"Tol kausapin mo naman ako,kanina mo pa ako hindi pinapansin eh..."
"Bumalik kana Lang dun kay Angelica mo,mukhang May date pa kayo eh."
"Tol sasabihin ko naman sayo eh,"
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa may pathway papalabas ng gate.
"Bakit ikaw,Hindi mo rin naman sinasabi sa akin kung anong meron sa Inyo nung Dennis na yun ah? Lagi na kayong mag kasama... ano nang liligaw na ba sya sayo?!"
Naririndi na ako sa kaka putak nya.
"Oo! Nanliligaw sya sa akin... ok kana? Tatahimik kana ba?"
"Pero hindi pa pwede —"
"Wow! Ikaw pwedeng magka girlfriend ako Hindi pwedeng magpaligaw? Unfair mo Ed."
"Unfair na kung Unfair! Pero hindi ka pwede magpa ligaw Angel!"
"At bakit!?"
"Basta! Hindi pwede! Isusumbong kita kay Tita Lou!"
"Mag sumbong ka! "
"Talaga!"
Nag hiwalay na kami ng landas nun,bumalik sya siguro para sa girlfriend nya at ako ay palabas na ng Campus.
Nakakasama sya ng loob.Manhid na nga,ang selfish pa.
Mag aalas dyes na nang gabi at lumalakas narin ang patak ng ulan,pero ito ako tulala parin sa libro kong naka bukas.
Hayst! Napapabuntong hininga na Lang ako kapag na iisip ko yung dati na sabay kaming nag aaral ni Edison,kahit abutin kami ng ganitong oras sa pag rereview ok lang, basta may snacks kaming katabi tapos kwentuhan na walang katapusan.
"Pssst!"
Kamuntikan na akong ma out of balance sa pagkaka upo ko sa may bintana ng kwarto ko ng marinig ko ang pamilyar na pag sitsit na yun.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na?!" Pabulong ko syang sinisigawan kahit alam ko naman na hindi nya ako maririnig kaya sumenyas na Lang ako na bubuksan ko yung pintuan sa baba.
"Dyosko naman Ed! Ano bang naisip mo at sumugod kapa dito,alam mo namang umuulan diba?" Sa haba ng sermon ko sa kanya pag bukas ko ng pinto ay wala akong narinig na kahit na ano sa kanya.
Mayamaya pa ay bigla na lang nya akong niyakap. Nabasa na sya ng ulan pero parang wala Lang sa kanya yun,pero ramdam ko ang panginginig ng braso nya.
"Halika sa taas palitan mo yang damit mo."
Sumunod lang sya sa akin.Hindi ko alam kong anong nangyari pero bakas sa mukha nya ang lungkot.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya matapos syang magpalit ng damit. Pinasuot ko sa kanya yung luma nyang damit na naka stock sa closet ko.Minsan kasi ay sinusuot ko din yun.
"Nag aaway si Mommy at Daddy pag dating ko kanina."
"Bakit? Anong pinag aawayan nila?"
"Si Daddy,may iba syang babae Tol."
Yumuko sya at niyakap ang mga tuhod nya habang naka upo sa sahig.Tumayo ako sa pagkaka upo ko sa kama ko at tinabihan ko sya.
Alam kong umiiyak na sya,dahil sa minsanan nyang pag singhap.
"Edison wag ka ng umiyak,alam kong hindi madali pero,mag paka tatag ka na lang sa mga nangyayari ngayon,hindi na natin mababago pa yun eh...sana you get my point."
"I know,kaya nga umalis na lang ako sa bahay kasi,hindi ko kayang marinig yung mga masasakit nilang palitan ng salita eh."
"Tahan na,nandito lang ako para damayan ka ha."
"Salamat talaga,wala akong ibang maisip na puntahan kung hindi ikaw lang...dito.Sorry pala kanina..."
"Sorry din..."
Ngumiti lang ako sa kanya,habang marahan kong pinupunasan ang mga luha nya.
Pero napansin kong hindi parin nya inaalis ang mga tingin nya sa akin.Para akong matutunaw sa mga titig nya.
"Ba-bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit ganyan ka maka tingin,para mo naman akong tutunawin eh."
"Wala,naisip ko lang...ang swerte pala ng lalaking mamahalin mo nuh."
(Dugdug-dugdug!)
"Oo nga,ang swerte mo nga eh—"
(Sh*t na malagkit! Nasabi ko!)
Natakpan ko ang matabil kong labi at agad na tumayo.Humarap lang ako sa may bintana.
"Anong sinabi mo?Tol?"
"Wa-wala ang sabi ko Oo nga,ma-maswerte sila."
"Hindi yun yung exact na sinabi mo eh,narinig ko ."
"Narinig mo pala,bakit pinapaulit mo pa?"
"Gusto ko Lang ulitin mo,para clear."
Napa lunok na Lang ako at pumikit tsaka Inulit ulit yung una kung sinabi sa kanya.
"Ang swerte mo sabi ko."
"So mahal mo ako?"
"Oo..."
Tuningin ako sa kanya,blanko Lang at walang reaksyon akong nakikita sa mukha nya.
"Bestfriends tayo diba,kaya mahal kita." Dugtong ko.
"Angel Dale,ayaw kong magka hiwalay tayo...mahal kita bestfriend ,kahit na nagkakatampuhan tayo,Hindi naman tayo nag be-break,di katulad ng mga magkaka relasyon na kapag nag away break na.wala na yung ilang taon nilang binuo na relasyon."
I guess he knew at ni reremind nya Lang ako na it's better na mag bestfriend na Lang kami.
Tumango tango na Lang ako,kahit deep inside parang pinipiga ang puso ko. Di nya man sabihin ng direct to the point ,Alam kong basted na ako sa kanya.
Aaawtch!
YOU ARE READING
Together
Short StoryMag bestfriends kami,pero bet ko sya! Paano na? Kung ang gusto nya ay iba?