"Ano ba, Zane?!" sambit ko dahil paatras akong bumababa sa hagdan habang hila-hila ng dalawa kong kaibigan.
"Pinagalitan tayo ng Prof kanina, gaga ka talaga!" Bulyaw nito na umaamba pa ng suntok.
Pumiglas ako sa pagkakapulupot nilang dalawa sa'kinbago tumayo ng tuwid. Pinag titignan na kami ng mga CE student dito. Nag tataka siguro sila kung bakit may drafting student ang napadpad sa building nila.
"Grabe! Nakita nyo 'yung tingin ni sir kanina? Grabe! Adik ba sya?! Bakit ang pula ng mga mata nya?!" Gamit ang dalawang kamay, humawak si Kiara sa dibdib nito dahil sa takot.
Hindi ko sila masyadong pinansin dahil napukaw ang atensyon ko sa lalaking naka hoodie jacket na nakatayo sa rooftop kanina. Kaunti nalang ay makikita ko na ang itsura nya pero badtrip! Kailang lumilingon na sya sa banda ko ay sya ding hila sa'kin ng mga kaibigan ko pababa ng building. Hindi ko na tuloy makalimutan ang nangyare kanina hanggang sa natapos na nga ang huling subject namin ngayon.
"Maaga tayo bukas, Elodie ha! Baka malate ka nanaman." Pag papaalala ni Kiara sa'kin bago sumakay ng jeep.
Para naman akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa pagkatulala rito sa bahay.
Umuulit kase sa isip ko yung nangyare kanina e. Tungkol dun sa lalaking naka hoodie jacket. I found him cute kahit hindi ko pa nakikita ang muka nya.
May kasama rin syang pusa na nakapatong pa sa balikat nya. Sayang lang dahil hindi ko masyadong nakita ang itsura nya.
Paano kaya kung pumasok agad ako sa rooftop ng nahuli kami ng teacher kanina? Mapapansin kaya nya ako?
Teka bakit ko ba sya iniisip?
Inayos ko na ang higaan ko para matulog pero hanggang ngayo'y na alala ko pa rin yung lalaking naka hoodie jacket sa school. Kahit mainit ay naka jacket sya? Ang lakas ng topak nya ha.
Dahil sa paulit-ulit kong pag iisip sa lalaking nakita sa rooftop ay kusa ng pumikit ang mga mata ko sa antok. Kinabukasan ay nag madali akong naglakad papasok ng school.
Matapos ng ilang libong pag lalakad papunta sa building namin ay nakarating din ako ng pawisan.
Kahit late na ako ay nagawa kong makapasok dito sa room ng hindi nahahalata ng prof. Hindi naman na nagtanong ang dalawa kong kaibigan kung bakit ako nalate kaya gumawa nalang kami ng plates.
Sa dinami-rami ng building sa school ay nasa bandang dulo ang building namin. Mga ilang hakbang pa ang hahakbangin para lang makapunta rito sa dulo ng mundo, este sa huling building para lang makapasok sa school.
Nakakainis!
"Oh, yung plates nyo!" Bulyaw ni Chester matapos ilapag sa lamesa namin ang mga plates na narecord na.
"Bastusan ha!" Sita ko kay Chester na mataray kung tumingin sa'kin. Sya ang president namin.
YOU ARE READING
Sleeping While The World's Awake.
Rastgele| Completed but Under Revision | Story Started: April 21, 2020 Story Finished: November 15, 2020 Photo not mine (i got this from Pinterest📌) Credits to the real owner of this photo❤