31

572 13 4
                                    

31

I Definitely Will

Since then, nahilig na kami ni Zennon na palaging kumain magkasama. Well, we were practically dating already. Noong una ay sinabi ko na kahit sa shop ko nalang kami kumain lagi para tipid, ngunit umayaw siya.

Bakit niya daw ako titipirin kung kaya niyang bumili ng isang restaurant para sa akin.

Damn confidence! Sana all mayaman.

"What the heck? Buti nalang at hindi ka pumayag! Ang cheap 'non Zennon. Date niyo ng bebe mo sa mismong shop niya? Para makatipid?! Gusto mong itakwil kita?" Keagan hysterically voiced out nang malaman ang nais ko.

Zennon flicked a finger on Keagan's forehead, making my bestfriend shut his noisy mouth.

"Shut up, hindi nga ako pumayag diba? At bakit ka ba sumasapaw? Kasali ka ba sa relasyon namin?" Masungit na sabi ni Zennon. "Also, ayos lang na itakwil mo ako. Mawawalan nang makulit na bestfriend si Meria."

"You were so nice dati!" Dinuro siya ni Keagan. Umaaktong parang bata na inaway. "Dahil lang kay Meria, Zennon? Am I not enough? Kapalit-palit ba ako?"

Naiinis na binatuhan siya ni Zennon ng kutsara. "Shut it Juarez! Kalalaki mong tao!"

Keagan pouted and groaned. "Sungit ampo!"

Natawa ako sa kanilang dalawa. Nandito kami ngayon sa shop ko. Nakaupo kaming dalawa ni Zennon sa isang lamesa, at itong si Keagan naman nakikisali.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Bakit ka nanggugulo dito?" I asked him.

"Wow ha!" Dinuro niya kami ni Zennon. "Kayong couple, lagi niyo ako inaaway! Tandaan mo Meria, ako ang nand'yan sa tabi mo noong mga panahon na wala—"

Before Keagan could finish talking, sinubo na sa kaniya ni Zennon ang isang croissant. Muntikan pa tuloy mabilaukan si Keagan.

"Oh my gosh!" Hinampas ko si Zennon sa braso, he shrugged at inosente akong tinignan. "Why did you do that? Ayos ka lang ba Keagan—"

Nang lingunin ko ang kaibigan ay nginunguya na niya ang croissant na pampatahimik ni Zennon kanina.

"Tss! See?! Alis na nga ako!" He marched away from us. Nakita ko siyang umupo sa isa pang lamesa.

Tss, makiki-wifi na naman.

Naputol ang atensiyon ko kay Keagan nang magsalita si Zennon.

"He really kept you company when I wasn't beside you?" He asked.

Tumango ako. "He's one of the reasons kung bakit narating ko 'to. Kahit ganyan siya..." I laughed.

Zennon pursed his lips and looked at Keagan. "I'm really thankful to him. But..." He glanced at me. "Don't tell him that. Baka lumaki ang ulo at magyabang."

As if on cue, paglingon ulit namin kay Keagan ay nakatingin ito sa amin. Nanliliit ang mga mata.

"Hey! Pinag-uusapan niyo ako 'no? Kinikilabutan ako dito!" He shivered.

Natawa ako at nilingon si Zennon na nakakunot ang noo.

"Sensitive makaramdam 'yan. Lalo na kapag pinag-uusapan siya, kinikilabutan. Ang lakas makiramdam." I laughed.

Zennon smiled at me. "Such a weirdo."

"Stop talking behind my back!" Keagan hissed.

Sabay kaming natawa ni Zennon. My bestfriend and his cousin is such a weirdo.

A good weirdo.

"Well then, sure ka na ba sa motif? The same color of the gown you wore back then?" Zennon asked me. Pang-apat na beses na ngayong araw!

Loose Chains (Isla del Tesoro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon