PART FIVE

408 15 5
                                    


Inintindi ko ang sinabi niya at hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Tumitingin ako sa paligid baka may kasama siya.

"Ako lang ang nandito, huwag kang mag alala." wika niya.

"Ibig bang sabihin niyan ay namimiss mo rin ako?" I asked.

"I didn't say that I miss you, I just want to see you." he mumbled.

He didn't say but his actions did. Napaka in denial naman nito ang sarap batukan.

"Gano'n pa rin 'yon, gusto mo akong makita kasi namimiss mo ako. Namimiss mo kadaldalan ko," wika ko at ngumiti ng malapad sa harap niya.

"Hindi ka lang pala maingay, assuming ka rin pala." usal niya at tinapik ang noo ko.

Nagulat ako sa pag tapik niya sa noo ko. Aba! Sino siya para tapikin ako sa noo?

"Ano ba! Huwag mo nga ako tapikin sa noo, masakit ah!" reklamo ko sa kaniya.

"Mas masakit pag sinuntok ko 'yan, huwag kang maarte." sambit niya kaya agad ko siyang tinignan ng masama.

Ako pa itong maarte? E ikaw na nga 'yong may kasalanan at nanakit sa'kin. Urgh! Napakasama!

"Kung dumalaw ka lang dito para asarin at saktan ako, umalis ka na lang. Oo namimiss kita! Masaya ako at nakita kita pero nagsisisi na ako na ginusto pa kitang makita kasi ganito lang pala ang gagawin mo sa'kin. Umalis ka na!" I was pissed off after I said those words.

Pinakalma ko muna sarili ko bago ako tumingin ulit sa kaniya but he keep on staring at me.

"Anong tinitingin mo diyan? Umalis ka na nga sa harap ko!" naiinis na wika ko.

"Ganiyan ba ugali mo pag nagagalit? Nagtatampo? At kapag naasar? Ang pangit mo tignan," pang aasar niya ulit sa'kin at bigla siyang humalakhak ng tawa.

Imbis na magalit ako ulit sa pang aasar niya ay bigla akong napahinto at napatitig sa kaniya nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa.

Ang sarap pakinggan, ewan ko pero nanghihina ako at napatulala ako sa mukha niya.

Nawala 'yong galit ko kanina.

"Hey? Gising! Bakit ka napatulala sa'kin? I look handsome ba?" he asked at hinawakan ang ilong ko.

Bumalik ako sa katinuan at bumaling ang paningin ko sa kawalan.

"Ikaw pala 'tong assuming e. Alis ka na nga, naninira ka ng gabi. Sana di ka na lang nagpunta dito," sabi ko.

"I'm sorry Francine but you look funny when you get angry."

"Anong funny funny! Ginawa mo lang akong kakatawanan sa harap mo? Napakasama mo!" wika ko at pinagsusuntok siya dibdib.

"I know, hindi ko naman sinabi na mabait ako. Ikaw lang nagsabi, you don't know me well Francine, but I let you know me." aniya.

"No thanks! I'm not interested to you!"

"You do and we're mutual," he said.

Napakalabo niya naman. Sabi niya ay kakalimotan ko na ang nangyari sa akin at pati sila ng mga kasama niya kakalimotan ko na tapos gusto niyang kilalanin ko siya? Hanep naman ng mokong 'to!

"Akala ko ba dapat na kitang kalimotan?" I asked.

"I change my mind." he whispered.

"What do you mean?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili siyang tahimik.

"Ano? Hindi ka na naman magsasalita?" tanong ko ulit pero hindi pa rin siya umimik.

"Hindi mo ako sasagutin? Tatayo ka lang d'yan?!" inis na tanong ko.

"Okay, sinasagot na kita." wika niya kaya napa angat ako ng tingin.

"Ang kapal mo! Hindi iyan ang ibig kong sabihin!" sigaw ko at susugorin ko sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Hey! Relax Francine, you look frustrated." he exclaimed.

"You made me like this!" I yelled.

"Just go inside your house na at aalis na ako. Take care Francine! Thanks sa time, I enjoy!" he said.

"Nakakainis ka!" sigaw ko at tumingin ng masama sa kaniya.

"Kanina pa," he whispered.

"Binabawi ko na ang sinabi kong mabait ka," wika ko.

"Binabawi ko na rin ang sinabi kong maganda ka," natatawang sabi niya.

Nang aasar na naman siya, bakit gano'n?! Nakakainis na talaga siya. Ganito ba talaga ang ugali niya? Oo alam kong mahilig siyang mang insulto at mang asar sa akin pero hindi ko akalain nakakaubos siya ng pasensya.

"Ano naman kung hindi ako maganda? Hindi ka naman din gwapo ah!" wika ko.

"Edi bagay tayo," he said and winked at me.

"Tao ho tayo! Ang pangit mo bumanat!" saway ko.

"Mana lang sayo, huwag ka na magtaka," pang aasar niya kaya kumuha na ako ng bato para sana itapon sa kaniya pero hinawakan niya ang braso ko.

"You want to hurt me physically?" he asked.

"Yes! I hate you Jarex! I hate you!" galit na sambit ko.

I hate you for ruined my night.

"Then, I let you hate me." he uttered.

"Diba sabi mo aalis ka na? Umalis ka na!" wika ko.

"Pumasok ka muna sa loob, bago ako umalis."

"Ayaw ko, bakit naman kita susundin?"

"Okay," he whispered.

"Tsk!" usal ko.

"Papasok ka sa loob? O ipapakidnap ulit kita sa mga tropa ko?" pananakot niya sa'kin.

Gustohin ko man na hindi siya sundin pero bigla ko na lang naramdaman ang katawan at paa ko na tumalikod sa kaniya at aakmang papasok na sa loob ng bahay.

Nang bigla siyang nag bitiw ng salita.

"Namiss lang kita kaya huwag ka na mainis. Next time ulit, Goodnight!" wika niya kaya napahinto ako.

Ilang segundo muna bago ko siyang hinarap pero pagharap ko ay nakita ko na siyang naglalakad palayo.


The Kidnapper (Completed) Where stories live. Discover now