PART SIX

387 9 5
                                    

Kinabukasan ay sumama ako kay mama pumunta ng mall, may bibilhin kasi siyang groceries.

"Mama, puwedi po ba ako pumunta sa taas? May titignan lang akong mga damit." paalam ko kay mama.

"Saan naman tayo magkikita? Baka mawala ka,"

"Magkikita na lang po tayo sa jollibee ma, mag stay muna kayo doon pagkatapos mong mag grocery at hahanapin ko na lang po kayo." wika ko.

"Okay. Bilisan mo ha anak, baka may mangyari na naman sayo." paalala ni mama.

"Opo mabilis lang po ako," sambit ko at naglalakad na papuntang escalator.

Ganito talaga ang hilig ko kapag pumupunta kaming mall ni mama ang tumingin tingin sa mga damit at kapag may nagustohan ako ay pag iiponan ko ito para mabili.

Naaliw ako habang pumipili ng damit, masyadong mamahalin ang mga nagugustohan ko at sobrang ganda.

Ilang minuto na rin akong naglilibot habang tinitignan ang mga damit nang makarating ako sa isang boutique ng mga dress and gowns.

"Wow! Ang gaganda talaga!" usal ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid.

Nang naramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Mas maganda ka," he whispered.

Halos mapatalon ako sa kinatatayoan ko nang marinig ang boses ni Jarex. Shit! Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako? Stalker ka na ba ngayon? Ha?!" sunod sunod kong tanong.

"What? I'm not your stalker babygirl. Nagpunta ako dito para bilhan ng regalo ang kapatid ko then sakto nakita kita kaya sinundan na kita, kasi dito rin ang punta ko." paliwanag niya sa'kin.

Edi siya na ang sweet na kuya sa kapatid niya! Ang sama naman sa akin, he respect girls but he keep on making fun at me.

"Don't called me baby girl. I'm not your baby nor girl," I uttered.

"Then, be my baby." he smirked.

Wow! Ang dali niyang sabihin 'yan, ang dami pa nga niyang kasalanan sa'kin. Hindi ako easy to get! Hindi rin kami close, siya pa nga 'tong nagsasabing kakalimotan ko na siya tapos ngayon mang gugulo sa akin.

"You and I is just a stranger." I said.

"Everything start with a stranger, nothing change." he exclaimed.

"Ayaw mo akong maging kaibigan diba? Edi ayaw ko na rin. Hindi lang ikaw marunong mang reject!"

"I told you, I don't want to be your friend. But I didn't say that I won't talk to you. I said last night that I change my mind na kakalimotan mo ako but remember me instead,"

Ang labo rin pala ng lalaking 'to! Kung ano anong desisyon sa buhay, hindi naman napapanindigan.

"Alam mo? Ang labo mo!" saway ko.

"Malinaw naman sa mga mata mo na gusto mo ako." wika niya at tumawa ng mahina.

"What? You're unbelievable! Ang dami mo palang talent pero ang the best talent mo ay ang pagiging assuming!"

"I'm not, I'm just being true. I saw it in your eyes that you do like me. Don't worry, if you fall. I'll catch you," he exclaimed.

"I won't fall for you! Hindi ko nga kaya mga ginagawa mo sa'kin kahit hindi pa tayo magkaibigan paano pa kaya pag nagustohan na kita? Baka iiyak lang ako lagi dahil sayo,"

Hindi siya umimik at tumingin lang ng dirertso sa mga mata ko. Ano naman kayang iniisip nito? Ang hilig niyang manahimik sa gitna ng usapan.

"Magtitigan lang ba tayo dito?" I asked.

"I won't let the girl cry because of me,"

Nagulat ako ng konti sa sinabi niya, baka 'di niya nagustohan ang sinabi ko kanina na baka iiyak lang ako sa kaniya. Kasi naman nakakapikon siya kausap.

"Aalis na ako, pupuntahan ko pa si mama." mahinang sabi ko at umalis na sa harap niya. Nakakahiya sa mga sales lady dito ang ina asta namin kanina.

Hindi pa man ako nakalayo ay pinigilan niya ako.

"Ito na ang huling beses na aasarin kita, ito na rin ang huling beses na mapipikon ka sa akin. This is just my way to express that I'm happy to be with you pero mukhang mapapalayo ka sa akin kaya this will be the last time at kapag nagkita tayo muli, I want to make you fall."

Hindi ako makapag salita dahil sa mga sinabi niya. He want me to fall for him? Why?

"Hindi kita maintindihan Jarex at nakakapanibago ka ngayon. Pwedi? Tama na? Hindi na ako natutuwa,"

"Don't you trust me?" he asked.

"I trust you but I can't understand you now."

"Hindi ko rin naman naiintidihan kong bakit may nararamdaman ako para sayo. Nagising na lang ako na gusto kitang puntahan at makasama."

"Jarex..."

"Francine, I want to know you more." he uttered.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero natutuwa ako. Kinikilig ako. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na baka pinaglalaruan niya lang ako.

"Okay Jarex. Segi mauuna na ako," sabi ko.

"Take care Francine! I'm sorry for what I did."

"Okay lang 'yon. Kailangan ko na talang puntahan si mama, kanina pa 'yon naghihintay sa akin. Sa susunod na lang tayo mag usap." sabi ko at nagmamadali ng maglakad at bumaba ng escalator para puntahan si mama sa jollibee.

Nang makarating na ako sa jollibee ay nakita ko si mama na naka upo at kumakain.

"Nag order ka ma?" gulat na tanong ko.

"Hindi, may lalaki lang na lumapit sa akin kanina nang makarating ako dito at sabi niya na kaibigan mo raw siya. Siya 'yong nag order, sabi niya para raw ito sa ating dalawa. Hindi sana ako papayag anak, pero seryoso kasi siya at sayang naman. Nagugutom din ako," paliwanag ni mama.

Isa lang ang pumasok sa isip ko, si Jarex.

"Gano'n po ba?! Segi po samahan ko na kayo kumain." sabi ko.

"Ang bait naman nang kaibigan mong 'yon. Hindi mo naman sinabi sa akin na may bago kang kaibigan. Hindi mo kasi 'yon napakilala sa akin."

"Nagpakilala po ba siya sa inyo ma?" I asked.

"Hindi na e. Hindi niya sinabi kong sino siya 'nongnagtanong ako." sagot niya.

"Si Jarex po 'yon ma, bago kong kaibigan." usal ko.

Hindi ko na muna sasabihin na si Jarex 'yong nag ligtas sa akin. Hindi ko akalain na gagawin niya to, seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?

Ayaw kong mag assume, pero bakit ako?


The Kidnapper (Completed) Where stories live. Discover now