Jadean Nicoel Levaxon's POV
"Jadrean! Nandito na mga kaklase mo! Papapasukin ko ba?"
"Hayssst! argghhh! Wag muna Aling Cellia! 'Di pa po ako nakakapagligpit!"
"Sige!Sige!"
"Shit naman kasi! Bakit ang aga naman nila! Yung mga gamit ko nakakakalat pa eh"
Ligpit dito
Ligpit doon
whooo!
Sa wakas tapos din"Antagal naman Jad! , papasok na kami ah"
"Oo pumasok na kayo! Tapos na ako!"
Bumukas ang pinto at niluwa niyon ang dalawa kong natitirang kaibigan. Oo tama 'natitira', 8 kasi kami dating magkakaibigan, noong 1st year. Pero nagbago noong nag 2nd year kami, yung anim na yun, utak ko lang ang habol nila, pero nung ako na nangailangan wala silang binigay na tulong saakin. Simula noon, inalis ko na sila sa buhay ko, etong dalawang makulit lang na 'to ang nagtagal. Graduated na kami sa kurso naming Accountancy, pero hindi ko masyado dinedepende ang sarili ko sakanila, pagdating ng panahon, iiwan din nila ako, maiiwan ko rin sila.
Bigla naman akong tinitigan ni Avrylle mula ulo hanggang paa, sabay tanong ng "Sigurado kang tapos ka na?"
"Oo bakit?"
"Ano ka ba sis! Hahanap tayo ng Papshie ngayon! 'Bat nakapangtulog ka pa?". Etong si Chissane ang mahilig sa pogi, kung kani-kanino ako nirereto.
"Ha? 'Diba sabi ko wala 'kong oras sa mga ganyan? HAHAHAHAHA" sabi ko at walang ganang umupo sa couch, kaharap nila.
"Hay nako Chi, hindi mo mapipilit 'yan. Lalo na't nakapasa siya sa Board exam. Sasabihin n'ya nanaman na ang boylet ay malaking distraction HAHAHAHAHA"
"Ay correct ka dyan Avi, siguro kung 'di lang 'to sinaktan ni Li---" natigilan s'ya sa sasabihin niya nang titigan ko sya ng 'subukan-mo-sabihin-look'. Alam naman nilang ayoko naririnig ang pangalan ng lalaking yun. "HAHAHAHA Oo! Oo! Edi sana di ka takot magmahal ngayon".
"Che! Ano ba kasi balak niyo ngayon at ang aga n'yong nambulabog!"
"Chill ka lang Jad, magcecelebrate lang tayo"
"At ano namang icecelebrate aber?!"
"Look" sabay nilang sabi. At ipinakita saakin ang screenshot ng--Ano to?!
"Whaaaa! Totoo?! Shit! Congrats inanyo!" sino bang hindi matutuwa? Pasado na rin sila sa Board Exam! "Oh ano? Bar?"
At dahil OA talaga si Avi, "WHAT?! Nababaliw ka na ba?! Ikaw ba yan?" kinapa-kapa pa n'ya yung leeg ko!
"Ano ba, ako 'to! wala akong sakit!" Sabay tabig ng kamay nya. "Gusto n'yo ba o ayaw?"
"Aba! Syempre Gusto/Gustong-gusto" Nice naman sabay pa.
"Liligo lang ako, then let's party party! HAHAHHAHA"
"Bilisan mo ah makupad ka pa naman"
At the Bar
"Shit nakakainis! Andaming nanggigitgit sa dancefloor!" Nakasimangot na sabi ni Avi habang papalapit sa table namin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo dito ka nalang sa table natin, masaya naman dito"
"At paano naging masaya d'yan aber? Eh umalis nga si Chissane d'yan kasi ayaw mo naman daw magsalita"
"Nagsasalita kaya ako! Kausap ko yung mga bote, nagtitigan challenge pa nga kami eh, talo nga ako eh huhuhu"
"Hala Jad! May sapak ka na! Tama na yan"
[sapak= tama, yung parang "lasing ka na" basta ganon yun]

BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Cerita PendekIto ang kwento ng isang babaeng nasanay sa buhay mag-isa, independent at matapang. Nang makilala nya ang isang misteryosong lalaki, biglang nagbago ang takbo ng buhay nya. Natakot na syang mapag-isa. Ngunit isang malaking rebelasyon ang kanilang nal...