Tula 2

6 0 0
                                    


Patawad

Malaking pagkakamali ay aking pinagsisisihan,
Katangahang ginawa ay hindi alam kung bakit naisipan,
Naisipang gawin na maaaring maging dahilan ng ating hiwalayan,
Hiwalayan kung saan masasayang ang ating mga pinagsamahan.

Tumayo sa sariling paa kahit na nahihirapan,
Lumabang mag-isa dahil wala na ang kakapitan,
Lumisan ka dahil sa aking kasalanan,
Kasalanang ngayon ay akin ng pinagsisisihan.

Dalawang taong pag sasama ay nawala nalang ng parang bula,
Mga memorya nating ginawa ay iniwan na lamang sa mga tala,
Tala na siyang naging saksi sa ating iyakan , tawanan at pagmamahalan.
Sama pa ang mga ibong nag kakantahan habang tayo ay nag mamahalan.

Kasalan ko ang ating pag-aaway,
Humanap ng iba na tila ba kulang ang iyong mga pag sasakripisyo,
Hindi ko naman inakala na hahantong pala ito sa ganito.
Ngayon ako ay nagsisisi at may napagtanto.

Mali pala ang ginawa ko,
Mahal ko pa pala ang taong sinaktan ko,
Sinaktan ko ang taong gumagawa ng paraan mapasaya lang ako,
Taong walang alam kundi ang mahalin ang isang tangang kagaya ko.

Nag-iisa ako ngayon sa kwarto habang inaaalala ang mga memorya,
Memoryang hindi mabura-bura dahil ito ay naka tatak na sa mga tala.
Sinubukang sayo ay humingi ng tawad ngunit huli na,
Huli na dahil may kapiling ka ng iba.

-Byan

BASAWhere stories live. Discover now