Chapter 1

65 0 0
                                    

"Oh, guys papicture muna tayo!"

Masayang aya ko sa kanila, si mama ay nasa tabi ni papa at katabi ko naman si jacob sa harapan, habang ang iba naman ay nasa kanya kanyang pwesto. Nandito kami ngayon sa harapan ng Coffee Club, maya maya lang ay nagsalita na ang photographer.

"1, 2, 3 smile" nakangiting wika niya. Isang formal, sunod naman ay wacky at ang huli ay 'yong hawak ni jacob ang ribbon at gunting naman ang sakin.

Pagkatapos mapicturan ay tinuloy ko na ang paggupit ng ribbon at masayang nagpalakpakan ang lahat, marami ring nag congratulate saamin pati na rin ang relatives namin at iba pang crew sa shop.

Pagkapasok ko ay manghang mangha ako nang makita ang loob nito. Sa right side ay mga maliliit na round wood tables at sa ibabaw nito ay mga fake roses. The chairs are customized heart-shaped partnered to the wall paintings. May mga mukha ng kilalang tao at ibat ibang uri ng bulaklak pero black, white at gray lamang ang kulay ng mga ito.

Base sa narinig ko sa mga magulang ko ay Brazillian theme daw tong Coffee Club. Naglakad pa ako nang kaunti at oh, mayroon ding mga bookshelf sa may bandang left side at sa dulo naman ang counter katabi ng restroom. Punong puno ng ilaw ang buong shop. Nakakabusog sa mata.

"WOW" yan nalang ang nasabi ko dahil hindi parin ako maka get over sa ganda ng shop, napakasarap tumambay dito at mukhang masarap din ang mga kape.

Wait, hindi pala ako pwedeng tumambay rito dahil pinangako ko kina mama na tutulong ako sa kanila habang bakasyon pa. Hay, excited nako!

Wala pang ilang oras ay may pumapasok ng customers. Kitang kita ko ang mangha sa kanilang mga mata, well, di ko sila masisisi maganda naman talaga.

Nakapag briefing and orientation naman ako kaya alam ko na ang mga gagawin ko dito sa shop, kailangan ko lang kabisaduhin ang bawat sulok.

Tumulong na akong magserve dahil dumadami na rin ang customers, nagsuot na ako ng apron at kinuha ang pending orders sa countertop.

"That's for table 7" mama said with a smile. She gave me a tray with two caramel macchiato and two blueberry cheesecake.

"Okay, ma" I replied.

Hindi ako nahirapang hanapin iyon dahil may mga numbers naman ang table.

Naglakad na ako patungo roon at nilapag ang order nong lalake. Nakatalikod ito mukhang may hinihintay, dalawa ang order eh.

"Order's settled na p-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pagkaharap nong lalake.

"Hi, Sofi Congrats" ngiting ngiti na sabi niya.

"-po sir" pag papatuloy ko. "Uy! Edward! Nandito ka hehe, uh by the way salamat!" bawi ko then I smiled to him at kinuha na ang tray. Sinenyasan niya akong umupo kaya nagtatakang umupo na lang ako doon.

"Kamusta ka naman sofi? You look beautiful" namamanghang tinignan niya ako pati na ang buong coffee shop. He started sipping on his coffee at tinikman ang cake.

"Ay, ano kaba hindi ka pa ba nasanay? Araw araw naman akong maganda hahaha!" tumatawang biro ko sa kanya.

"Oo, kaya nga sdocjswjxkwmxd" pabulong na sabi nya kaya hindi ko naintindihan.

"Ha? May sinasabi ka?" takang tanong ko sa kanya nang hindi inaalis ang ngiti ko.

"Ah wala, hahaha ang kulit mo talaga" he chuckled. Nagsimula na ulit siyang kumain.

"Oh, para kanino tong isang set ng order mo?" tanong ko sa kaniya at nagulat ako nang ilapit niya yon sakin.

"Sayo nalang, kasi ano.. uh" tumingin siya sa labas saglit at humarap ulit sakin.

Scars Left BehindWhere stories live. Discover now