#1: Pliny (ply-nee)

1.7K 70 12
                                    

Author's Note:

The entire chapter will be written in Pliny's POV and will mostly be narrative.

********

My name is Josefina Vergara. Josefina is actually a combination of my parent's names. My tatay is Jose,  my nanay is Pinang.

My name sounded like an old school, risen from the classical movie in the early 60s so my friends preferred to call me Pliny. Sabi nila, ang baduy daw ng Josefina, kasi tunog lola, tunog luma.

I was an only child. I wasn't born rich either. In fact,  we were poor. A hand to mouth kind of poor.

Mahirap man ang aking mga magulang,  pero masaya ang aming maliit na pamilya. 

We used to live in a shack,  na inuupahan ng tatay ko  sa isang squatter's area sa Tondo. Dun na ako pinanganak. Dun na rin ako nagka isip. Sa barong barong na yun, dun nabuo ang mga pangarap ko. 

Isang construction worker ang tatay, at minsan,  namamasada din sya ng tricycle, na pagmamay-ari ni Aling Bona na kapitbahay namin. 

Masipag, masayahin at higit sa lahat, mapagmahal.

Isa namang tindira ng ulam ang aking nanay.

Masarap magluto ang nanay ko,  kayat marami syang suki sa mga construction sites at sa ibang malalaking building na nakapalibot sa aming lugar.  

Maganda, masipag, maalahanin at higit sa lahat, mahal na mahal nya ang tatay. 

Sabi nila, gwapo at maganda ang mga magulang ko nong kabataan, kaso lang dala na rin ng hirap ng buhay, makikita sa mga mukha nila ang maagang pagtanda lalo na at maaga silang nag asawa.

Mula pagkabata, di ko na inindang ang aming kahirapan kasi para sa akin,  ang importante,  masaya kami.
Tama na sa aking may pagkain kami sa araw araw, at makakapasok ng school,  bastat magkakasama lang kaming tatlo. 

Isa akong scholar ng gobyerno nung nasa high school ako at dahil na rin sa pagsisikap ko,  naka graduate akong valedictorian sa Corazon Locsin High School.

Maswerte akong nabigyan ng academic scholarship pa sa isang magarang university nang makaapak ako ng college.

Ang FORD University.

I topped the College Entrance Test at dahil recommendation ng high school principal namin, nakapasok ako sa Ford University. I took up Civil Engineering, dala na rin sa pagka inspired ko sa trabaho ni tatay. Para sa akin,  ang edukasyon lang ang natatanging meron ako na alam kong mag aahon sa amin sa kahirapan.

Pangarap kong maging successful sa future, nakapagpatayo ng sarili naming bahay at pagpapahingahin na sa trabaho sina nanay at tatay.

Mahirap ang buhay sa unibersidad, lalo na sa mahirap na kagaya ko. Pinasok ko ang lahat ng klaseng raket, sabay sa aking pag aaral, para kahit papano ay makatulong din ako kina nanay at tatay.

I survived the first year in the university. Dahil matalino ako, di naging mahirap pagsabayain ang pag eextra sa trabaho at ang pag-aaral, hanggang sa nakasanayan na. 

Sa araw ng Sabado at Linggo na wala namang class at di masyado busy sa pag aaral, tumutulong ako sa tindahan ni Aling Bona. Ang binibigay nya sa aking 500 para sa dalawang araw ko na pagtulong sa kanya, yung ang pinagkakasya kong baun sa school sa isang linggo.

Second Year was tougher than the first. Nagsisimula na ang mga plates namin. More plates, meaning more gastos sa materials. sa panahon na to na kung saan halos lahat ng gawain sa school ay digital na, I was stuck doing the manuals, kasi nga, wala naman akong hi end na cellphone or computer. Yung tanging celphone na gamit gamit ko nga ngayon ay isang cherry mobile na android lang na napanalunan ko sa isang quizbee sa school. Nakikisiksik lang rin ako sa Pisonet sa tabi ng tindahan ni Aking Bona pag kelangan ko na talagang mag research. 

LOVE AND LIMITATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon