Sa mundong ating ginagalawan, maraming aalis, maraming darating. Naging motto ko na 'to sa buhay, ang "People will come and Go". Kaya nasanay ako. Sanay na ako mula ng mangyari ang pinakamasakit na parte ng buhay ko
10 years ago....
Pagmulat ko ng aking mga mata, isang puting kisame ang aking nakita, medyo malabo pa yun pero alam ko, nasa hospital kami. Luminga ako sa paligid at nakita ko si Mommy at Daddy may dala-dala silang maleta.
"Samuel, I'm so happy mabubuo na tayo, excited na ako makita si Joash, ang panganay ko! Magsisimula ulit tayo, kasama si Joash"
Buo? Joash? Magsisimula ulit?
"Mommy saan po kayo pupunta ni Daddy? Bakit n'yo ako iiwan dito?"
"Anak, buti naman at gising ka na, pupunta kami sa Manila, nakita na daw ang Kuya mo! Magkakaroon ka na ng Kuya, 'diba gusto mo iyon?"
"Pero Mommy, bakit iiwan ninyo ako rito? Hindi ba pwedeng sumama nalang ako?" ang mga luha ko ay nagsimula nang magsiagos.
"Anak, Darling, Alam mo naman na may sakit ka at hindi ka pwedeng bumyahe sa malayo-"
"No! Malakas naman ako! Ba't hindi nyo ako isasama?! Ang sabihin nyo gusto n'yo kayo lang para sa isa n'yo lang na anak!"
"No, anak, don't say that we are just worried about you, please don't think that we don't love you anymore, you're always our baby"
Hindi, nagsisinungaling sila, kaya nya sinabing magsisimula sila ulit dahil gusto n'yang maging family sila sa Maynila!
I just ignore them, I don't want to listen to them. Then suddenly, someone entered the room. Isang lalaki nakasuot ng tuxedo.
"Ma'am, malapit na po ang flight hour, kailangan na po natin umalis baka po maiwan kayo ng eroplano"
"Sige bababa na kami. Hun, mauna ka na." Daddy jusy nodded, and go outside the room. "Anak, pinagbilin na kita kay Nanay Flor ah, be a goodgirl. We love you. Take care always okay?"
Niyakap ako ni Mommy, sobrang higpit nun, may biglang kumabog sa dibdib ko para akong kinakabahan, pero kahit na naramdaman ko yun, hindi ako yumakap pabalik. Maya-maya umalis na si Mommy at pumasok si Nanay Flor.
2 Months passed by... I heard babalik na sila Mommy dito. Naging mabait ako sa loob ng 2 months na yun pero ni minsan hindi nila ako kinausap, laging si Nanay Flor lang, 'di bale, ayoko naman din silang kausapin. Akala ko naman kasi saglit lang sila roon pero 2 buwan na, ngayon palang sila uuwi. Siguro sobrang saya nila na kasama na nila ang panganay nila.
Malapit na ang birthday ko, 2 days nalang. Ang pagbabalik nila ang pinakamagandang regalo saakin.
Kinabukasan.....
"Jadrean! Jadrean! Anak! Jadreaaan!" sigaw ni Nanay Flor sa labas ng kwarto ko.
"Bakit po Nay!" Huhuhuhu Kagigising ko palang, ansakit pa nung likod ko!
"Kakausapin ka ng Mommy mo dalian mo rito at malapit na ang Flight nila!"
"Ahhh kakausapin lang pa--WHAT?!" shemay! Kakausapin daw ako ni Mommy?! Dali dali na ako lumabas ng kwarto at inabot ang cp na hawak ni Nanay Flor.
"Anak! Pauwi na kami! I love youuu!"
-Call ended-
"WHAT?! Nay! Bakit namatay agad?!" Nakakainis naman, saglit ko lang sya nakausap! 'Di pa ako nakapagsalita!
"Ay hehe, baka need na nila umalis kaya pintay na."
"Sige po"
Aaminin ko excited ako. Sobrang saya ko, bukas pa naman birthday ko na kaya makakapunta talaga sila! 13th Birthday ko iyon at kasama na ang kuya ko. Oo wala na galit ko sakanila noong iniwan nila ako para sa Kuya ko, basta ba uuwi na talaga sila ngayon!
.Gabi na at nakakapagtakang wala parin sila, nakapaghanda na kami ng maraming pagkain ready na rin kami. Pero bakit ganon? Nandito lang ako sa labas ng pinto at hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ba ang dumaan sa subdivision namin.
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!"
Ano yun?! Si Nanay Flor ba yun?!
Agad akong pumasok sa loob ng bahay, hindi ko alam kinakabahan ako. Nakita ko si Nanay Flor nasa sahig nakahawak siya sa kanyang puso kaya sobrang nag-aalala na ako. Iniupo kpo sya sa malapit na couch. Ngunit kakapagtaka na nakatulala siya. Tiningnan ko kung sa'n siya nakatingin, pero naging ako natulala.
Parang tumigil ang tibok ng puso ko habang binabasa ang nakasulat sa Tv.
'Isang Eroplanong sakay ang 800 passenger ang sumabog, walang nakaligtas'
"Ito ang listahan ng mga nasawing sakay ng Eroplano" naririnig kong sinasabi ng Anchor, maraming nakalagay na pangalan pero ang mata ko sa-
Samuel Nataniel Levaxon, 38
Fienna Mae Levaxon, 37
Joash Max Levaxon, 15No! This can't be!
Wala na akong magawa! Hindi ko matanggap ang nangyayari. Kung alam ko lang sana, dapat 2 months ago niyakap ko na si Mommy pabalik, at nag I love you too agad ako kanina. Huli na pala yun. Kung alam ko lang.
Hindi ko pa nga nakikita yung Kuya ko, kinuha na agad nila! Kinuha na agad nila ang Kuya ko! Iyak lang ako ng iyak. Naiinis ako, dapat kasama ako dyan eh! Dapat sinama nalang nila ako, hanggang ngayon iniiwan parin nila ako. Isang mahigpit na yakap ang maramdaman ko mula kay Nanay Flor. Naisip ko, pagdating ng araw, iiwan din niya ako.
Hindi ko alam kung ilang oras pa kaming umiyak ni Nanay, sa huli nakatulog na ako.
Kinabukasan, nakauwi nga sila sa araw ng birthday ko pero isa lang abo. Ganda regalo ko. Umiyak nanaman ako, umiyak ng umiyak.
After 5 years naiwan sakin lahat ng mana. Pero pinaayos ko iyon sa lawyer ng family namin, tinulungan nila akong lahat para bumangon kaya bawat isang miyembro ng pamilya ko, may hati sa mana, lalong lalo na si Nanay Flor. Oo nga pala, namatay na si Nanay Flor, 2 years ago kaya ang benifits ng mana niya ay napunta sa mga anak nya. Pinatira ko na rin sila sa bahay, mapagkakatiwalaan ko sila. Si tito ko ang humawak ng business ni Papa, papahawakan niya daw saakin kapag nasa edad na ako.
At ako? Pupunta akong Maynila, napagdesisyunan kong doon mag-aral ng kolehiyo. Dala ko ang aking maleta, laman ay aking mga damit, ang aking credit card, gamit pag eskwela at cash na 10,000. Hindi ako nagdala ng mga kung ano-anong hindi naman importante. Eto na ang simula ng pakikipagsapalaran ko sa tunay na mundo, hindi na ito ang oras ng pagiging prinsesa. Narito ako, para maging independent. Kakalimutan ko ang estado ko sa buhay, at maninirahan sa bagong mundo.
Gabayan nawa ako ng Panginoon.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede
Krótkie OpowiadaniaIto ang kwento ng isang babaeng nasanay sa buhay mag-isa, independent at matapang. Nang makilala nya ang isang misteryosong lalaki, biglang nagbago ang takbo ng buhay nya. Natakot na syang mapag-isa. Ngunit isang malaking rebelasyon ang kanilang nal...