Even with a bit of anxiety over her first day of work at CCDC looming, Pliny still managed to arrange her technical pens and mechanical pencils on her tin pen organizer that she had since she was a student.
Her dog Waffles, ang mixed breed aspin at japanese spitz she had adopted jumped up and down begging for her attention.
For the past 4 months, nakaugalian na nya at ng kanyang aso na lumabas at pumunta ng tindahan ni Aling Bona para uminom ng kape at kumain ng tinapay kasama ng ibang tambay sa kanilang kalye. Dun kasi, marami syang nasasagap na balita at nakikibalita na rin sa kanya ang mga kaibigan nya.
"Sorry Waffles, not today ha. Sa weekend na lang. First day of work ni Ate. But, I prepared something special for you. Binili kita ng dog food."
Pliny then ticked off her list of morning chores and so far, ayos naman lahat. It was only 6 am, she had ample time to prepare herself.
Pliny rushed into her small room to get ready to go to work. The position she was hired wasn't that glamorous pero wala sya sa posisyon para mag reklamo. Masaya na sya that she will get a chance to work with her precious pens and pencils again.
Although pwede rin naman nyang gawin yun digitally, she knew na may mga client pa rin na gusto ay manual rendition sa plan. And she loved doing it manually. For her, mas mabilis syang makatapos kung sya mismo ang gagawa, instead na gamit ng computer app.
Despite her busy morning routine and anxiety, Pliny couldn't afford to be late. Last night, she spent her time reading on the internet the write-ups about CarGen Construction and Devt. Corp. and the people behind the company.
She wasn't worried sa sinabi ni Macel sa kanya about sa CEO ng CCDC or sa mga domineering executives dito na magiging boss nya kasi sanay na sya dun basta gagawin nya ng tama ang kanyang trabaho.
Kung may isa pang bagay that she was good at was keeping other people organized and ignoring frustrating personalities. Na master na nya yan nung nasa college pa sya. Napalibutan ba naman sya ng halos lalaking classmates at batchmates, may mga bully at maangas na di matanggap sa mga bugok nilang mga utak that somehow, female engineering students could survive the course, even much better than male species.
She was sure she could deal with whoever her boss will be, mapa-engineer man yun o hindi.She dressed in her best skirt that hugs her average figure and blouse, chose a pair of low heels she could walk in without too much pain, picked up her bag and turned to their only family picture in a frame.
"Tay, Nay. May bagong trabaho na po ako. Excited ako for my first day but at the same time, medjo nininerbyos din. Malaking company to. Gabayan nyo po ako ha. I love you. " and then she blew it a kiss.
"Waffles, ikaw na muna bahala dito sa bahay natin ha. Wag mong ubusin agad ang pagkain mo. Mamayang hapon pa ako babalik. "
Pagkalabas nya ng kanilang bahay, ibinilin nya kay Berto na silipin to from time to time. Napadaan sya sa tindahan ni Aling Bona at andun pa rin ang mga tambay na nagkakape.
"Engr, ang aga natin ah. San ang lakad? " tanong ni Aling Belen.
"Goodmorning! May trabaho na ho ako. First day ko ngayon kayat di ako nakasabay sa coffee session natin." masayang sagot ni Pliny.
"Uy Pliny, ilibre mo kami ng isang litro ng Empe sa unang sweldo mo ha. " sabi naman ni Pael, ang nagbebenta mg bananaque sa kanilang kalye.
"Syempre naman kuya. Basta ilibre mo din ako ng bananaque mamaya."
"Alang problema. Yun lang pala. Itatabi kita para ay panghimagas ka sa hapunan."
"Salamat kuya! Una na ho ako."

BINABASA MO ANG
LOVE AND LIMITATION
RomanceWhen life gives you limited chances and opportunities, will you allow your feelings to have limits too?