Ako nga pala si Carol,Caroline Melamiña Del Fuego.Kasal na ako,oo.Pero hindi niyo gugustuhing malaman ang buong kwento kapag sinimulan ko na,alam niyo bakit?isa lang naman kasi ang sagot diyan eh.
Hindi ako minahal ng asawa ko,kahit kailan.Marahil ay pinagtatawanan niyo na ako ngayon,dahil nagawa kong magtiis at magpakamartir sa loob ng 6 years.
🌟🌟🌟
"Ma'am Carol,nakahanda na po yung umagahan"dinig kong kumatok yung isa sa mga kasambahay namin sa kwarto ko.Oo kwarto ko,dahil simula noong ikasal kami ay hiniling niyang humiwalay ng kwarto.
Hindi na ako sumagot at ibinaba ko nalang ang librong binabasa ko.Hinatak ko ang see through na white robe sa upuan at isinuot ito bago bumaba.
Naabutan kong naguumagahan si Aiden,ang asawa ko.Ngunit kahit isang lingon o sulyap ay wala akong natanggap kaya naman pinilit ko nalang ngumiti kahit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
"Good morning honey,how was your day?"panimula ko habang siya ay nanatiling tutok na tutok sa pagkain
"Fine."tipid na sagot niya,nakasanayan ko naman na eh.Same old sequence.
"I was planning to go to the mall today,wanna come with me?"mas lumawak ang mga ngiti ko sa pag-asang pumayag siyang samahan ako
"Im sorry,i have to go"saglit lang siyang sumulyap sakin bago inayos ang tuxedo niya at tumayo
Kaya naman agad din akong tumayo para tulungan siyang iayos ang damit niya pero bigla niyang tinabig ang kamay ko.Bahagya akong nagulat sa ginawa niya at pati na din ang mga kasambahay na nakakakita sa amin pero nanatili ang blanko at seryoso niyang emosyon.
At ito na naman,nagbabadya na namang pumatak ang luha sa aking mga mata kaya naman pasimple akong tumingin sa likod at pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko bago muling humarap sa kanya ng may ngiti sa labi.
"Mag-iingat ka,honey"wala na siyang sinabi at nagtuloy tuloy sa paglalakad palabas ng bahay
I guess this life is a hell,full of chaos.Pero mas gugustuhin kong tumira sa empyerno kasama ka,Aiden.Because my life is you.
"Nawalan na ako ng gana,kainin niyo nalang yan.Tatawagin ko nalang kayo mamaya kapag nagugutom na ako"malamig na utos ko bago nagdirediretso sa pagakyat pataas ng hagdan.
Dali-dali kong isinara ang pintuan at napaupo sa sahig habang hawak ang dibdib ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko.Sinasabi ng isip kong itigil ko na ang pagiging hibang at sumuko na,pero ang puso ko naman ang nagsasabing ipagpatuloy ko at tiisin lahat.
Pero mas nangibabaw sakin ang pagmamahal ko kay Aiden,kaya naman im Still Trying to survive this fvckin' life.Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng libro,lumipas ang limang oras at nakaramdam ako ng gutom.
Sinulyapan ko ang wall clock at kita kong alas dose na pala kaya lumabas ako sa pinto at tinawag si Manang Camila na mayor doma ng mansion.
"Manang Camila?"
"Manang Camila?"
Nakadalawang tawag na ako sa kanya ngunit wala paring sumasagot kaya naman inis akong bumaba ng hagdan at pinuntahan sila sa kusina pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko na ang paguusap nilang lahat kaya nagtago ako sa likod ng pader.
BINABASA MO ANG
I Tried Loving You
RandomAng babaeng hindi minahal ng kanyang asawa kahit kailan.Para kay Caroline,yun ang pinakamasakit na bagay na nangyari sa kanya.Ang hindi mahalin ni Aiden.Pero kahit ganun,pinilit niya paring ipaglaban ang pagmamahalan nila kahit na nagmumukha na siya...