang close niya ang mga magulang ko. Nakatingin lang ako sa plato ko at bumuntonghininga.
BINABASA MO ANG
THE MONSTER OBSESSION [COMPLETED] [PUBLISHED UNDER GSM]
Romance•|| Published na po itong TMO sa GSM. Sa mga gustong mag-order pm nyo lang po ako thank you. ||• Magagawa mo bang tanggapin ang isang lalaking kayang gawin ang lahat kahit pa para s'yang halimaw sa paningin mo? His monster side has a secret, and hi...