Tula 1

8 0 0
                                    


Hindi na ako ang taong kakilala mo

Binago ako ng tadhana,
Binago ako ng karanasan,
Binago ako ng mga pangyayari,
Binago mo ako.

Binigay ang lahat ng pagmamahal,
Hindi alam kung saan nag kulang,
Hindi rin alam kung sumobra ba,
Ngunit ang alam ko ay minahal kita.

Ginawa ang lahat upang ikaw ay mapasaya,
Ginawa ang lahat kahit na mag mukhang tanga sa mata ng iba,
Kinalimutan ang kahihiyan mapasaya ka lang,
Iniwan ang hilig maalagaan ka lang.

Ngunit hindi ko alam kung papaanong lumabas ang mga salita sa iyong bibig,
Salitang naging dahilan ng pag durog ng aking puso,
Salitang naging dahilan ng pag guho ng aking mundo.
Ang salitang "sawa na ako".

Tinanong kung bakit ngunit isang kibit balikat ang sinagot,
Niyakap ng mahigpit na nagbabakasakaling sa init nito ay magbago ang iyong isip,
Lumuhod ako at nag makaawa,
Sabay ng pag luha na kala mo ay makakabuo ng isang pulang lawa.

Nalamang may iba ng minamahal,
Hindi inakalang iyong magagawa,
Ang lokohin ang taong walang ginawa kundi sa iyo ay mag alaga,
Umasang ako ay iyong pipiliin ngunit ako ay hindi pinili.

Naging pariwara sa buhay,
Nagbisyo at hindi inalagaan ang sarili,
Ginamit itong daan upang ikaw ay kalimutan,
Kahit pa kalusugan ko ang nakalaan.

Lumipas ang isang taon,
napagtanto ko na naging tanga ako,
Binigay ko ang lahat sa taong niloko ako ,
Binigay ko ang lahat ngunit sa huli ay sinaktan ako.

Bumalik ka na may halong pag sisisi sa iyong mukha,
Niyakap mo ako at sabay nito ang pag patak ng mga luha mo,
Inakala mong ako ay babalik pa sayo,
Ngunit pitong salita lang ang nasabi ko.

"Hindi na ako ang taong kakilala mo"

-Bryan

BASAWhere stories live. Discover now