Tula 3

4 0 0
                                    

Sulat

Tila ba napaka hirap intindi ng iyong mga sulat,
Mga sulat na iyong ibinigay bago ka lumisan.
Kami ay iyong iniwan ,
Hinanap ka namin ngunit wala ng buhay nang nadatnan.

Akin ngayong binabasa ang iyong mga sulat,
Sulat na inakala ko ay walang halaga.
Iniwan kita dahil ako ay nahihirapan at napapagod na,
Pero oo , mahal pa rin kita kahit wala ka na.

Nahihirapan akong mag basa hindi dahil sa hindi ko kaya,
Nahihirapan akong mag basa dahil akin itong ipinipilit,
Ipinipilit na pag tagpi-tagpiin ang iyong isinulat na aking pinunit,
At ipinilit na intindihin ang mga sulat na kulang-kulang dahil may punit.

Ngayon ko lang napagtanto ,
Mahirap palang basahin ang tagpi-tagping sulat ,
Ngayon ko lang rin nalaman na mahalaga pala ang iyong mga isinulat,
Mga nakasulat sa papel na aking ikinagulat.

Nagsimula sa "Mahal kong Hanngene" ,
Tila ba ako ay kinilig ng may halong pagsi-sisi,
Pagsi-sisi dahil hindi ko agad binasa ang iyong sulat,
Sulat na hindi ko inakalang nagdadala ng iyong buhay.

"Kung nababasa mo man ito lagi mong tatandaan na mahal kita",
"Mag-iingat ka palagi mahal ko",
"Alagaan mo sarili mo gaya ng pag-aalaga ko sa iyo",
Mga salitang nakalagay sa iyong sulat na nag tapos sa salitang "paalam mahal ko".

Kung binasa ko lang sana ng maaga ang iyong sulat,
Kung binigyang halaga ko lang sana ang iyong ibinigay,
Kung hindi ko nalang sana pinunit ang iyong sulat,
Ikaw sana ay kapiling ko pa.

Naging sarado ang aking isip,
Nabulag ako ng galit,
Naging sarado ang aking puso dahil sa lungkot,
At ngayon, bitbit ko na ang pagsi-sisi.

-Bryan

BASAWhere stories live. Discover now