02

1K 29 24
                                    

02

Sister-In-Law

"Oh? Anyare sa'yo?"

Wala sa sarili akong bumalik sa table namin. Not even minding what Zenith said. Nakatunganga ako habang nakatitig sa lamesa at naka-upo.

I still can't get over that conversation from that boy. Should I call him boy or man? Tingin ko nga mas matanda siya sa akin. I still can't believe na naka-usap ko siya. At isa pa, ginulo niya ang buhok ko! I should be angry, I hate it when people touch my hair. Pero wala akong nagawa, I liked it though.

Wala sa sariling hinaplos ko ang buhok ko. I can see from my peripheral vision that Zenith is eyeing me. Nawe-weirduhan sa ginagawa ko.

"Shuta sis, anyare d'yan? Nanggaling lang sa CR naging ganyan na." I heard her said.

Natawa naman sina Yukina at Akami. Pero hindi ko sila pinansin. I feel so happy. Ako na ata ang pinaka-maswerte sa crush. Imagine, kanina ko lang dineclare na crush ko siya, tapos ngayon may interaction na?

Hindi naman ako normal na malandi, pero iba 'to! I can feel the rush. Charot.

"Sis, ano na? Gulo ng buhok mo ah." Sabi pa ni Zenith. She even snapped her finger infront of me.

Nang makabalik sa realidad ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag ka ngang epal," sumimangot ako.

"Bakit gaga?" She laughed.

I rolled my eyes. Kung hindi ko lang kaibigan ito! Minsan nga, madala siya sa bukid para ibaon doon. Dagdag na lang siya sa growth ng kalikasan. Para naman may matulong siya kahit papaano. Kaso baka mamatay naman ang mga tubo kaya 'wag na lang.

"'Yan yung itsura ng naka-score," ngumisi si Akami. "First base o second base?"

Nanlalaki ang mga mata ko ng nilingon ko siya. This girl is so blunt when it comes to dirty stuff! Ganoon ba siya ka-hilig sa mga ganon? Nakita kong binatukan na naman siya ni Yukina.

"Shuta Yukina, kanina ka pa nang-babatok!"

"You speak so bluntly about dirty stuff! Hindi sanay sina Meria sa mga malalanding tulad mo," Humalukipkip si Yukina. "Rendahan mo naman bibig mo."

Sumimangot si Akami. Napangiwi ako bago ngumiti.

"Ah.. okay lang naman," sabat ko.

Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Akami sa sinabi ko. "See? See? Okay lang daw!" Sabay higit sa braso ni Yukina.

"Tss, stop being nice to her Meria. Kung hindi ka sanay, tell her to shut her noisy mouth."

Lalo akong napa-ngiwi. They're really bestfriends, huh? Hindi halata. Kung hindi ko alam na bestfriend sila ay baka isipin kong mortal na magka-away ang dalawa. Good thing Zenith told me earlier.

"You're so mean to me Yukina..." Akami pouted.

"I'm just guarding you. Kung hindi ko gagawin 'to, baka mamaya kung ano na mangyari sa'yo." Umirap si Yukina tsaka uminom ng juice na sinalin ata ng waiter kanina.

"I know..." yumuko si Akami na 'tila ba nahihiya. "Thank you," she whispered.

Parehas kaming nagka-tinginan ni Zenith at tumango. We both smiled. Si Yukina naman ay binalingan ulit ang nahihiyang si Akami. Ginulo niya ang buhok nito.

"I know your thankful. Do things that'll make you happy but, be aware of your limits."

Tumango-tango si Akami. Pagkatapos 'non, kumain na rin kami. It was a buffet! Habang ngumunguya ng pagkain ay halos mabilaukan ako ng maalala na wala kaming regalo sa birthday celebrant tapos nakikain pa kami!

Loose Chains (Isla del Tesoro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon