Kabanata 1
"Did you even listen to me bago ka umalis, ha?!"
Nag-echo sa buong kaharian ang galit at nanggagalaiting sigaw ni dad.
I just let out a deep sigh. Muntik na kasi kaming makita ng mga tao kanina habang naghahanap ng pagkain. Ako ang sinisigawan niya ngayon dahil ako ang nangunguna kanina sa mga kasama ko at ako rin ang inutusan niya.
"Dad, hindi naman nila kami nakita."
I'm a vampire.
I live in a world where blood is more important than anything else.
"Reasons, reasons, reason, Vaximo! You're out of your mind! Inilalagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian."
Then it hit me. Wala naman akong tamang ginawa sa mga mata mo 'di ba, King Matthias?
Napayuko lang ako at pinakinggan ang kung anong gusto niyang sabihin at ipamukha sa akin.
He's my dad. I'm his son. But I can't feel it.
"Hindi ko na dapat sinasayang ang oras ko sa isang katulad mo. I should've let myself sit here all day than wasting my energy to a noob like you."
'Yon ang huli kong narinig sa kaniya bago siya tuluyang umalis paakyat sa kuwarto niya.
Napailing na lang ako. Wala namang bago.
"Vaximo!"
I can feel Ivone sitting next to me. Kinuha niya ang mga kamay ko na nakapatong sa hita ko at magkasalikop.
Napatingin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.
I smiled as I met her red bloody eyes. I can sense that she's worried.
"Are you okay, huh? Did something bad happened? Tell me, Vaximo. Tell me."
Why so concerned? It's...
"Shhh. Stop worrying, Ivone. I'm okay. More than okay."
She let out a sigh. Lumapit pa siya sa akin ng kaunti. Nakita ko kung paano umamo ang mukha niya ngunit nananatiling nakakunot ang mga kilay.
"Pinagsalitaan ka nanaman ba ng masama ni King Matthias? Nakasalubong ko siya kanina. And I think he's mad."
Binawi ko ang mga kamay ko mula sa kaniya at sumandal sa sofa na inuupuan ko. Napatitig ako sa golden brown na chandelier.
"I'm used to it, Ivone. For almost twenty-years--- since I was born, ganito na ang turing niya sa akin. Nothing changed. It's him since then. It's King Matthias who hates his son."
Napangiti na lang ako ng mapait. Pero hindi ko alam kung ngiti pa bang matatawag ito.
"I was nothing to him." Dugtong ko. Nilingon ko si Ivone at nakita ko ang awa sa kaniyang mga mata. "Hey, don't look at me like that, okay. I'm alright. Maybe I just need some rest."
"I'm going to my room, goodnight." Dugtong ko.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad nang tawagin ulit niya ang pangalan ko.
"Vaximo..."
Nilingon ko siya.
"Hmm?"
"Don't hate your father. Will you promise that?"
Napatitig ako sa kaniya.
I think, I can't. But I'll try.
Tango na lamang ang isinagot ko at tuluyan ng tumalikod.