Pagkauwi namin sa bahay ay nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa, ang sabi ni mama ay nauna na raw umuwi sina Tita Marissa kanina para maagang makapagluto ng pagkain.
Sa tingin ko ay nandyan na ang mga bisita dahil naririnig ko na ang ingay sa labas. Kaya naman pumasok na ko sa loob para tignan kung ano ang maitutulong ko.
"Pasok, pasok po kayo. Pasensiya na at maliit lamang ang bahay namin, pero sa tingin ko ay magkakasya naman tayong lahat dito hahahaha" tumatawang sabi ni papa habang nagsisipasok na ang mga bisita.
Pumasok na din si lexie kasabay si edward at sinenyasan ko sila ng sandali lang, tumango naman ang mga ito at dali daling umupo doon sa sofa.
Pagdating ko ng kusina ay abala sina mama kasama si Tita Marissa sa pagaayos ng mga pagkain.
Kinuha ko ang iba pang mga kailangang dalhin at nang matapos ay nagsiupuan na ang lahat. Siguro ay mahigit labinlima ang tao rito ngayon sa amin.
Pumikit ang lahat nang magsimulang magdasal si papa.
"Mahal na diyos, maraming salamat sa lahat ng dumalo sa salo salong ito, salamat din dahil maayos naming nairaos ang opening ng Coffee Club. Nais ko ring pasalamatan lahat ng tumulong at sumuporta sa amin upang maigawad ang napakahalagang event na ito. Inaasahan ko po na magiging successful ang Coffee Club ngayon at sa mga darating na araw"
nakapikit paring sabi ni papa."Inaalay ko ang dalanging ito sa matamis na pangalan ni hesus" huminto si papa, hinihintay ang lahat at sabay sabay kaming nagsabi ng "Amen".
Pagmulat ko ng mata ay masaya na silang lahat na kumuha ng pagkain at nakita kong papalapit naman si lexie at edward.
"Oh, kumain na kayo ano pang hinihintay niyo?" nakangiting tanong ko sa kanila.
"Ikaw" sabay nilang sagot sakin saka tumawa.
"Hahahahha osige na tara na at kumain na tayo, sayang ang biyaya naku!" Ikinuha ko na sila ng pagkain at kumuha na rin ng sakin.
Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa kung ano anong bagay like family matters, activities ngayong vacation, lovelife and more.
Pansin kong nagsisisuwian na ang mga bisita kaya naman napagpasyahan nalang din nila na umuwi na.
Inihatid ko na sila sa may gate at saka hinarap.
"Uy, pano ka pala uuwi lexie?" nagaalalang tanong ko.
"Uh, I'll drive her home, dont worry" edward assured me, tumango naman ako at ngumiti.
"Ayusin mo ha, baka pagbalik niyan bukas sa shop puro gasgas na ang mukha" natatawang biro ko kay edward.
Tumawa lang ito at umiling.
"Sige na sofi, magkikita naman tayo bukas eh. Nagpaalam na ko kila tita na doon muna ako sa shop nyo habang wala pa akong pinagkakaabalahan" sabi ni lexie sa excited na tono.
"Dapat lang, kasi wala akong kachikahan doon no! Oh sige na umalis na kayong dalawa gabi na!" Sumakay na ang mga ito sa sasakyan ni edward.
Bumukas ang bintana ng driver seat at nakita kong tumango si edward mula roon, si lexie naman ay sumilip din doon at nag flying kiss pa! Natawa na lang ako sa kabaliwan ng babaeng ito.
Pumasok na ko sa loob at tinungo ang kwarto ko.
Naligo na ako at nagbabad sa shower, pagkalabas ay pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower at naglagay ng moisturizer sa mukha.
Hindi ko pwedeng makalimutan to no! Ayoko nang magkatigyawat sa mukha, nakaka pressure!
Pagkatapos ay dali dali akong humiga dahil kailangan ko nang matulog. 7 am dapat ay nasa shop na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/223550485-288-k670709.jpg)
YOU ARE READING
Scars Left Behind
Mistério / SuspenseShe's a tough girl, she knew her life was perfect since the day that man came. Not until an incident happened. Her perfect world fell apart, The man of her dreams she thought would make her live on a fairytale. Left her with a scar.. How will she ge...