CHAPTER 6

2K 54 0
                                    

ZAIMIN’S POV
 
Gusto kong manibago dahil sa pakikitungo ni Grey sa ‘kin. Hindi ko maramdaman ‘yong nararamdaman ko kay Black tuwing kasama ko sya. Bakit ko nga pala naisip ‘yon? Sa sobrang bugnot ko umupo muna ako sa may isang tabi dahil med’yo matagal ‘yong mga kagrupo ko ngayon. I arrived on time, and there were a few people with me. Gray also joined the band because he said it was the last time he could join, and he will graduate next year. Kaya ito, tinitiis kong kasama s’ya sa banda kahit ayaw ko. Sumali din siya sa dance group. Iyong dahilan nya ay pareho sa nauna. Minsan iniisip ko, baka may saltik siya at isa sa mga stalker ko. Maya-maya ay dumating na sila at nakumpleto na kami. Bukas ay ang dance group naman ang a-attened-an ko. Nang makumpleto kami ay kinausap kami ng band leader.
 
“Zaimin, we need your cooperation. I have an idea, and I am sure that the audience will be happy with it. Let’s just add some thrilling moments. Is it okay with you to partner with Wilson?” Sabay turo doon sa ka-band mate namin.
 
Napalagok ako ng aking sariling laway at napatingin doon sa Wilson. G’wapo ito at hindi maitatanggi iyon. Pero iniisip ko kung gagawin namin iyon ay baka managot ako. Pansin kong masama ang tingin ni Grey kay Aldrin na noo’y nakatingin sa ‘kin at hinihintay ang aking sagot.
 
“A-Ahhh… k-kasi… hindi ba p’wedeng si Kyline na lang?” nag-aalinlangan kong sabi at sabay turo kay Kyline.
 
Nanlaki ang mata nya at tumango pero may kilig. “O-Oo nga Aldrin. Mas maganda naman boses ko kaysa d’yan kay Zaimin.”
 
“No, not that. It’s not about the voice. It’s about chemistry, Kyline. The two of them have good chemistry, and I’m sure it’s good,” pagpupumilit ni Aldrin.
 
Gusto kong kontrahin ang sinasabi nya. Gustong huwest’yunin kung siya ang nakaisip o baka may nagsabi lang sa kan’ya. Biglang sumingit si Grey at naka-cross ang braso na nakatingin kay Aldrin. “I could be a partner with Zaimin instead of that man. Our chemistry is better and trusts me, the result is good,” sabi nito at gusto kong sumang-ayon.
 
“Well, we will see,” biglang singit naman ni Wilson at bahagya pa akong nagulat sa kanyang paglitaw.
 
“Try me,” nakangiti ngunit sarkastiko nitong sabi.
 
Gusto kong matawa kasi ang ugali ni Grey ay hindi magpapatalo. Base sa itsura ni Grey, makapangyarihan ang kanyang salita. Iisipin kong sya si Black kasi nagiging dark ang aura nya. Unti-unti kong nakalimutan ‘yong nangyare sa pagitan naming dalawa.
 
“Ahh… Aldrin p’wede ba ako na lang ang mamili kung sino p’wede kong maging partner?” tanong ko at ngumiti sya sa akin saka tumango.
 
“Basta ikagaganda ng magiging resulta at sana mas maganda sa inaasahan ko,” sabi nya at tumango ako.
 
Bumaling ako ng tingin kay Kyline saka dumapo ang tingin ko kay Grey. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ang bait niya sa ‘kin ngayon. Bakit parang ibang Grey ang nakikita ko kumpara noong una. Nag-umpisa na ang rehersal at pinatugtog na nila ang kakantahin namin para sa intro. Limang kanta ang kakantahin namin. Sakto din naman ang iskedul ko para sa sayaw kasi ‘yong tatlong kanta ay pagtapos ng sayaw namin. Natapos ang rehersal namin med’yo napagod din ang katawan ko. Hindi naman p’wede uminom agad ng malamig na tubig kasi baka mamaos ako.
 
Mayro’ng ngang twist ang ginawa namin. Hindi ko alam kung makakayanan kong gawin ‘yong part kailangan kong gawin. Huling kanta ‘yon tapos may sarili akong kakantahin bukod doon. Solo ko sya at sabi ng leader namin na si Aldrin maganda daw kung ako kakanta. Ang title nito ay ‘Monsters’ By Katie Sky. Naalala ko tuloy si Black sa kanta na ‘yon at naalibadbaran ako. Kahit kasi wala sya dito pakiramdam ko nandito sya at nasa paligid—umaaligid.
 
“Hindi ko aakalin na magaling kang sumayaw at kumanta.” Nabigla ako sa pagsulpot ni Grey.
 
“Ah… oo... sa dati kong school kasi dati sumasali ako ng sayaw. Minsan kanta pero mas gusto kong sumayaw,” sagot ko.
 
Sa ngayon ay komportable ako sa aura ni Grey. “Tsk, but you should choose one group instead of two, kasi lagi kang aligaga.”
 
“You know. Mas tuwid ang Tagalog mo kaysa sa kuya mo. Minsan ko lang s’ya marinig magtagalog. Mababaw lang English nya pero parang laging dudugo ang ilong ko,” sabi ko.
 
“Don’t mind him.”
 
“Ilang taon ka na ba?”
 
“Why? Gusto mo ‘kong ligawan?” kunwari ay nanunuksong sabi nya.
 
“Hindi ‘no. Curious lang ako, si Black kasi 28 na. Akala ko dati 25 lang sya or 23,” sabi ko naman at saka tumingin sa kanya.
 
“I’m 21. Two years older than you,” sagot nito at tumango ako bilang sagot.
 
Nakarating na ako ng bahay at nagpaalam na ako kay Grey. Pagpasok ko sa loob agad na pumasok ako ng k’warto para magpahinga. Maaga na naman akong magigising bukas kasi sa practice ng sayaw at review para sa quiz. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Kinaumagahan ay bumangon ako ng maaga. Gusto ko pang matulog at magpahinga pero kailangan kong bumangon para sa practice. Dalawang linggo na lang kasi college day na. Matapos lang itong araw na ‘to sisiguraduhin kong ipapahinga ko ang buong walang pasok ko. Nakakapagod maging istudyante! May midterm exam pa pala bago mag-college day.
 
Naramdaman ko ang vibrate ng phone ko at nakita ko doon ang pangalan ni Kyline. Agad na sinagot ko ito at sinalpak sa tenga ko ‘yong headphone tapos binulsa ‘yong cellphone. Pumasok ako sa banyo upang magmumug muna at mag-tooth brush bago maligo.
 
“Zaimin, the dance practices are canceled. We can rest for this day. Take a rest and sleep again. Bye!” Tinanggal ko ang salpak ng headphone saka lumabas ng banyo at bumalik sa kama.
 
This is the real holiday for me. Maya-maya ay nakatulog na naman ako. Hindi ko na namalayan ang oras at 3pm na ako nagising. Nagugutom na ako at gusto kong kumain dahil wala akong almusal at tanghalian. Gusto kong magmaktol kasi hindi ko magawang bumangon ng maayos kasi hinihigop ng higaan ang katawan ko para matulog ulit. Paglabas ng k’warto agad akong nakaamoy ng nilulutong pagkain. Sinundan ko iyon hanggang sa kusina at naaninag ko ang isang lalakeng naka-apron at nakangiti ito sa akin. Nagising ang diwa ko ng makita kung sino ito at laking gulat ko dahil first time kong makita syang nagluluto sa mismong kusina namin.
 
“You look tired?”
 
“I’ve been busy this past few weeks because of rehearsal and dance practice,” tila nagsusumbong kong sagot.
 
“Exactly; tthats why I am home. I have one month of vacation this month, and I want to see you. I miss you already,” sabi nito at gusto kong mabaliw dahil doon.
 
Bakit ba ganyan ka sa ‘kin Black? Gusto kitang sakalin sa leeg at pabawiin ang sinabi nya. Umupo na lang ako sa lamesa at kumain. Nanlaki ang aking mata dahil sa sobrang sarap ng kanyang luto. Umupo na rin sya kaharap ko at nakangiti akong pinagmasdan habang kumakain. Marami ang pinagkaiba nila ni Grey, mas gusto ko ang aura ni Grey kaysa kay Black. Pero mas gusto ko naman kasama si Black kaysa kay Grey. Parang gusto ko na lang din mawala sa mundo at hindi makita ang taong ito.
 
“Saglit lang akong nawala nasalisihan na ako?” mas gusto ko na nag-e-English s’ya. “I heard you were always with Grey?” dugtong pa n’ya dahilan para muntik na akong mabulunan.
 
Agad na uminom ako ng tubig at tumingin sa kaniya. Gusto kong matawa at gusto kong kiligin. Malayo ang agwat namin sa isa’t-isa. Sampung taon ang tanda n’ya sa ‘kin pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang maging ganito sa ‘kin. Iba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko sya, para bang may kakaiba sa amin na hindi ko maintidihan. Katulad ng nararamdaman ko kay Grey, nawala na ang galit at inis ko sa kanya at napalitan na ng pagtataka at hindi ko alam kung anong gagawin sa ganitong ikinikilos nila.
 
“We’re in same band and dance group. I hope you won’t mind, may I ask you something?” sabi ko at saka sya tumingin sa ‘kin.
 
“Go ahead,” kaswal nitong sabi.
 
“Kuryus kasi ako, hindi ko alam kung bakit ganito kayo sa ‘kin. Kasi una sa lahat naiinis ako sa inyo, nabuburyo at natatakot. Hindi ko alam kung bakit ang hinahon nyo makalipas ang iilang b’wan. Pareho kayo ng kapatid mo,” sabi ko at bahagya syang tumawa.
 
Tumayo sya at lumapit sa ‘kin. Gusto kong tumayo at tumakbo mula sa presensya nya. “We have same feelings, but it’s complicated,” sagot nya.
 
Hindi ko naintihan kung anong pinupunto nya. Bigla nyang hinapit ang bewang ko dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan ko. Ngayon ay sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Gusto ko syang itulak at itaboy na sya pauwi sa kanila. Hinaplos nya aking mukha. Bigla ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko papunta sa t’yan ko at parang umaakyat ang dugo ko papunta sa mukha ko.
 
“Between me and my brother, who is the most handsome in your eyes. In your eyes only,” sabi nito at napalunok ako sa sinabi nya.
 
“Well, both of you are handsome and have a perfect body that every girls dream of. But, I don’t want to push myself to choose between you and Grey,” sabi ko at sinubukan kong hindi mautal at hindi naman ako nabigo.
 
Binitawan na nya ako saka ako bumalik sa kinauupuan ko at agad na sumubo para mawala ang kaba ng dibdib ko. Ano bang iniisip nang isang ‘to? Hindi naman sila perpekto at hindi lang sila ang g’wapo sa mundo. Bakit ba ganito ang epekto ni Black sa ‘kin? Muntik pa ako mabulunan sa sunod-sunod na subo ko pero inabutan n’ya ako ng tubig. Masama niya akong tinignan at napailing na lang. Nasanay akong wala siya at si Grey ang nakakasama kaya mas nasanay ako sa presensya ni Grey kaysa kay Black.
 
“Can I sleep here?” tanong nya at tinignan ko sya, gusto kong huwestyunin pero nakikita ko ‘yong pagod sa mukha nya.
 
“Why not? Mom, and Dad are not around; you can sleep in my room, and I’ll just be there in their room. You look tired, and I think you need to have some rest,” sabi ko at aalis na sana ako ng hilain nya ang kamay ko at hinapit ako ng yakap.
 
Kumabog ng malakas ang puso ko at parang gusto kong lamunin ng semento. Hindi ako makapagsalita at napipi ako sa pagkakayakap nya. Pero marahan ko syang tinulak at inihatid sa k’warto ko at inihiga doon. I think he is too tired brcause of the business that he needs to finish. Kailangan ko na matulog dahil maaga ang pasok ko bukas. I have a morning class, and after tpasoka practice dance. Alam ko naman walang pipiliing sched ang dance leader namin. Pumasok na ako sa k’warto nila mommy at saka naisipang matulog na.
 
Kinaumagahan nagising akong may katabi na ako sa higaan. Napakagandang umaga ang bumungad at napakag’wapong nilalang ang nasa harapan ko. Pero agad na nagising ang natutulog kong diwa ng mapagtantong si Black pala ito.
 
“What are you doing here?” agad na tanong mapagtant’ya at napabangon na ako.
 
“I want to see your beautiful face in the morning. Then, I came here just to see you, baby,” sabi nito at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ng sabihin nya iyon.
 
I’ll take a shower then after that, I’ll tell Manang to prepare our breakfast,” sabi ko at saka ngumiti sa kanya.
 
“I already cook,” sabi naman nya at napangiwi ako.
 
“Then I’ll take a shower,” sabi ko na lang at matapos kong sabihin ‘yon ay napasapo ako sa dibdib ko.
 
Hindi na sya ang dating Black na kilala ko. I mean, he is not the Black that who’s always look mad, short-tempered and has a dark aura. Pareho sila ni Grey. Bagama’t mas nakakasama ko si Grey kaysa kay Black, mas gusto ko pa rin ang presensya ni Grey. Matapos kong maligo at magbihis ay agad na akong pumunta ng kusina. Nakita ko si Black na masaya sa ginagawa n’yang paghahanda ng almusal. Sinasapian na si Black ng isang mabuting elemento.
 
Hindi ‘ata magandang senyales iyon para sa isang demon’yo. Palihim akong natawa sa iniisip ko. Gusto ko pa sana mag-imagine ng mga bagay tungkol kay Black kaso may exam pa ako at kailangan kong umalis ng maaga dahil kailangan ko pang mag-review. Pakiramdam ko tuloy s’ya ang kuya ko na handang gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang munting prinsesang kapatid. Mas gugustuhin kong maging kuya si Black kesa maging boyfriend.

THE MONSTER OBSESSION [COMPLETED] [PUBLISHED UNDER GSM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon