CHAPTER 33

1.4K 32 0
                                    

ZAIMIN’S POV
 
Naisipan naming mamili ni Wade sa mall. Kasama namin si Kyline dahil gusto niya daw na s’ya ang pipili para sa mga gagamitin namin. Malandi talaga sa gamit ang kaibigan kong ito. Habang namimili kami ay biglang may mga men in black ang humarang sa aming harapan. Naro’n ang kaba sa puso ko at takot sa kalooban ko. Binuhat ko si Wade at sinubukang tumakbo ngunit may nakaharang sa kabila. Naramdaman kong nanginginig si Kyline at napatingin ito sa ‘kin. Tinanong kung kilala ko sila. Hindi ko nga sila maalala. Ni hindi ko alam kung sino sila. Hinawakan ni Kyline ang kamay ko.
 
Unti-unti silang lumapit sa ‘min at naramdaman ko ang panginginig ni Wade. Sinipa ko ang isa at agad na tumakbo kami habang buhat ko si Wade. Hindi ko alam kung sa’n lulusot at kung sa’n magtatago. Sobrang kinakabahan ako at any time ay madadapa ako. Pumasok kami sa cr ng babae at nagtago sa isang cubicle na bakante. Pinagmasdan ko sina Wade at Kyline.
 
“Ky, ikaw na bahala kay Wade,” bilin ko na siyang
ikinataka niya.
 
“Naman, Zaimin! Magpapakabayani ka pa,” inis na sabi
nito sa ‘kin.
 
“Mapapahamak si Wade at ayaw kong mangyari ‘yon. Kaya nakikiusap ako. Ikaw na ang bahala. Lilituhin ko sila at itakas mo si Wade saka mo tawagan si Black. Naiintindihan mo ba ako?” Tumango siya sa ‘kin saka ako lumabas sa restroom.
 
Sumilip ako at walang tao. Nang tuluyang makalabas ay ro’n ako biglang binuhat ng isang lalaki. Nagpumiglas ako pero bigla itong may pinaamoy sa ‘kin na naging dahilan ng pagkahilo ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at tila ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. Nakaramdam ako na parang may yumayakap sa ‘kin. Iminulat ko ang mga mata ko at iginala ang tingin. Hindi ako familiar sa k’warto at disenyo nito. Napalingon ako sa taong katabi ko at napabalikwas ako ng bangon nang makita ko siya.
 
“Z-Zypier?” Sumilay ang ngisi nito saka tumayo.
 
“Miss me, my pretty baby?"
 
“A-Ano’ng ginagawa ko rito? Nasa’n ako? B-Bakit nandito ako?” sunod-sunod na tanong ko.
 
“Ugh! Ang dami mong tanong. Pero sige, sasagutin ko ang lahat ng iyan.” Lumapit siya sa ‘kin at napaatras ako nang sumalampak siya sa kama.
 
“I was waiting for you until you came back. Akala ko ay hindi ka na babalik kay Black. Pero ito ka at nasa piling niya. Tapos ako? Nandito, iniisip kung paano tapusin ang buhay niya.”
 
Nakikita ko ang galit mula sa mga mata ni Zypier. Iba siya sa nakilala kong Zypier na kengkoy noon. Dahil ang mga mata niya ay walang buhay. Ang aura niya ay dark at sobrang nakatatakot. Papatay siya ng tao sa tingin pa lang. Akala ko makalipas ang taon ay hindi na siya magpapakita pa. Kung kailan tahimik na kami at masaya saka naman nandito siya. Ito ako, hawak niya. Sana naman ay nagawa ni Kyline ang pinagawa ko. Hindi ko makakayanan kung may mangyaring hindi maganda sa anak ko.
 
“A-Ano ba’ng gusto mo?” napalunok ako nang tanungin ko ‘yon.
 
Tumingin siya sa ‘kin. Lumapit at inamoy ang buhok ko. Nanindig ang balahibo ko at hindi ako makakilos sa kinalalagyan ko. “Ang mawala sa landas ko si Black at makuha ka,” he said with a cold voice.
 
Tumayo ako at dumistansiya sa kaniya. Ngayon ay ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko at hindi ko alam kung paano ako makaaalis dito. “P-Pakawalan mo na ako, Zypier. P-Parang awa mo na. N-Nag-aalala ako s-sa anak ko pplease,” utal-utal man ay nasabi ko.
 
Ngayon ko nakita ang isang Zypier na mas malala pa kaysa kay Black. Ngumisi ito saka unti-unting lumapit sa ‘kin at ako naman ay atras nang atras dahil sa ginagawa niya. Sa loob ng limang taon, akala ko natigil na siya. Hindi pa pala.
 
“Anak? ‘Yan ba ang nabuo n’yo ni Black?” Pagak na tumawa ito saka umupo sa harapan ko. “He’s here also. S’yempre, hindi ko kukunin ang ina na wala ang anak niya.” Dumagundong ang kaba ko at akmang pupunta sa pintuan nang hinarangan niya ako. “Oppss, my precious Zaimin. This is not the right time na makita mo ang anak mo. Dahil may hinihintay pa akong panauhin para kumpleto kayo.” Bigla niya akong tinulak sa kama at napasalampak ako ro’n.
 
Iniwan niya ako saka lumabas sa k’warto. Agad naman
akong tumayo at sumubok lumabas pero naka-lock na ito. Sumigaw ako pero tila walang nakaririnig sa ‘kin. Hindi p’wede.
 
Si Wade!
 
Hindi maaaring madamay ang anak ko. Kailangan kong iligtas ang anak ko.
 
Paano niya nakuha si Wade kay Kyline?
 
Hindi ko alam ang gagawin at nagpapabalik-balik ako ng lakad. Habang kagat ang kuko ko at nag-iisip. Kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko ay hindi ko sila mapapatawad. Humanda ka sa ‘kin, Zypier. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sakit n’yon at gusto kong magwala dahil sa inis.
 
Hindi ko alam kung ilang oras akong gano’n. Hanggang sa makarinig ako ng kalabog at nang bumukas ang pinto ay niluwa nito si Zypier. Naro’n ang mga tauhan niya at agad ako nitong kinaladkad palabas sa k’warto. Hindi ko alam kung sa’n kami pupunta pero ang inaalala ko ngayon ay si Wade. Nakarating kami sa isang madamong lugar. Ang lawak nito, batid kong bukid ito at malapit sa kalsada. Huminto ang kotse sa aming harapan at mula ro’n ay iniluwa nito si Black. Walang buhay na mukha ang nakikita ko. Sa kabilang bahagi ay dala ng isang lalaki si Wade na agad namang nilang pinakawalan at lumapit ito sa ‘kin.
 
“Mommy,” umiiyak nitong tawag sa ‘kin.
 
“How was the trip?” Zypier asked him.
 
“Fuck you, Zypier!” inis na sabi ni Black habang masamang nakatingin kay Zypier.
 
“Fuck you too, Black,” nakangising sabi naman nito.
 
Sobrang natatakot ako. Ang dami ng tauhan ni Zypier at nag-iisa lang si Black. Natatakot ako sa maaaring kahinatnan ng lahat at hindi ko alam kung paano akong aalis sa lugar na ‘to. Gusto kong ilayo si Wade.
 
“Akala mo ba ay tumigil ako? Hindi ko akalain na pagkatapos ng limang taon ay sa ‘yo pa rin babalik si Zaimin. E’di sana noon pa ay sapilitan ko na lang ding kinuha siya mula sa ‘yo.”
 
“Ano ba, Zypier? Itigil mo na ‘to,” pagmamakaawa ko.
 
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatay ang tao na ‘yan, Zaimin.”
 
“Ano ba ang atraso sa ‘yo ni Black?! Bakit ba ang laki ng galit mo sa kaniya?”
 
“Dahil siya ay masamang tao. Siya ang pumatay sa kapatid ko. Siya ang nag-iisang taong mahal mo at hindi ako!”
 
Napapikit ako sa sigaw na ‘yon ni Zypier sa ‘kin. Sinenyasan ni Zypier ang mga tauhan niya. Hindi ako nakakilos at agad nilang sinugod si Black na mabilis namang nilabanan sila. Gusto kong tumulong pero hindi ko magawa dahil natatakot ako. Isa pa si Wade ay naramdaman kong natatakot din. Nakarinig ako ng putok ng baril at dahil do’n ay tumakbo ako. Pero hinawakan ako ni Zypier at pilit na isinama sa kaniya, nagpupumiglas ako. Si Wade naman ay nakakapit sa ‘kin at nanginginig, kung hindi ko siya aalisin ay mato-trauma si Wade rito. Kailangan ko siyang ilayo rito.
 
Sinipa ko si Zypier saka ako tumakbo at sumakay sa kotse. Nilapag ko si Wade at tulala siya. Hindi nagsasalita at hindi rin ako mapakali. Agad kong nilagay ang seatbelt niya at saka ko pinaandar ang sasakyan. Pinaulanan kami ng bala at sa taranta ko ay umatras kami. Hanggang sa mabunggo sa isang kotse at pinaandar itong paabante. Pumatak ang luha ko at tinignan si Wade na tulala pa rin.
 
“W-Wade! Baby!” tawag ko ngunit hindi niya ako nililingon. “Fucking shit!” inis na sabi ko at hinampas-hampas ang manibela.
 
Hindi ko alam kung nasa’ng lugar kami. Hindi ko alam kung sa’n ako hihingi ng tulong. Nanginginig ang buong laman ko at patuloy na pumapatak ang mga luha ko. Tinatawag ko si Wade pero hindi pa rin ako nito sinasagot. Bigla akong nabuhayan nang may nakasalubong akong sasakyan ng ambulansiya. Pinahinto ko ang kotse saka humarang sa ambulansiya.
 
“Tulungan n’yo ako! Tulungan n’yo ang anak ko, please!” iyak na sabi ko.
 
Agad silang bumaba at mabilis kong kinuha si Wade sa kotse upang isakay sa ambulansiya. “Ano po’ng nangyari sa bata?”
 
“H-Hindi ko alam. B-Bigla na lang siyang natulala nang may nagpuputukan. May humahabol kasi sa amin. P-Please, pagalingin n’yo ang anak ko,” nagmamakaawang sabi ko.
 
“Sige po, misis. Tara na, kailangan nating bumalik,” sabi ng nurse habang tinitignan ang anak ko.
 
Isasara na sana ang pinto ng ambulasiya kaso lang biglang may humila sa ‘kin. “Bitiwan mo ‘ko!” Pumiglas ko pero dalawang tao ang humawak sa ‘kin.
 
“H’wag n’yong patatakasin ‘yan!” sigaw ni Zypier at bumaba ito sa kotse niya.
 
“H-Hindi. Dal’hin n’yo na po ang anak ko, nurse, please! Parang awa n’yo na,” umiiyak na sabi ko pero hindi sila nakaalis dahil sa mga tauhan na nakapaikot sa ‘min.
 
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Black na bugbog sarado at ang daming dugo sa mukha. Parang tinusok ng daang karayom ang puso ko nang masilayan siya sa gano’ng lagay. Nahihirapan ito at hindi makatayo.
 
Hindi ‘to maari. Hindi ‘to p’wedeng mangyari.
 
“Hindi n’yo paaalisin ang bata. Hindi n’yo dadal’hin sa hospital ang bata dahil gusto kong makita niya kung paano ko papatayin ang ama niya.”
 
Kinaladkad nila si Black. Patuloy na umaagos ang mga luha ko dahil sa nangyayari. Sa katotohanan na talo kami at panalo sila. Napaluhod ako at akmang lalapit kay Black nang bigla akong hawakan ni Zypier. Hindi ko gustong makita ang mukha ni Black na ganito.
 
“Parang awa n’yo na,” iyak kong pagmamakaawa.
 
Pinagkiskis ko pa ang parehong palad ko upang maawa sila. Pero sinabunutan ni Zypier si Black at mas lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung sino’ng uunahin ko. Si Black ba o ang anak ko.
 
“HAYOP KA, ZYPIER!” iyak kong sigaw sa kaniya. Ginawaran lang ako nito ng nakalolokong ngiti at saka pilit na itinayo si Black. Itinutok nito ang baril mula sa ulo ni Black at mas lalong dumagundong ang kaba ko. “H’WAG! PLEASE! PARANG AWA MO NA. GAGAWIN KO ANG GUSTO MO. PLEASE, ‘WAG MONG PATAYIN SI BLACK!” sigaw ko habang nagmamakaawa.
 
“Wala na akong panahon para do’n, prinsesa ko. Pero kapag nawala na ang taong ito. Bayad na siya sa lahat ng kasalanan niya sa ‘kin. Sa huli, magiging akin ka.”
 
“Hindi! Hindi, h’wag mong gagawin. Nakikiusap ako.” Hindi ko na alam kung anong klaseng pakikiusap ang gagawin ko.
 
Natatakot na rin ang mga nurse at nang mapatingin ako sa gawi ni Wade ay wala ito. Agad na hinagilap ito ng mga mata ko at mula sa kinatatayuan ko ay nagulantang ako. He has a gun in his hand at nakatutok ‘yon kay Zypier. Hindi ko alam kung paanong nangyari na may baril sa kamay niya at nagawa niyang itutok kay Zypier. Matigas ang kalabitan ng baril at alam kong hindi ‘yon magagawa ng isang five years old lang. Pero ang mukha ng anak ko ay walang reaction. Para akong nanonood ng pelikula na palabas.
 
“This monster is obsessed with you, Zaimin. I already told you the true him, yet you still chose him, and I fucking hate that. Now, this monster is the one who will leave this beautiful earth. And after that, you are mine, all of you is—” hindi natapos ni Zypier ang sasabihin niya nang biglang pumutok ang baril na hawak ni Wade.
 
“WADE!” Agad akong tumakbo sa gawi ni Wade at niyakap ito.
 
Narinig ko ang muling pagputok ng baril at nakaramdam ako ng tila may bumaon mula sa aking likuran. Napatingin ako sa mukha ni Wade at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
 
“ZAIMIN!” Ang sigaw na ‘yon ay alam kong mula kay Kyline.
 
Lumapit ito sa amin at agad akong sinalo ni Kyline. Nakita ko ang buong paligid na may mga pulis at dinakip ang mga tauhan ni Zypier. Habang si Zypier naman ay nakabulagta. Unti-unting nanlabo ang aking paningin kasabay n’yon ang pagbigat ng aking mga talukap at parang kinakapos ako ng hingina. Hindi ko na narinig ang tinig na tinawag ako ni Kyline at para akong nabingi. Matapos ‘yon, hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

THE MONSTER OBSESSION [COMPLETED] [PUBLISHED UNDER GSM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon