Ayanna POV
"Good morning class."
Andito na pala yung professor namin kaya nakinig nalang ako pero parang wala akong maintindihan. Sila Lazier nga pala ay di ko classmate pag Wednesday kaya wala sila dito.
"Bla bla bla bla bla... bla bla bla...bla bla bla bla..."
Arghh wala talaga akong maintindihan. Huhu distraction kasi tong lalaking to eh.
Naghintay nalang ako na matapos ang klase at inisip nalang ang mga kakainin ko mamayang lunch. Hihi.
"Class dismissed." Yes! After so many hours ay natapos na din.
Napagawi kay Ken ang atensyon ko. Halla, isasama ko kaya to o hindi?
Aish bahala na nga! Tinulungan naman niya ako eh.
"Hmm tara sa canteen," sabi ko sa kaniya at tumayo na saka nag lakad.
Napabuntong hininga naman ako nang sumusunod siya sakin. Woohh. Ang akala ko susuntukin niya ako.
Pag dating namin sa canteen ay hinanap ko kung nasan sila Lazier at hindi naman ako nabigo. Agad akong nag lakad papunta sa direksiyon nila ngunit nag taka ako nang nakakunot ang mga noo nila.
"Hi guys! Si Ken nga pala. Tinulungan niya ako kanina kaya nakipag kaibigan na ako. Hehe," sabi ko sa kanila.
"Ah ganun ba? Hehe. Sige upo na k-kayo." Ewan ko ba pero alam kong may mali eh. Parang nauutal kasi si Levo eh. Hmpf bahala na sila hahaha.
Umupo naman ako sa tabi ni Lazier at sa kaliwa ko naman ay si Ken.
"Drew nga pala."
"Levo nalang."
"Ace tol."
"Lazier."
Tumango naman si Ken sa kanila. Uh-oh sino kayang mas cold? Lazier or Ken? I bet si Ken. Haysss.
Nagning-ning naman ang mga mata ko nang dumating na yung waitress.
"What's your ord--" hindi ko na to pinatapos.
"Chicken with rice, spaghetti, coke float, ice cream, lasagna, small salad and fries," order ko na ikinabigla nila.
"Ang takaw naman hahaha!!" natatawang sambit ni Drew.
"Che! Tatawa-tawa ka diyan. Ikaw kaya mag babayad neto hahaha," balik sagot ko naman na ikinatigil niya.
Mukhang mag rereact pa sana ito pero ewan ko kung bakit di niya tinuloy. Ah?
Sa halip sinabi nalang nila yung mga order nila. Pag katapos ay nag hintay nalang kami.
"Here's your order."
Agad ko namang nilantakan ang pagkain ko at di ko na sila pinansin. Subo lang ako ng subo pero bigla akong nabilaukan.
"A-ahem!!" ubo ko. Kelangan ko ng maiinom!
"Tubig/Juice." halos mag kasabay na banggit ni Ken at Lazier. Mag kasabay din nilang inabot sakin ang tubig at juice.
Ohh myy! Anong kukunin ko? Yung kay Ken or Lazier??
Wahhh gusto ko na talagang uminom. Anong kukunin ko?
Hayys. Kinuha ko nalang yung dalawa at inuna ko yung tubig na bigay ni Ken saka ko isinunod ang juice na bigay din ni Lazier.
"Awww. Antakaw mo kasi eh hahaha." tila nang aasar pang sabi sakin ni Ace.
Inirapan ko lang ito at ibinaba ang dalawang baso.
YOU ARE READING
THE BAD BOY BUT GOOD TO HER
Short Story[ PROLOGUE ] "F*ck this life!" He cursed. . . "Thank you po," she sweetly said. . . "Do you want to die?!" pananakot niya. . . "I'm very sorry," pag hingi niya ng paumanhin. . . Could these two people fall in love with each other? . . He's Bad. . ...