Kinabukasan, sabay kaming pumasok sa school ni Ed.Sinundo nya ako sa bahay ko.
At talaga namang napa nganga si ate mo gurl."Tol! Tara." yung lang,sa tuwing tinatawag nya akong tol,bumabalik ako sa reyalidad na,mag bestfriends lang kami.
"Ayos ang pormahan natin ah!" Sinalubong ko sya ng signature handshake namin.
"Ang daming nagulat sa new looks ko kahapon Tol,si Mommy,si Daddy pati yung alaga kong pusa na si chloe nagulat din,heheh hindi ako makilala."
"Haha! O kaya ayusin mo ah,ipakita mo sa kanila na,gwapo ka din at kaya mong lumevel sa mga campus prince sa university."
"Copy ! The best ka talaga,paano na ako kung wala ka."
"Ang drama mo! Tara na nga!"
Katulad ng nakasanayan,inaakbayan nya ako kapag nag lalakad kami.
Yung akbay na lahat ata ng bigat ng ulo at balikat nya ay nasa braso na nya inilagay, kaya tuloy para akong lulubog sa lupa habang nag lalakad kami palabas ng village.
Sa University...
"O.M.G! Sino sya!?"
"Transfer student ba sya ?"
"Anong year na nya?"
"Ang cute!"
"I wanna get his number though "
Wooh! Nakaka rindi ah...Infairness nakaka proud din,kasi dati halos nobody kami sa campus pag dumadaan kami.
Napapansin narin nila ako,dahil ako lagi ang kasama ni Ed.
But some other girls are so mean. Sinasabi nila na hindi ako bagay kay Edison,dahil his cute and handsome while me is just like a basahan daw.Duh!
Simple,hindi katulad nila na naka make up,naka suot ng mga branded at sexy clothes.
Paulit-ulit pa daw ang suot ko na polo checkered na blouse,Iniiba iba ko lang daw ng kulay. Tapos kupas na daw yung suot kong skinny Jeans,hindi ko pa palitan ng bago.
Tapos yung buhok ko,hindi naka ligtas sa paningin nila.
"Your hair is like...hair of mangkukulam! Hahaha! "
"Hahaha!Your face is a witch!"
Sa inis ko sinagot ko na sila. Nakaka irita na kasi.
Buti na lang tumigil,mukhang tinamaan sila sa sinabi kong mukha silang witches.
Like duh! Bakit ba sila nakiki alam,buhay ko to,katawan ko to,dito ako komportable at buhok ko to!
Nakaka init naman sila ng dugo.
Nasaan naba kasi si Ed. Sa mga oras na ganito,sya lang ang nag tatanggol sa akin sa mga witches na yun.
Hay...,oo nga pala,His not Edison na nerdy looks.
Siguro,nag papa poge points na naman sya kay Angelica.
Kakain na naman siguro akong mag isa sa rooftop ngayon.
Sa classroom...
"Ed! Nag baon ako ng pag kain natin mamayang lunch,sa rooftop ulit tayo?" Excited ko pang inilalabas yung baon na hinanda ko para sa amin.
"Naku,tol sorry ah. May... date ako ngayon"
"Ano?! Date...sino?"
"Si Angelica."
"Akala ko...may boyfriend yun?"
"Wala na sila...break na,last week lang."
"Wow ang bilis...sige may magagawa pa ba ako ,enjoy ka ah." Naka halumbaba Lang ako sa armchair ko,kahit nag di-discuss si ma'am,wala talaga akong gana makinig.
Pagkatapos ng klase nag diretso na ako sa rooftop,hindi na ako nag paalam kay Edison,gusto ko iparamdam sa kanya na nag tatampo ako.Pero parang walang effect sa kanya. Excited pa syang lumabas ng classroom at all out ang ngiti ng mukong.
Pag dating ko sa rooftop, saglit akong humugot ng malalim na hininga atsaka sumigaw ng napaka lakas.
"Ahhhhhhh! Ang unfair mooo!"
"Pssst!"
Agad akong napa hinto,sisigaw pa sana ako pero narinig ko yung sitsit na yun.
"Sino yan?!"
"Ang ingay mo! Natutulog ako eh."
Hmmm,di pamilyar sa akin ang mukha ng isang ito ah.Matangkad na payat,may pagka seryoso ang datingan nitong lalaki na to ah.
"Kung may gusto ka sa kanya,sabihin mo na agad,hindi yung tinatago mo pa."
"Wait Lang?! Sino kaba? Kilala ba kita? Friends ba tayo?"
"Alam mo,ikaw na Lang ang Hindi na kaka alam na obvious ang pagka gusto mo kay Edison Manuel."
"Duh! Paano mo nalaman! Stalker ka!?"
Lumapit sya sa akin na naka pamulsa pa sa magkabilang side ng pants nya.
At walang imosyon nya akong tinitigan sa mata.
"Sa tuwing pumupunta kayo dito, nandun ako sa gilid naka higa at nag papahinga,alam nyo bang hindi ako maka tulog pag nandito kayo?"
"What? Pero ang alam namin,walang ibang tao?"
"Kasi nga sa kanya lang umiikot ang mundo mo."
"Hindi ah." Pakiramdam ko umiinit ang buong mukha ko sa sinabi nyang yun.Aminado naman ako,pero ngayong may nakaka alam nang iba,nahihiya na ako.
"Feeling ko nga third wheel ako sa Inyo pag nandito kayo eh."
"Paano ka naman magiging thirdwheel,eh mag best friends Lang naman kami nun."
"Gusto mo bang makuha ang attention ng bestfriend slash mahal mo? O hindi?"
"Gu-gusto pero paano mo naman ako matutulungan aber?" Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan sya mula ulo hanggang sa sapatos nya...uy! Gucci!
"Makinig ka." Seryoso nyang sabi.
Bumalik ang tingin ko sa mukha nya galing sa sapatos nyang pinag mamasdan ko pa kung peke o hindi.
"Pag seselosin natin yung bestfriend mo,pag nag selos sya edi umamin kana...pero pag hindi--" binitin pa nya talaga.
"Pero pag hindi ano?" Tulala akong nag hihintay sa idudugtong nya.
"Pag hindi sya nag selos,papayag kang maging girlfriend ko."
"Ha?! Grabe naman yang consequences mo,di pa nga kita kilala--"
"I'm Dennis,no need to know my last name."
Puno man ako nang tanong sa isip ko,pumayag narin ako sa kundisyon nya.
"I'm Angel Dale,no need to know my last name too."
Tumango lang sya at bahagyang ngumiti. Pagka tapos ay naki pag shakehands na sya sa akin.
Akala nya sya lang ang pwedeng maging mysterious ah.
"Hihintayin kita sa may field mamaya pagka tapos ng klase."
"O-OK."
Umalis na sya pagka tapos.Kung pag kilos lang nya ang pag babasihan ko,para syang may sariling mundo. Kung mag lakad akala mo na mamasyal sa park.
Hmm! maka kain na nga lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/198451385-288-k721178.jpg)
YOU ARE READING
Together
Historia CortaMag bestfriends kami,pero bet ko sya! Paano na? Kung ang gusto nya ay iba?