ZAIMIN’S POV
Nag-umpisang mamutawi sa akin ang kunklusyon. Gusto kong tanungin si Almond kung siya ang nagpapadala ng mga sulat ngunit hindi ko alam kung paano. Wala rin akong makitang kakaiba kay Black or kahit anong pagtataka sa kan’yang mukha. Kahit kailan ay hindi ko mabasa ang sa isip niya. Hindi ko gaano pinagtuunan ng pansin ang mga tao dahil pakiramdam ko ay susuka na ako. Agad akong nagpaalam kay Black na magbabanyo dahil hindi ko kinakaya ang sobrang kaba at pati sikmura ko’y bumibigay na. Nagtanongtanong ako kung nasa’n ang banyo at tinuro naman nila ito sa akin.
Nang makarating sa banyo ay agad akong nagsara ng cubicle saka umupo ro’n. Nanginginig ang mga kamay ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan dahil parang nawala lahat ng nararamdaman ko kay Black at napunta na naman kay Almond. First love never dies. Parang may kung ano sa akin na hindi ko maintindihan. Para akong nananabik na sana nga’y totoo ang naiisip ko; sana ay may gusto nga sa akin si Almond. Pero agad napawi ang excitement ko nang maalala ko si Black. Ang galit niya ay nakikita ko sa imahinasyon ko.
Lumabas ako ng cubicle saka tumingin sa salamin. Nagmumog ako saka inayos ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at nakikita ko ang mukha ni Almond. Pero naro’n ang mukha ni Black sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
“Hindi p’wede ang iniisip mo, Zaimin!” agad na suway ko sa sarili ko sa salamin.
“What are you saying?” Sa gulat ko’y natabig ko ang
bag ko at nalaglag ito.
“B-Black,” banggit ko sa pangalan niya.
Nanginginig ang mga kamay at ang binti ko. “What are you saying? What are those words?” tila nanggagalaiti nitong tanong.
“K-Kasi . . .” hindi ko masabi ang sasabihin ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko habang ang kay Black ay taka at tila galit. “S-Si Almond—” ayon pa lang ang nababanggit ko pero hinila niya ako palabas sa banyo at lumabas sa bahay.
“Alam mo sa lahat na ayaw kong may iba kang nababanggit na pangalan bukod sa akin,” galit na sabi nito at gusto kong umiyak.
Naro’n na naman ang takot ko na magalit siya. Bakit naman kasi hindi ako nag-iisip? Maaari niya akong sundan! Sobrang higpit ng hawak nito sa kamay ko at napainda ako sa sakit n’yon.
“B-Black . . . a-aww. N-Nasasak-tan a-ako.” Pilit kong
binabawi ang kamay ko pero sobrang higpit ng hawak niya ro’n.
“How many times do I fucking need to tell you this? No other man except me!” sigaw niya at tuluyan nang pumatak ang luha ko dahil sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ganito si Black tuwing may iba akong nababanggit. Nagagalit siya tuwing may ibang pangalan akong nababanggit na hindi related sa family or sa friends ko. “B-Bitiw,” pisngo kong sabi habang pilit na binabawi ang kamay ko.
Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang pagbisita ko sa party. “B-Black, n-nasasaktan a-ako,” sabi ko at gusto kong magsisi dahil sa mga salitang nabibitiwan ko. “BLACK!” Tila natauhan siya nang sumigaw ako.
Agad ako nitong binitiwan at nang gawin niya iyon ay agad naman akong tumakbo. Hindi ko na ‘to gusto. Mahal ko na nga ba siya o dahil lang may mali akong akala sa aking nadarama? I’m not falling for him, am I? Hindi ko alam kung paano ako nagmahal ng lalaking alam kong sinasaktan lang din ako. Hindi ko na alam kung sa’n ko ilulugar ang sarili ko. Bawat parte ng pagkatao niya ay hindi ko pa rin kabisado. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagagalit siya ay tila ibang Black ang nakahaharap ko. Tinanggal ko ang high heels sa saka ‘yon binitbit.
Hindi ako lumilingon kung nasaan si Black na hinahabol ako. Ramdam ko ang bigat ng hakbang ko at sumabay pa ang malakas na ulan na biglang bumagsak. Ang sakit ng dibdib ko, bakit sa sobrang karupukan ko’y naaabuso na ako? Wala na akong paglalagyan sa ganitong karupukan pagdating kay Black. Marami akong katanungan na pilit kong inaalam ang sagot. Mula sa mga magulang ko, kay Black, Grey, at sa kung bakit sila biglang sumulpot sa buhay ko. Kung bakit pilit akong inaangkin ni Black at kung bakit parang familiar sa akin ang painting na ‘yon sa bahay nila.
Hindi ko na kinaya at nadapa na ako katatakbo. Nasubsob ako at agad akong nilapitan ni Black. Ang luha ko’y patuloy sa pagpatak at nanginginig ang aking mga kamay. Ramdam ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero buong p’wersa ko siyang tinulak at tumayo ako kahit pa nahihirapan ako. Hindi ko alam kung sa’n ako pupunta, gusto ko lang makalayo mula kay Black.
“Zaimin,” tawag nito sa akin. Hindi ko siya nilingon at
patuloy lang ako sa paglalakad. “Zaimin!” ulit nito at naro’n ang maawtoridad nitong pagtawag sa akin.
BINABASA MO ANG
THE MONSTER OBSESSION [COMPLETED] [PUBLISHED UNDER GSM]
Romance•|| Published na po itong TMO sa GSM. Sa mga gustong mag-order pm nyo lang po ako thank you. ||• Magagawa mo bang tanggapin ang isang lalaking kayang gawin ang lahat kahit pa para s'yang halimaw sa paningin mo? His monster side has a secret, and hi...