03

214 89 57
                                    

Umuwi ako ng bahay matapos ang araw na magkita kami ni Mr. Hoodie. Nangingiti ako sa loob ng jeep habang binabalikan ang mga nangyare nung araw na 'yon. Pero kapag naiisip ko naman na naging banana cue seller ako ay nadidismaya ako. Napahiya ako ng araw na 'yon sa totoo lang pero siguro nga talaga, ganun ang lagi kong ganap kapag ipinagpatuloy ko ang pangungulit sa kanya.



Ang mapahiya!



Last time kase, nakita ko si Mr. Hoodie dun sa Freedom park. Mag isa sya dun at halata sa kanya na may hinihintay. Kaya ng aksidente nya akong nahagip ng tingin ay abot-abot langit ang ngiti ko na para bang matagal kaming hindi nag kita. Bigla kong naramdaman ang pangungulila sa kanya ng tignan nya ako. Nakakatuwa lang dahil imbes na ngiti rin ang isukli nya sa'kin ay inisnaban nya lang ako na para bang naiinis na sa'kin.



Tapos kahapon, nakasabay ko syang pumasok sa gate ng school. Akala ko hindi nya ako nakita dahil diretso lang ang ginawa nyang pagpasok na akala mo'y sya lang ang tao sa mundo. Ni hindi nya ako napansin na nasa gilid nya lang ako. Nakangiti na parang aso. Kinamusta ko sya no'n at tinanong ang pangalan pero tinignan lang nya ako at iniwasan. Naglakad ng mabilis palayo sa'kin.


Nakakainis lang dahil napapahiya ako sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Kahit pa tingin o isnab lang ang ginagawa nya sa'kin ay hindi ko parin maiwasang maramdamang magmukang ewan sa harap nya.


Ikaw ba naman maging hangin e. Ano sa tingin nya ang gagawin ko kung titignan lang nya ako na para bang ako na ang babae sa balat ng lupa ang walang kapaguran at hindi magtigil sa ginagawang ka-epalan? Syempre magpapatuloy! Pangalan pa nga lang nya ang hinihingi ko ay hindi pa nya masabi-sabi e. Pa'no ako titigil?




"Ms. Valeria. Can you collect those papers? Pakiayos ang papel at pakihabol sa office ko. Thank you." Pakikiusap ni Mr. Ruiz sa'kin. Prof namin sa statistic bago lumabas ng room.



"Okay po, sir."



I collected those papers and arranged them alphabetically. Nang matapos ay sinama ko si Kiara para ihabol kay sir ang mga papel. Absent si Zane ngayong araw dahil nag aalaga sya ng kapatid nya na may sakit. Kaya dalawa lang kami ni Kiarang kakain sa cafeteria ngayon.



"Walang tao. Ilapag mo nalang d'yan sa lamesa ni sir, Elodie. Malapit na second sub natin baka malate tayo." Si Kiara.



Inilapag ko nga ang dalang mga papel sa lamesa at ipinatong duon ang malaking karton para hindi liparin ng hangin. Nang buksan ko ang pinto para sana lumabas ay laking gulat ko ng makita si Mr. Hoodie dala ang mga yellow papers na siguro'y ilalapag din sa lamesa.


Kulay gray ang suot nitong hoodie ngayong araw at ang buhok naman nito ay magulo ang pagkakaayos. Kulay itim ang mga 'yon at medyo kulot. Ang kilay naman nya'y hindi ganoon kanipis, hindi rin ganoon kakapal. Ang mga mata nya. . .hindi ko gaano makita dahil sa tuwing titignan ko 'yun ay napapaiwas agad ito ng tingin. Hindi ko malaman kung ano bang kulay ng mga mata nya dahil hindi ko magawang matignan yun ng malapitan. Ang ilong naman nya ay maliit at matangos. Ang labi ay manipis rin na akala mo'y laging umiinom ng tubig dahil sa basa at makintab na itsura noon.



"H-hello!" bati ko sa lalaking mabilis nag-iwas ng tingin.



Agad akong napakagat labi ng lakas loob ko itong nagawang tignan sa kabuuang muka kahit pa masyado kaming malayo sa isa't-isa. Matapos nun ay napatingin ako sa sahig ng faculty na 'to dahil sa hindi maiwasang pag-ngiti. Ginagawan talaga ng may kapal ang pagkikita nating dalawa, my hoodie boy.



"Hello!" Sambit ko ulit dahil mukang wala itong narinig.


Itinaas ko ng mariin ang kanang kamay ko para kumaway sa lalaki pero imbis na pansinin ako ay umatras lang ito ng lakad hudyat na kailangan na naming lumabas ng pinto para makapasok na ito sa loob.



Sleeping While The World's Awake.Where stories live. Discover now