Sa dining table...
Magkatabi kami ni Edison,Habang sa katapat naman namin si Mama at si Tito Roi pati ang kapatid kong bunso na si Zyrel.
Tahimik kaming kumakain,masarap ang hapunan namin ngayon,may pininyahang adobong manok at pritong isda na sapat na sa aming Lima.
Dinag-dagan ni mama ang pritong isda dahil dito nga mag hahapunan itong si Ed.Hindi ko naman maiwasyang hindi ma distract sa pagkain dahil panay ang tunog ng cellphone ni Ed. Sa palagay ko ay naka sampong tunog na ata yun. Panay ang dating ng messages sa kanya.
"I silent mo nga yang Cellphone mo Ed."
"Sorry ah,si Angel kasi message parin ng message,sabi ko dito ako matutulog sa Inyo.Hehe she's getting jealous... did she?!" Pabulong lang syang nag sasalita,halos mapunit na ang labi nya sa lawak ng ngiti.
"Mamaya na yan,kumain ka muna."
"Ok po...hmmm!" Pinang gigilan na naman nya ang ilang ko!
"Ahh! Aray!" Pango na nga eh!
"Ahahahha! Si ate parang si Rudolph the red nosed reindeer!" Kahit puno ng Kanin ang bibig nya ay tinawanan parin ako ng kapatid ko.
Isa parin itong malakas mang asar, pero kahit ganun ay hindi ko sya pinapatulan, five years old pa lang kasi sya.Pag nag Eight years old na .
Tinaasan ko Lang sya ng kilay. Tumahimik naman sya agad. Pero palihim paring tumatawa tinatakpan nya ang bibig nya para di ko nakita.
"Naku kayong dalawa,kulitan kayo ng kulitan...mamaya kung saan mapunta yan ha." Napa tingin kami pareho ni Edison kay Tito Roi.
"Daddy,mag bestfriends Lang sila ano kaba." Putol ni Mama sa pang aasar ni Tito Roi.
"Hehe Tito,Tita don't worry just bestfriends no more... no less."
"Good,Sige na kumain na kayo ." Si Mama habang sinusubuan si Zyrel.
Wow! Sigurado na talaga sya na bestfriends Lang kami at hindi na hihigit pa doon. Ang saklap naman ng lovelife ko.
"Kukuha Lang po ako ng tubig."
"Anak meron na o sa baso mo." Tinuro ni mama ang isang basong may lamang tubig na katabi ng plato ko.
"Gusto ko po ng may ice Ma."
"Ok."
"Tol ako din please..."
"Oo na.."
Ang Tagal ko pa bago maka kuha ng ice cubes dahil nang hihina ako sa mga naririnig at nalalaman ko mula kay Edison.
"Tol,ok ka lang?"
"Ha?"
Nagulat ako bigla sa prisensya nya. Parang kabote,bigla bigla nalang sumusulpot.
"Alam mo kanina pa kita na papansin,parang may iba sayo..."
"Ano naman ang iba sa akin?"
"Hindi ko alam...share?"
"Wala naman akong ma i she-share sayo ngayon."
Sa wakas ay natanggal ko din ang ice sa cubes, tinulungan na nya akong mag lagay sa baso naming dalawa.
"Angel Dale,mahalaga sa akin kung anong nararamdaman mo,kaya please kung may problema ka,sabihin mo sa akin...please."
Bakit parang gusto kong bumigay sa kanya ngayon at sabihin na .... mahal kita !
" Nag da-drugs kaba?"
"Ano!? Sira ulo mo talaga!"
"E kasi ang lalalim na ng mga mata mo..."
Mula sa likuran ay binatukan ko sya bago ako lumabas ng kusina.
"Tita si Angel nang babatok po."
"E pano ikaw! Kung ano anong sinsabi mo."
"Hay naku kayo talaga,bahala kayo dyan,ang kukulit."
Matapos ang masayang hapunan ay nag diretso agad kami sa kwarto.
Na nuod muna kami ng tv,yung favorite naming teleserye.
"Ed! Tingnan mo dali! Mag tatapat na sya!" Kinakalabit ko si Ed pero naka Focus parin sya sa cellphone nya.
Sa inis ko pinatay ko na lang yung TV. Mukhang napansin nya na na badtrip ako.
"Uy,bakit mo pinatay?"
"Wala naman akong kasamang manuod eh,para naman kasing hindi kayo mag kikita nyang Angel mo." Nag cross arms ako at sumandal sa unan ko.
"Sus,sige na nga I o-off ko na po ang phone ko,tampo pa."
"Ewan ko sayo ,dati naman... kaya mong walang cellphone."
"Eh,iba na kasi ngayon,tsaka diba ikaw naman ang nag suggest sa akin na,kung gusto kong ma pansin ng Crush ko dapat nagpa poge points ako?"
"Oo nga,pero di ko sinabing... kalimutan mo ang bestfriend mo!"
"O sige na,akin na yung isang unan matulog na tayo,ok...tulog na,bestfriend ko mahal ko.."
Naka yakap at dantay sya sa akin ngayon,habang kinakantahan ako.
Yun ang lagi naming kinakanta sa isa't isa bago matulog.
Ang sarap mag imote,sinabayan pa ng malakas na ulan.
YOU ARE READING
Together
Short StoryMag bestfriends kami,pero bet ko sya! Paano na? Kung ang gusto nya ay iba?