Prologue

91 0 0
                                        

Ang sakit isipin diba? Nariyan ka sa sulok at nagiisa
Kinikimkim ang sakit na nararamdaman mo dahil sa kanya
Pilit pinupulot sa sahig ang mga bahagi ng aking pagkatao
Sinasabi sa sarili na tapusin na lamang ang buhay na pilit kong binubuo..

"Ugh! I'm not really satisfied" inis na sinara ko ang laptop ko at nilapag sa side table. Nauubos na ang pasensya ko sa tula na 'to, hindi gumagana ang utak ko ng maayos. I usually write poems kapag nasa mood ako, simply because I find it comforting, pero parang hindi nagfafunction ang writing skills ko ngayon.

Pasalampak akong humiga sa kama ko and left out a sigh. It was a tiring day.

Ayokong magisip masyado, baka makaapekto sa studies ko and I don't want that. I don't want to stress my parents with my own problems. Napabuntong hininga ulit ako sa naisip.

"Really? How can he do that to me? All this time, he had that ugh fuck! erase erase!" marahang tinapik tapik ko ang ulo ko dahil para akong nasiraan ng ulo na kinakausap ang sarili. I should not think of that again. It's been 3 months already, should I follow the three month rule? I laughed at my own thought. Omg i'm getting crazy.

Pass 12 midnight na and i'm really sleepy, i'll just continue my poem when I have time.

Kinabukasan, nagising ako sa alarm clock ko ng alas singko then I headed straight to the bathroom.

Pagkalabas ko ay kumuha na ako ng damit sa maliit na wardrobe ko at nagbihis na. I'm just wearing a high waisted black pants partnered with a simple white chiffon blouse, sinuot ko na ang gray flat shoes ko and reached for my brown sling bag, nasa taas kasi 'yon.

Dumiretso na ako sa kusina at nakita kong naghahanda na ng pagkain si papa.

"Goodmorning, sofi anak" nakangiting sabi ni papa habang nilalapag ang mga niluto niyang ulam at naupo sa tapat ko.

"Morning pa, nasaan si mama?" takang tanong ko dahil walang ibang tao rito, usually si mama ang nagpeprepare ng breakfast for me.

"Maagang umalis dahil sya ang nagbukas ng Coffee Club" I nodded, then we started eating.

"Dinig ko ay first day niyo raw? tumango ulit ako. "Eh bakit parang hindi ka naman masaya?" huminto sya saglit sa pagkain, waiting for my answer.

"Yes pa, u-uhm, excited po ako mukha lang hindi hahaha" I faked a laugh.

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni papa.

"Excited talaga ako papa" tumatango tango ko pang pangungumbinsi. "I want to meet new friends ofcourse pero i'm uh well I think i'll e-enjoy" nauutal na sabi ko, nakatuon lang ang mata ko sa pagkaing nasa harap ko at hindi makapagsalita ng maayos.

Sa tingin ko ay nakumbinsi ko naman si papa. Hindi na nangulit eh, pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang sling bag ko at akmang aalis na nang tawagin ako ni papa.

"Sofina anak, what's wrong? Would you mind saying it to me? alam kong may problema ka, nandito lang ako, handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo" seryoso ang mukha ni papa pero nakikita ko ang pagaalala roon.

"Oh, nothing's wrong with me pa just don't mind me i'm really okay" nakangiting sabi ko, I assured him with my smile and he smiled back.

Pinuntahan nya ako sa pintuan at hinawakan sa magkabilang balikat.

"You're a strong and brave woman, sofi. At alam kong hindi mo ako bibiguin sa pagtupad ng pangarap mo. I will always be here for you habang malakas at nakakalakad pa ko. I love you anak" maluha luhang sabi ni papa, ngumiti lamang ako at niyakap siya.

Scars Left BehindWhere stories live. Discover now