Together #12

191 23 3
                                    

Edison's POV.

Nasa office kami ngayon ng Dean. Hanggang ngayon ay blanko at hindi ko parin lubos maisip kung paano na punta kay Angelica ang private picture na yun ni Angel Dale.

That picture is from last year pa,natuwa kasi ako sa kanya kaya kinuhanan ko ng picture habang natutulog sya sa Kama nya,that is suppose to be in my private photos...maski ang bestfriend ko ay hindi alam ang tungkol doon.

"Wala bang gustong mag salita sa inyong apat kung sino ang nag simula ng gulo?"

Bumalik ako sa ulirat ng sumigaw na si Mr. Rablozo Torres.Pabalik balik ang mga mata nya sa dalawang babae na naka upo ngayon sa harapan ng table nya.

Habang kami naman ni Dennis ang naka tayo lang sa likuran ng upuan nila.Ako kay Angelica at sya naman kay Angel.

Relax lang si Angelica habang ang bestfriend ko ay nag kukuyom paring ang kamao habang tumitingin kay Angelica at sa...akin.

I felt so guilty, Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ayaw ko syang magalit sa akin,at ayaw ko rin yung narinig ko sa kanya kanina*this friendship is over!*

Alam ko galit Lang sya at hindi nya tototohanin yun...Sana.

"You!" Biglang Turo sa akin ni Dean. Kaya medyo na paigtad ako dahil narin sa kaba.

"Ye-yes Po?"

"Sino ang nag simula ng gulo?"

Nag simulang mag palit palit ang dingin ko sa dalawang mahalaga sa buhay ko ngayon.

Kapag sinabi kong si Angelica,magagalit sya sigurado yun pero sya naman talaga ang May dahilan kung bakit sila nandito in the first place.

Pag si Angel naman,baka itakwil na nya ako ng tuluyan,ahm! Sa totoo Lang tayo Edison.Bahala na.

"A-ako po Dean"

"What!?" Nagka sabay sina Angel at Angelica ng akuin ko ang lahat.

"What do you mean you?" Tanong ni Dean.

"Sa akin po nag mula ang gulo,kaya please kung parusa po... ako nalang ang gagawa nun."

"No babe! You don't have to do this! Sya ang nag simula nang gulo,kung Hindi sya nag paka OA! Di sana wala namang ganitong scene!

"Pero kung di mo pinost sa Twitter ang picture ko! at kung Hindi mo ako sinabunutan,wala tayo dito." Malumanay pero may diin ang lahat ng salitang yun ni Angel.

"Kasi eskandalosa ka! Girl."

"Sa akin nang galing yung picture diba? So ako ang punot dulo." Sabi ko.

Sasagot pa sana si Angelica,pero tumingin ako sa kanya,dahilan para tumahimik na sya.

Bigla akong sumulyap kay Angel Dale,at naka tingin lang sya sa ibaba pero naka kuyom parin ang kamay nya. She's really mad.

*please Angel tumingin ka sa kin...and say something *

"Pwede na po ba kaming umalis Dean?" Mababa na ang tono ng boses ni Angel.

"Ok Sige... pero ayaw ko ng mauulit pa ito,mga senior year pa naman kayo.Angelica...ayaw ko ng mauulit na sasangkot ka sa ganitong gulo.Wether ikaw o sya o sila ang nag umpisa... ayaw ko." Naka titig lang si Dean kay Angelica habang pinag sasabihan ito.

Bukod kasi sa inaalagaan ng Dean ang imahe ng Ms.Campus Princess ay sya rin kasi ang Tito ni Angelica.

Sumenyas na si Dean na umalis na kami. Nakita ko kung paano naman alalayan ni Dennis ang bestfriend ko,dala dala nito ang bag nya at ang mga libro na mukhang na sira dahil sa ginawang  ayaw nila ni Angelica kanina.

Nauna silang lumabas at sumunod kami ni Angelica.

"Paano mo nakuha ang picture na yun? Private yun?!"

Nakita kung tumaas ang kilay nya.

"At bakit may picture ka nyang naka private!? Ano?! May lihim kang pag tingin sa bestfriend mo?"

"Did I say something Like that?"

"Wala nga pero yun ang mga nakikita ko sa kilos mo!"

"She is my bestfriend,pangalawang pamilya ko na ang pamilya nya,can you just respect that and accept!?"

"Girlfriend mo ako,so dapat sa akin ka kakampi." Pinag cross nya ang braso nya tsaka tumingin sa direksyon kung saan naka tigil si Dennis at Angel.

"Look at her,nakaka awa sya,sa itsura nya walang magkaka gusto sa kanya—"

"What did you say?" Nainis ako sa sinabing yun ni Angelica tungkol sa bestfriend ko.

"Ang sabi ko—"

"Did you mean it?! Baka nakaka limutan mong I'm just a nerdy guy before,at dahil kay Angel kaya ako ganito ngayon.." inis ko syang tinitigan sa mga mata nya.

"I don't like her,at alam mo yan.."

"Pero ang sabi mo,susubukan mong magustuhan sya dahil bestfriend ko sya?"

"Susubukan! Edison..pero nakita mo naman ang inasta nya diba?tsk" napahawak sya sa kanyang sintido at iiling-iling pa.

"Akala ko,kaya ayaw sayo ni Angel dahil na iinggit Lang sya sayo dahil,popular ka..pero sa nakita ko ngayon.... May dahilan pala talaga,Hindi kasi sya kagaya ng ugali mo eh." 

"Anong sinabi mo?!"

"Si Angel Dale kasi,mabait..selfless,tutulong kung kinakailangan,and humble.."

"And she's also a war freak! Puro good things ang sinasabi mo tungkol sa kanya,e may sungay din naman yan!"

"I'm done with you..."

"Anong ibig mong sabihin!?"

Ayaw ko ng humaba ang pakikipag talo ko sa kanya.Umalis ako at iniwan ko sya sa labas ng discipline office.

"Ed!babe!"

Kahit tinatawag nya ako ay hindi ko na sya nilingon.

Pinuntahan ko si Angel Dale kasama nya parin si  Dennis.

"Tol!" Tawag ko na agad naman nyang nilingon.

"So-sorry hindi ko talaga—" naputol ang sana'y pag hingi ko ng sorry ng agad nya itong sapawan.

"Pwede... stop calling me tol,babae ako hindi ako lalaki.." malumanay nyang sabi. Pero bakas parin ang inis sa mukha nya.

"Pero yun naman talaga ang tawag ko sayo diba ,bestfriends tayo—"

"Marami ng nagbago simula ng binago ko ang physical looks mo,hindi na tayo tulad ng dati.."

"I'm really sorry Angel,please let me explain...about don sa pic—"

"Mag explain ka man,tapos na,nag away na kami ng girlfriend mo,na sugatan ko sya sa mukha,nakita mo ba?"

Hindi ko sya masagot dahil,hindi ko nakita ang sinabi nyang sugat sa mukha ni Angelica.. o hindi ko yun napansin dahil sa sobrang inis ko sa kanya.

"Tara Dennis.."

Hinayaan ko nalang silang maka layo. Kilala ko sya,kapag galit sya kailangan nya lang nang time para maka relax at pagka tapos nun ok na sya...Sana.

Hindi kami naka attend ng first class nung umaga dahil sa nang-yari kaya second class na kami pumasok.

Back to normal,parang walang nang yaring gulo kanina,pero si Angel Dale, Hindi nya ako kinakausap,sinusulyapan man lang kahit isang beses.

TogetherWhere stories live. Discover now