Chapter 3

37 0 0
                                    

Paglabas ko ng pintuan ay dumiretso na kaagad ako sa parking. Nandoon na nga si Edward at nakasandal sa kotse niya habang busy sa cellphone. Sinitsitan ko siya para mawala ang atensiyon niya roon.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya. "Uy nandito ka na pala" wika niya.

"Yes, at saan tayo kakain huh?" I asked. Pinagbuksan niya ako ng pinto at iminuwestrang sumakay doon. Umikot naman siya at dali daling sumakay.

"Saan mo ba gusto?" he asked back. Hinihintay ang sagot ko bago paandarin ang sasakyan.

Nagisip naman ako kung saan ko gustong kumain. "Uhmm, doon nalang sa tuhog tuhog kila aling tisay" malawak na ngiting sabi ko sa kaniya.

Nagtataka naman itong tumingin sa akin. "Hindi ka pa ba nagsasawa doon?"

Ngumuso naman ako saka tumawa. "Never, ang sarap kaya ng kwek kwek don lalo na yong sauce"

Natawa naman ito at namamanghang tumingin sakin. "Yeah, same old sofina" he smiled. "Pero gusto kitang dalhin ngayon sa Italian resto, is that okay?" nagaalangang tanong niya.

"Okay lang, hehe" pero labag iyon sa loob ko, ako ang tinanong niya pero siya ang nasunod? minsan hindi ko rin maintindihan ang lalaking to eh, hmp!

"Let's go?" Tumango naman ako kaya pinaandar na niya ang sasakyan.

Wala pang 20 minutes ay nandoon na kami. Bumaba na kami ng sasakyan at saka pumasok.

"Table for two sir?" the girl said, smiling. Sumagot lang si edward ng tango.

Pagkaupo namin ay pinagmasdan ko ang buong restaurant.

Hmm, hindi ko bet ang ganto. Walang kabuhay buhay ang kulay ng walls nila pagtapos ay hinawakan ko ang glass wall. At madumi pa! Tsk, Umiiling iling kong tinignan ang menu.

Napalunok ako sa presyo. "L-lipat nalang tayo doon kila aling ti-" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang umorder na si edward doon sa babae.

Dalawang pasta raw at isang buong pizza! Tinignan ko iyon sa menu at jusko! Dalawa lang kami pero naka isang libo agad siya.

"Huy, ano ka ba ang mahal non! Dapat ay ito nalang tinapay!" Itinuro ko ang pinaka murang tinapay saka pinagkunutan siya ng noo.

"That's okay." he smiled. Mabagal akong tumango saka ngumiti. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bahala siya dahil siya naman ang magbabayad hahaha!

Habang hinihintay namin ang order ay biglang nag vibrate ang phone ko at nakitang may text galing kay lexie.

From Lexie:

Sofi alam mo na, uwian mo ako ng pagkain ha, kung hindi nako malilintikan ka talaga sakin hahahaha btw mag ingat kayo ni bebe edward mo, hindi kami bati niyan dahil hindi ako pinasama hmp!

Natawa naman ako sa sinabi ng babaeng ito. Ano ba sa tingin nya ang namamagitan samin ni edward! Wala naman ah!

Napairap nalang ako sa sarili at palihim na natawa. Tinago ko na ang cellphone ko at baka ano pa ang masabi ko kay lexie.

Nang lumingon ako kay edward ay matamang nakatitig siya sakin habang tumatawa.

"Hoyyy! Anong itinatawa tawa mo dyan?" pinagtaasan ko sya ng kilay. Ngumiti lang ito at bahagyang natawa. Hindi ko na lang siya pinansin.

Ilang minuto pa ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

Infairness, sulit ang presyo nito ah. Tumango tango ako sa sarili.

"Is it good?" tanong ni edward.

"Oo naman, libre eh! Hahahhaa" tumatawang sagot ko. Napailing nalang si edward habang nakangiti.

Scars Left BehindWhere stories live. Discover now