O N E

419 11 0
                                    

EDITED: MARCH 30, 2016

Hi guys! I dedicate this story sa mga A.R.M.Y.s jan na ang bias ay sino pa ba, halata naman sa title, kundi si Kim Taehyung a.k.a. V at 4D alien ng BTS!

Ngayon na lang ako ulit gagawa ng story kasi namiss ko to and nainspire ako bigla sa mga nabasa kong fanfics tungkol kay V, and mas lalo akong nahumaling(lalim ah) sa kanya pagtapos ko manood ng concert eh! KAWAY KAWAY SA MGA NANOOD NG TRB IN MANILA! 👋

Anyways! Sana mag-enjoy po kayo sa inyong babasahin, sorry kung ang dami ko pang satsat, alam ko namang gusto niyo ng magbasa, so eto na, enjoy!

-----

Cleo's POV

Tsk ano bang sagot dito?!

Ugh nakalimutan ko na!

Kung saan saan na lumilipad utak ko!

"Huy Cleo, parang kanina ka pa kamo lutang, ok ka lang ba?" Bulong ni Martha na nasa tabi ko.

Kailangan niyang bumulong dahil di kami pwedeng mag-usap usap kasi we're having our physics exam at the moment.

And no, I am not okay!

"Ah oo, n-nakalimutan ko lang yung sagot dito sa number 1, ano bang sagot? Hehe" pagsisinungaling ko.

"Solid! Ano ka ba, pang-elementary na yang tanong na yan!" Bulong ulit niya.

"Oo nga no hehe s-sige!"

"Tss."

Ugh nasaan na ba yung utak ko?!

Nasa outer space ata, nagffloating.

Tch. Outer space.

Kung nasaan yung mga planeta.

Kung nasaan pwedeng mag-exist ang other living organisms.

The best example is Aliens.

At nakakilala ako ng isang ganun.

At siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

FLASHBACK

~

Hay grabe di padin ako makaget over kanina. First concert ever ko kasi yung TRB in manila eh! And pauwi pa lang kami, galing sa MOA arena, ni lola at ng driver sa Olongapo, kung saan kami nakatira.

Wala akong pakialam talaga kanina, kanta kung kanta, sigaw kung sigaw kahit wala akong kakilala or kasama na nanood ng concert.

Oo wala akong kasama, at sa lower box c standing lang ako.

Pero super happy padin kasi iba talaga yung mafefeel mo kapag nasa concert ka na, kahit isa lang bias mo sa kanila, parang lahat magiging bias mo na! Grabe talaga yung experience.

Hay. Bwi! Bakit ang kulit mo nung paalis na kayo ng stage? MAHAL KO KAYOOOOOOOO! Mas lalo tuloy akong nainlove sayo..

Promise, ikaw yung sisisihin ko kapag tumandang dalaga ako.

Err. Di tuloy ako makatulog dahil may adrenaline rush padin ako sa concert!

Sinuot ko na lang yung earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog ng mga kanta ng BTS.

NP: Does That Make Sense

Sana makita kita someday ng malapitan V..

-

"Cleo.." may tumawag sakin habang tinatapik balikat ko.

"Huh..?"

"Gising na, andito na tayo sa inyo." Narinig ko na sabi ni lola.

"Ay sige po.." inaantok na sagot ko.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Inayos ko yung mga gamit ko and sabay paalam kay lola.

"Thank you po sa paghatid, ingat po kayo." Sabi ko sabay kiss sa kanya.

"Osige na, mag-ingat ka din jan, madilim pa naman lagi sa inyo."

"Opo lola, ba-bye!" Sabi ko at bumaba na ng kotse.

Nakita ko na yung simple naming bahay and yeah, home sweet home!

Pagpasok ko ng gate, agad sumalubong sakin si Alien, yup Alien. Yun yung name ng aso ko!

Ang alam namin aspin siya pero some said na local chinese dog daw kasi yung kulay niya, all light brown and medyo mataba siya, so ayun.

Obviously, alam niyo naman na siguro kung bakit Alien pangalan niya. *wink*

Pumasok na din ako agad sa bahay and di masyado nakipaglaro kay Alien kasi inaantok padin ako sa byahe..

Kaming dalawa lang ni lola dito sa bahay, wala kasi si mama, asa manila siya, nagtitinda sa world bazaar, sa world trade center.

Yung lola na kasama ko nga pala kanina, lola ko yun kay mama, and yung andito naman sa bahay, lola ko kay daddy. Wala din dito si daddy kasi nasa Dubai siya, nagtatrabaho.

May stall kami doon sa world bazaar, puro imported chocolates tinda namin. Huehue.

Pero di pa ako nakakapagtinda ngayon kasi may pasok pa kami ng 1week eh. Nakakalungkot.

Pumasok na ako ng kwarto and nagpalit na ng damit. Malamang tulog na si lola kasi.. *tinignan ko yung oras sa phone ko* OMG 1:30am na pala! Kailangan ko pa pumasok bukas!

Pero bago yun, magttweet muna ako. Hahaha!

"JGH from TRB concert in manila! Best. Concert. Ever. #TRBinmanila #alientalagasiV #mahalkokayo"

Tweet!

Hmm. Check ko muna yung twitter profile ng BTS bago matulog, baka may tweet sila tungkol sa PH A.R.M.Y..

...

O. M. G. Ano daw?!

-----

Comment po kayo ha? Lemme know your opinions about this story ^_^ vote na din po kung sa tingin niyo maganda hihihi thankyou for reading!

Alien's babysitter [ BTS fanfic ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon