"Yumi"bahagya pa siyang nagulat noong tawagin ko siya
"Bakit po Ma'am Carol?"bigla ko tuloy naalala ang kabataan ko sa kanya,yung normal lang na namumuhay na parang walang kaprobleproblema sa buhay.
"Ilang taon ka na?"
"P-po?"
"Ilang taon ka na?dont worry,im not gonna do something"
"20 po"nakangiting sagot niya kaya napatango nalang ako sa kanya"Ano po ang ibang tatanungin niyo Ma'am?"parang nahihiyang tanong niya
"Where's Maita?"
"Nasa garden po siya Ma'am,siya po ang inutusan pansamantala ni Manang Camila dahil abala po sila ni Miranda sa paglalaba"still,nakangiti parin siya habang nakatingin sakin pero nanatili akong seryoso
Hindi ko na siya sinagot at naglakad nalang papunta sa garden,natanaw ko siya sa may hilera ng mga White Tulips habang kumakanta at nagdidilig.
Noong napansin niya akong nakatingin sa kanya ay agad niyang ibinaba ang pandilig at tumakbo palapit sakin habang nakayuko.
"Ano p-po yun Ma'am C-carol?"
"Thank you for the meal,nabasa ko ang letter mo"bigla siyang napatingin sakin habang lumulunok pero maya-maya ay napangiti din siya
"Walang anuman po"bahagya niya pang inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng teynga niya
I crossed my arms at tumingin ng diretso sa kanya"About awhile ago,huwag mong iexpect na magsosorry ako sayo.Still,mali ang ginawa mong pagpasok sa silid ng amo mo"pangaral ko
"Hindi na po mauulit"
Tumalikod na ako at naglakad paalis pero bigla niya akong tinawag kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"Hangad ko po ang kaligayahan niyo Ma'am Carol"sinserong sambit niya
Tinignan ko lang siya bago umalis at nagtungo sa silid ko.Habang nanonood ay napanood ko sa balita ang harap ng company building namin kaya agad akong napatayo sa gulat.
"Ayon po sa bali-balita ay balak nang ipull-out ni Mr.Aiden Del Fuego ang kanyang shares sa Melamiña Industrial Corp. na pag-aari ng asawa niyang si Mrs.Caroline Melamiña Del Fuego.Naguulat,Sheryll Imperial ng Truth News"
Anong kalokohan ito Aiden?!nawawala ka na ba sa huwisyo?!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number niya pero walang sumasagot,damn it!
Wala na akong sinayang na oras at nagpalit na ako papuntang sa company building.Naabutan ko si Chairman na sinisigawan si Aiden,kasama niya ang nakakatandamg kapatid niyang si Andres at andoon din si...Mommy?!kelan pa siya dumating?!
"Anong iniisip mong bata ka?!haaaa?!balak mo bang ipahiya ang sarili mong pangalan at reputasyon?!ano nalang ang iisipin ng mga tao?!"nanggagalaiting sigaw ni lolo kay Aiden
"Lo,enough"gulat silang napatingin sakin
"Isa ka pa!ano bang nangyayari sa marriage niyong dalawa?!akala ko ba ay magiging successful ang marriage niyo?!"bigla niyang ibinaling sakin ang galit niya
Damn this.
"Not all marriage is ended up being a fairytale"napatingin ulit kami kay Aiden
"He's right lo.Well in fact,were in good terms.Right Honey?"
"Yeah."nagiwas siya ng paningin.
Kung alam mo lang Chairman,na hindi kami okay.At kailanman ay hindi magiging okay.

BINABASA MO ANG
I Tried Loving You
AcakAng babaeng hindi minahal ng kanyang asawa kahit kailan.Para kay Caroline,yun ang pinakamasakit na bagay na nangyari sa kanya.Ang hindi mahalin ni Aiden.Pero kahit ganun,pinilit niya paring ipaglaban ang pagmamahalan nila kahit na nagmumukha na siya...