Kabanata 2
Nadatnan ko sa malawak na hapag kainan ang buong lupon ng Epaesian. Puno ang tatlong mahahabang mesa na sa tingin ko ay aabot sa apat napu o higit pa ang umuukupa kada mesa. Para akong nabibingi sa katahimikan. Anong ganap?
Hindi nila ako napansin kaya naman nagdire-diretso lang ako. Tumabi ako sa kaibigan ko dito. Si Meraculous. Ewan ko ba kung sino ang nagpangalan sa gunggong na ito. Masyadong baduy. Hindi bagay sa mukha niya ang mala-anghel niyang pangalan.
"Hoy." Tawag ko sa kaniya matapos kong maupo sa kaliwang gilid niya. Nilingon niya naman agad ako.
"Bakit?"
"Anong meron? Bakit ang tahimik?"
"Kasi walang nagsasalita?" Sabi niya. Binatukan ko siya.
"Ugok."
"Aray naman!" Sabi niya na nakahawak sa batok niya.
Nagtinginan sa amin ang iba nang dahil sa sigaw ng katabi kong demoniyo. Hindi ko na lang sila pinansin.
"May sasabihin daw si King Matthias." Sabi niya.
"Tinatanong ko ba?" Sagot ko sa kaniya.
"Huh? Abno ka ba? Tinatanong mo ako kanina, 'di ba?"
"Kanina 'yon. Wala naman akong naalalang tinanong kita ngayon." Sabi ko.
"Ang galing. Nakaka-proud ka, pre."
Napairap na lang ako at humalukipkip. Gano'n rin ang ginawa ng katabi ko. Takte, abno na, gaya gaya pa. Tss.
Nakita ko kung paano umayos ng upo ang lahat at humarap sa may trono ng hari.
Ang trono ni King Matthias--- ang tatay ko, ay nakatapat sa pinakagitnang mesa. Mas mataas ito kumpara sa inuupuan namin.
Nakita ko si dad na naglalakad paakyat sa trono niya. Dito rin kami nagtitipon-tipon sa tuwing may mahalagang pag-uusapan.
"Good morning, vampires in Kingdom of Epaesian."
Walang sumagot ni-isa sa bati niya. Hindi ba ang awkward n'on? Pero ganito naman ang senaryo lagi kaya siguro sanay na siya.
"Are you all excited? It's our night! Bloods. Bloods. Bloods. You all like it? Am I right?"
Napalibot ako ng tingin nang isa-isa silang tumango at unti-unting naglabasan ang mga pangil.
So aggressive.
Napahinto ang tingin ko nang mahagip ng mata ko si Ivone na nakatingin din pala sa akin. Agad din naman niyang iniiwas ang tingin niya at bumaling na lang sa nagsasalitang hari.
"Vampires. Alam ko kung gaano kayo kasabik sa dugo..." Nagulat ako nang lingunin niya ako at pakatitigan. "Pero alalahanin ninyo ang limitasiyon ninyo. 'Wag kayong padalos-dalos. Hindi sa inyo ang buong mundo. At higit sa lahat, hindi namin kayo ibabalik dito sa kaharian kapag naisahan at napatay kayo ng mga tao. Isa iyong tanda ng katangahan." Bumitaw siya sa titig at muling humarap sa lahat.
"Nagkakaintindihan?" Tanong niya.
"Opo..." Sabay-sabay nilang sabi. Sila lang. Hindi ako sumagot.
"Huwag kayong gagaya sa iba na nagmamagaling at masyadong nagmamayabang. Maaari kayong mamatay dahil do'n. We are Epasians. No one can harm us." Alam ko. Alam kong ako ang pinatatamaan niya ng mga salita niya.
"That's all. I have nothing to say. You can go by yourself at exactly twelve midnight. You can have your breakfast now. Remember my words."
Iyon lang ang sinabi niya at bumaba sa ginto niyang trono at muling umakyat sa kwarto niya kasama ng mga kawal.
Nagsimula ng umingay ang lahat. Nagsilapitan na rin sa amin ang mga alipin at isa isa kaming binibigyan ng pagkain. We eat what the normal person eats. Sa madaling salita, pampabuhay lamang namin ang dugo ngunit naging parte na rin ito ng pagiging bampira namin.
Mga tao ang alipin ng aming kaharian. Ito ang minsang isa sa mga dahilan kung bakit kami lumalabas papunta sa mundo ng mga tao. Minsan ay nasasalubong palang namin sila ay nag uunahan na agad ang ibang mga bampira na kainin sila. Pero may iilang masuswerte. Dahil ang ilan sa kanila ay dinadala dito sa kaharian at ginagawang alipin. Oo, alipin.
Mayroong batas ang hari ng Epaesian.
Batas na hindi mo kailan man magiging kontrolado.
Don't fall in love with a mortal.
Kung hindi, mawawala ang kapangyarihan mo at tuluyan kang magiging isa sa kanila. Unti-unti ka ring magiging isang mortal.
Kahit hindi mo gustuhin, kapag napaibig ka, wala kang magagawa.
It's a curse.
At kapag nangyari iyon, ipatatapon ka sa mundo ng mga tao ng walang anumang natitirang kapangyarihan.
But I'm not scared.
Sino ba naman kasing magkakagusto sa isang mortal? Ni-hindi nga nila kayang sumipsip ng dugo.
Ni-hindi nga nila kayang lumipad.
Hindi namin sila sing-lakas.
Sa madaling salita, hindi talaga sila kaibig-ibig.
Natapos ang agahan at bumalik na ang lahat sa kung anuman ang ginagawa nila.
Tumayo ako nagsimulang maglakad. Iniwan ko sa mesa si Meco (Meraculous). Baka mamaya pa 'yon matapos. Alam niyo ang salitang masiba? Higit pa siya do'n.
"Vaximo, sandali!"
Tumalikod ako at nakita ko si Ivone.
"Why?"
"Ahmm... Sabay na tayo lumabas mamaya..." Nahihiyang sabi niya.
"Huh? Ah. Sure."
"Sige... Bye!" Naka-kagat labi siyang tumalikod at naglakad.
What's your freaking problem, Ivone? I'm confused.
Tumalikod na din ako at nagsimulang maglakad patungo sa shooting room.
Matagal na din akong hindi nakakahawak ng baril.
It gives me an unfamiliar feeling as I entered the room. Air-conditioned ang kuwartong ito. It's also exclusive. Tanging ako lamang ang maaaring pumasok sa kuwartong ito.
I'm the Prince of this Kingdom. But I don't consider my self as one. Dahil ipinararamdam sa akin ng sarili kong ama na parang hindi niya ako tunay na anak.
Nakikihalubilo ako sa iba without minding my position in this Kingdom.
They respect me? Yes, of course.
Hindi naman importante ang posisyon sa bandang huli. Dahil pare-parehas lang naman kaming mga bampira. Pare-parehas lamang kaming sumisipsip ng dugo ng iba. At pare-parehas lang din kaming mamamatay ng bampira pa rin.
Isinuot ko ang headphones at pinulot ang baril. My target is three meters away from me.
I hold the gun with posture saka ko ito ikinasa.
*Bang*
Basic.
Natamaan ko ang target. I have an ability to zoom in or out my sight, tho. Hahaha.
Tawagin niyo ng pandaraya pero kaya mo bang i-zoom in or out ang paningin mo? No. Only Vaximo Vascos can do that.
May apat pang natitirang target. At lahat ay natamaan ko. Told you. Only Vaximo.
----
Author's Note:Ano? Na-impress din ba kayo sa kayabangan ni Vaximo? Same here lol.
I wanna know your reaction. Comment pleaseee.
See u on the next chap! Thank u.
-SpinningGemini
