"Fvck You" Shit! This is the fvking bastard na hindi ko talaga alam kung yan pangalan nya o bumabanat sya, king ina nya.
" Haha okay, I'll Fvck myself pero alam kong wala kang masakyan ngayon and nakita kita dito hagard-"
"I will not come with you"
"Ow! Don't be stubborn, ako na nag kukusa oh" ngisi niyang sabi.
"gentleman ka na nya-" 'di ko na natapos sasabihin ko kasi may nakita akong Fx na paparating kaya agad akong kumaway. "Dito po, Dito!"
Yes! Buti nalang, para 'di ko makita pagmumukha ng lalaking 'to. Bleh!
"Ay! Aba! Ate ako na una dyan! Hoy! Bumalik ka dito Fx kaaaa! Fvck!" pano ba kasi, may biglang sumakay 'di ko alam saan galing bigla bigla nalang nasulpot. Hayst!
"Pano ba yan?" ngisi ngisi nanaman tong isa. Inirapan ko lang s'ya, ayoko ibaba ego ko sakanya no!
"I can wait here"
"Till when?"
"Pwede ba, Umalis ka na lang? Kaya ko na 'to"
"No, you can't"
"I can" totoo naman kaya ko pero ewan ko biglang nanlambot tuhod ko. Huhu nangangalay na s'ya.
"No." Lah seryoso na s'ya nyan? Shit natatameme ako. Bakit 'pag siya nagsasabihing 'di ko kaya parang 'di ko talaga kaya? "Don't pretend you can, I know you can't. This is free ride bakit ka ba natatakot sumakay? 'Diba you should be thankful na may nag offer pa?"
Tama s'ya. Bakit ba ako natatakot sumakay? Ngayon lang 'to. Jad, ngayon lang 'to. Next time 'di mo na kailangan ng tulong n'ya.
Sigh, "Sige".
Ringg ringg Someone is calling
Napatingin ako sa bwiset na driver ko, oo sa araw na 'to driver ko s'ya, ha! Kala n'ya ah!
"Sagutin mo na 'yan nakakaistorbo eh" saad ko.
"Pfft. It's not mine" natatawang sabi niya
Medyo pahiya ako doon konti ah. Oo konti lang!
"Sino 'to?" panimula ko pagkatapos masagot yung tawag "Hello? Sino po ito?" wala kasing nasagot.
"Jad... Nak? bakit 'di mo sinave yung number ni Liam sa iyo" malungkot na sabi ng babae sa kabilang linya, siguro kung 'di nya nabanggit si Liam hindi ko siya makikilala.
"Sorry po tita akala ko rin po kasi matagal niya na 'tong 'di ginagamit" Okay I lied. Kaya ko lang naman dinelete sa contacts ko ang number ni Liam kasi sobra akong nasaktan. Hindi alam ni Tita ang totoong dahilan kung bakit kami nagbreak at wala akong balak ipaalam.
"Jad..." naririnig kong umiiyak si tita sa kabilang linya, maging ako naman pinipigilan ang luha ko kasi may kasama ako dito. "Alam ko malaki naging kasalanan ni Liam sa'yo pero sana napatawad mo na siya at makapunta ka ngayon"
Nagulat ako, lutang pa. 'Di ko alam kung anong sasabihin kay tita.
"H-ha? P-paano p-po mo-" nanginginig na boses ko, ayoko umiyak kaya sobra sobra ang pagpipigil ko.
"Dati pa 'nak, sinabi ni Liam. Sana makapunta ka dito" malungkot na sabi ng Mama ni Liam
"S-sige po, nasa kalagitnaan na po ako ng byahe, on my way na po"
"Sige salamat Jad, salamat." pagkatapos sabihin ni Tita 'yan, pinatay niya na ang tawag.
Self, 'wag kang iiyak. Oo masakit parin kapag naaalala ko ang mga nangyari. First Love ko yun eh, first boyfriend, first kiss, at first trust. Hindi ko naman alam na gagaguhin niya 'ko. At pagkatapos noon, ayoko na, mas okay pa rin ang ganto nalang. Mag-isa. Nung una nahirapan ako dahil nasanay ako sa kanya pero lumipas nalang yung araw na wala na, ayoko na.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Short StoryIto ang kwento ng isang babaeng nasanay sa buhay mag-isa, independent at matapang. Nang makilala nya ang isang misteryosong lalaki, biglang nagbago ang takbo ng buhay nya. Natakot na syang mapag-isa. Ngunit isang malaking rebelasyon ang kanilang nal...