"PUNTA TAYONG GAME ZONE!!!" sigaw ni Ayanna kaya napailing nalang ako.
Hahaha ang kulit niya talaga. Di ko ma-imagine na ang isang ... ahh wala.
Anyways sinundan nalang namin siya dahil nangunguna naman siya sa paglalakad at halos pag takbo na pala dahil sa bilis niya. Excited eh.
"Levo, Drew, Ace at Lazier! Basketball tayo," sabi ni Ayanna.
Yeah! Magaling kami diyan hahaha.
"Mali ata ang kinalaban mo." sambit ni Lazier. Tskk hahaha.
Nagulat ako at halos di makakilos sa sinabi ni Ayanna.
"No one can defeat me," malamig na saad nito.
W-what the?? Bumalik na ba ang ala-ala niya??
"PFTT BWAHAHAHAHA tara na nga! Laro na tayo." napahinga kami ng malalim dahil sa sinabi nito. It means wala parin ang memories niya. Shit natakot kami dun ah! Pati si Lazier alam kong natakot din siya.
Nag simula na nga kaming mag laro ng basketball. Paramihan lang kami ng shoot dito sa game zone.
"WOHHH!! PANALO AKO HAHAHA" halos sigaw ni Ayanna.
Oo na. Panalo na siya. Second si Ace, third ako, fourth si Lazier at last si Drew.
"Edi ikaw na!" may inis sa tono na saad ni Lazier.
"Sows parang kanina lang nag yayabang ka hahaha." Ayanna.
Tumingin ako kay Drew na naka pout ngayon dahil siya ang kulelat.
"Drew libre mo kami sa jollibee. Ikaw kasi kulelat blehh!!" utos ni Ayanna na hindi naman matanggihan ni Drew dahil nag death glare si Ace sa kaniya.
"Sige na nga. Ampf," sagot ni Drew kaya nag lakad na kami palabas ng gamezone at dumiretso sa jollibee. I guess this is our dinner. 6:30 pm narin naman kasi.
•••
AYANNA'S POVKumakain kami ngayon dito sa jollibee. Actually ako nalang dahil tapos na sila. Ang konti naman kasi ng in-order nila eh.
"Ang takaw mo pala Ayanna hahaha," patawa-tawang sabi ni Drew.
Ngumiti lang ako ng onti dahil puno pa ng pag kain yung bunganga ko hihi.
"Tsk bakit di ka tumataba?" tanong ni Lazier.
Nilunok ko ng pilit yung kinakain ko.
"Hahaha. Sexy kasi ako," sagot ko nalang at inubos na yung juice na hawak ko.
"Ang hangin din eh wahahaha." Levo. Nag kibit balikat lang ako at tumayo.
"Uwi na tayo. Hatid niyo ako hehehe," nahihiya kong sabi.
"Sige tara na," sagot ni Ace kaya naman tumayo narin sila.
Nag lakad na kami papuntang parking lot at pumasok sa kotse ni Lazier.
Nagdrive naman ito habang nag kwe-kwentuhan lang kami nila Drew. Alam na kasi ni Lazier yung bahay ko dahil sinabi ko ito kanina.
"Ayanna sino ba ang mga kasama mo sa bahay niyo?" halos gusto nilang malaman ang sagot ko dahil sa natahimik sila. Hmm mapagtripan nga tong mga to hahaha.
"Yung lola ko pero matagal na siyang patay at minumulto niya ako sa bahay." wala agad naka pag react. Tahimik pa rin sila at parang nag dadalawang isip kung paniniwalaan ba ako o hindi. Pftt hahahaha.
"Ano ba kayo! Hahaha. Nag bibiro lang ako noh. Sila Mommy at Daddy ang kasama ko." tamang sagot ko.
Agad silang napa poker face sa sinabi ko.
"Ibang klase tsk," komento ni Lazier at tinuon ulit ang atensiyon sa daan.
"Joker ka na Ayanna haha," may pilit sa tawa ni Ace. Hohoho ako ang nag wagi.
"Itigil niyo na yan. Andito na tayo," banggit ni Lazier kaya napahinto na kami. Lumabas ako kaagad ng kotse nila ganun din naman sila.
"Thank you. Pasok kayo?" aniya ko.
"Nope. Next time na lang," sagot ni Levo at ngumiti. Uh-oh ang gwapo pala talaga nilang apat hahaha.
"Okay! Good night," huling nasabi ko at pumasok na sa bahay namin. I mean mansyon dahil sa sobrang laki.
•••
Nag lalakad na ako ulit dito sa hall way. Medyo maaga ako kaya wala pa dito sila Lazier.
"Look who's here."
Napahinto ako sa pag lalakad at nakita ko sa harapan ko ang tatlong babae na ang kakapal ng make up.
They are Jey, Gina and Ashley. Lagi nila akong binubully pag may naagaw ako sa kanila pero siyempre hindi ako papatalo noh.
"The bitch and mang aagaw is here. Right Ashley?"
"Yeah right!"
Dadaanan ko na sana sila pero may humila sa buhok ko. Ouch!
"Huwag mo kaming tatalikuran pag kausap ka pa namin!" sigaw ni Gina.
Hinila niya agad ang buhok ko pero hinawakan ko ang kamay niya at marahas na tinanggal sa buhok ko. Ugh their pissing me off!
"Ouch!" maarteng saad ni Gina. Sasampalin naman na sana ako ni Ashley pero handa na ang mga kamay kong sumapo nun.
Nagulat nalang ako nang may biglang sumampal dito.
"WHAT THE H-- argh! Girls lets go." kahit naiinis si Ashley ay may nakita akong takot sa mga mata niya. But why?
Agad na nagsi-alisan ang mga taong nanonood at sila Ashley.
Napatingin tuloy ako sa babaeng sumam--- w-wait? Lalaki siya?!
Napakurap pa ako ng ilang beses para ma-sure kung lalaki ba talaga yung nanampal kay Ashley. But my god! Lalaki nga.
"B-bat m-mo g-gi-n-nawa y-yun?" may takot man ay tinanong ko parin ito. Mahirap na kung maging bastos ako. Pati babae pinapatulan eh.
"Stupid. I just saved you," malamig na sagot nito. Auh mas malamig pa ata siya kay Lazier. Wahhhhh!!! Huhuhuhu.
"Ahmm..." tanging nasabi ko dahil wala akong maisip na sasabihin.
Tatalikod na sana ako sa kaniya pero napatigil din ako.
"I'm Ken. And you're Ayanna. Sabay na tayong pumasok."
OH MY G! KILALA NIYA AKO?!
Hindi parin ako makapag salita dahil nasa state of shock parin ako. Hindi ko tuloy namalayan na nasa room na kami at tumabi ito sakin. Ang dami na ngang nag bubulungan eh.
"Bat kasama niya si Ken?"
"Hindi ba siya natatakot?"
Wahhhh!!! Kung alam lang nila. Kanina pa ako natatakot dito noh.
"Don't mind them," bulong sakin ni Ken.
Hindi ko parin siya kinakausap at hinaharap. Ewan ko ba! Nahihiya ako eh.
"Ugh. Okay I just know you because you're famous. I am transferee here since yesterday," sabi pa nito. Okay fine. Mag sasalita na din ako.
"Auh. Okay. Thanks." tipid na sagot ko at nginitian siya.
Halatang nagulat siya ng onti pero binalewala ko nalang yun. Bat ba maraming nagugulat pag ngumingiti ako? Maganda ba talaga ako? Hahaha.
YOU ARE READING
THE BAD BOY BUT GOOD TO HER
Historia Corta[ PROLOGUE ] "F*ck this life!" He cursed. . . "Thank you po," she sweetly said. . . "Do you want to die?!" pananakot niya. . . "I'm very sorry," pag hingi niya ng paumanhin. . . Could these two people fall in love with each other? . . He's Bad. . ...