"You're not allowed to go to that party, Elodie. Maraming pwedeng mangyare sa'yo sa labas kapag sinuway mo 'ko, anak. Please, Darling? 'Wag kang umalis. . . Dumito ka na muna sa bahay natin. Huh?"My mother's voice seemed to hold back anger as she worried about what I might do this afternoon.
Napag usapan na namin ang pagdalo ko sa Freshmen party nitong nagdaang limang araw ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin mapasang ayon ang mama ko.
She still worried about me—about what I might do at the party. Pero kahit anong pagpapakalma ang gawin ko sa kanya ay hindi nya parin magawang kumalma dahil sa pag-aalala sa'kin.
I took a deep breath and rolled my eyes in emptiness. Naibagsak ko tuloy ang kaninang masigla kong balikat dahil sa hindi ulit pagpayag ni mommy sa'kin.
"What if I let you leave and suddenly something bad happens to you? Anak naman, ayokong magkatotoo ang panaginip ko tungkol sa'yo—sa party na dadaluhan mo. Dumito ka at—"
"Mom calm down, okay?" Pagputol ko sa pag-aalala nito. Napakamot tuloy ako sa ulo dahil sa inis. "Nothing will happen to me at the party, mom. I will make sure of that. At tsaka, nandun po sila Zane at Kiara. They will take care of me there, hmn?"
Naisuklay ko sa buhok ni mommy ang mahaba kong daliri kasabay ang pag ngiti ko na sinuklian naman nya ng pag irap sa akin.
"NO!" she suddenly shouted.
"But mom,"
"I said no, Elodie! 'Wag ka na sanang makulit pa!"
Natahimik ako ng saglit ng marinig ulit ang pagsigaw ni mommy sa'kin. Tagilid ang naging tingin nito habang yakap-yakap ko.
Bakas parin kase sa muka nya ang inis, galit at pag-aalala dahil sa pagiintindi nya sa maaaring mangyare sa'kin sa party kaya naman natawa ako ng bahagya.
"Malabong mangyare 'yang iniisip mo, mommy."
"Anong malabo? Paano kung may mga masamang tao—"
"Mom," Saglit ang naging titigan naming dalawa dahil sa ginawa kong pagpapatigil sa gusto nyang sabihin. "I will take care of myself there. Promise po. Uuwi po ako ng maaga. Ligtas akong uuwi dito sa bahay. Sige na po. . . payagan nyo na po kase ako," pag aatungal ko.
She looks so disgusted and at the same time, she still worried about me. Natatakot si mommy na magkatotoo ang panaginip nya tungkol sa'kin.
Sa panaginip daw kase nya ay nakita nya akong naging masaya habang kasama ang mga kaibigan ko na sumasayaw sa isang party. Pero matapos daw ng kasiyahan ko na 'yon ay nakaramdam daw bigla ako ng takot at kaba. She also said that in her dream, she saw me die.
The f*ck right?
Sino bang kakabahan at matatakot kapag nasa party? Hello? Lahat kaya masaya. Nakasuot ka ng magandang damit, magsasaya ka at magkakaroon ka ng kaibigan at kakilala. Kaya bakit ka matatakot 'diba?
At tungkol naman sa kamatayan ko, isa lang 'yong panaginip na sa isip lang mangyayare. Panaginip na sobrang layo sa reyalidad. Isang kalokohan!
"Hindi parin ako papayag, Elodie. Magalit ka man sa'kin o magtampo dahil sa naging disisyon ko ay ayus lang, anak. Walang masama kung hindi ka dadalo sa party na 'yon hindi ba? Kaya dumito ka nalang sa bahay. Maliwanag?"
Hindi pa man din ako sumasagot sa tanong ay tumayo na si mommy sa upuan at naglakad na palayo sa'kin.
Para akong naestatwa dahil wala manlang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko para pilitin ito. Bagkus ay napatulala ako na para bang binuhusan ng malamig na tubig.
YOU ARE READING
Sleeping While The World's Awake.
Rastgele| Completed but Under Revision | Story Started: April 21, 2020 Story Finished: November 15, 2020 Photo not mine (i got this from Pinterest📌) Credits to the real owner of this photo❤